17

4.4K 148 64
                                    


Huminga ako ng malalim. Pilit kong inaalis ang kaba sa dibdib. Tapos na ang isang buwang pagsasanay ko. Ngayon ay kailangan kong seryosohin ang laban para makuha ko ang kalayaang hinahangad ko.

Kahit alam kong suntok sa buwan ang hiniling ko kay Ceon ay gusto ko pa ring sumubok. Hindi lang naman siguro puro sa lakas ang laban, gagamit din ako ng utak dahil malamang ay dehado ako pagdating sa lakas.

Kahit paano ay may kompyansa na ako sa sarili ko dahil sa mga tinuro sa akin ni Stone. He's a good trainer. Tinuro niya sa akin ang lahat ng dapat kong matutunan at marami strategy sa pakikipaglaban.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko. At pinapasabing naghihintay na daw sila Ceon sa underground training court.

Mabilis kong sininop ang buhok ko sa pagkakatali. Suot ko ay puting sando at itim na sweatpants na umabot lang ng lagpas sa tuhod ko.

"You can do this." pagpapalakas ko sa sarili.

..

"Akala ko umatras ka na." may kalakip na tawa ang sinabi sa akin ni Steele oras na nakarating ako.

Nasa tabi niya si Ice at si Stone na nagthumbs-up. Ang hindi ko lang nakita sa grupo ay si Nixon. Andito rin ang ilan sa mga kasama nila na hindi ko naman kilala ng personal. Andito rin siguro sila para makita ang pagtutuos namin ng bugnutin nilang pinuno.

"Yung mga tinuro ko sayo. Huwag mo akong ipahiya." paalala pa sa akin ni Stone na tinanguan ko naman.

Hindi naman na nagsalita sa tabi si Ice.

Lumakad na ako palapit sa gitna ng court.

Nakapwesto na pala si Ceon. Fresh na fresh ang mokong sa suot nitong hapit na abuhing sando at jogging pants. Shit! Ang sexy niya!

"Are you ready?." tanong niya sa akin matapos akong hagurin ng tingin ang kabuoan ko.

"Yes." nginisihan ko siya. "Sana ay handa ka rin sa mga hihilingin ko oras na manalo ako." hamon ko sa kanya.

Tumawa naman siya sa sinabi ko.
"Sana handa ka rin sa paglobo ng tiyan mo kapag ako ang nanalo."

Nawala tuloy ang ngisi ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama.

"Damn. I can't wait to ravish you after this." ani nito. "Mas magandang maaga tayong magsimula, who knows? We might get twins." nakahawak pa ito sa baba niya na parang pinagpaplanuhan ang gagawin niya mamaya.

"Bastos!." I tried to slap him pero mabilis niyang nahawakan ang pulso ko.

"Let's start then." he stated seriously.

"I'll be gentle. I promise." ngisi pa nito sa akin bago sinenyasan na umatake.

"Scam ka!." I hissed before aiming my fist to his face pero agad niyang nasalo ang kamay ko. Mabilis niya akong inikot at siya na ngayon ang nakapwesto sa likod ko. Para lang siyang nakayakap sa likod ko pwera lang sa madiin na pagkakapirmi ng braso ko sa likod ko.

"Argh! Ang daya mo." I managed to say at sinikap kong sipain siya mula sa likod ko pero diniin lang niya lalo ang pagkapilipit ng braso ko kaya napadaing na lang ako.

Naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng tawa niya mula sa likod ko. Kahit ang mainit niyang hininga ay humahalik na sa leeg ko.

"Damn! Ang cute mo." Nagawa niya pa akong nakawan ng halik sa pisngi bago ako pagkawalan.

Hindi naman ako nag-aksaya agad ng panahon at sinugod ulit siya. Nagtagumpay naman akong suntukin siya sa tiyan pero ang kamao ko lang din ang nasaktan sa tigas ng tiyan niya. Punyetang pandesal niya kaseng yan!

The Mafia Boss ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon