7

9.2K 262 15
                                        


Nagising si Elaine dahil sa ingay ng cellphone niya, kahit nakapikit ang mata kinapa kapa niya ang cellphone niya sa side table na tabi ng kama niya.

"Hello." Paos pang sagot niya.

"Elaine! Gosh kagabi pa kita tinatawagan bakit di mo sinasagot?! I'm worried about you lalo na may lalaking nagpakilalang boyfriend mo at inuwi ka kagabi! Kahit naman gwapo yun, kacreepy ng dating." Sermon ng kaibigan niyang si Pia.

"Lalake?!." Agad naman siyang napaupo sa kama, doon niya lang napansin na wala siyang saplot ni isa sa ilalim ng kumot. Agad niyang pinatay ang tawag kay Pia kahit naiintriga ito kung bakit siya sumigaw. Napatili siya sa sobrang panic, di pwedeng may mangyari sa kanya kasama ang ibang lalaki. Mapapatay niya ang sarili dahil para sa kanya si Master Ceon niya lang ang may karapatan sa kanya.

Nilibot niya ng tingin ang buong kwarto niya, wala naman mababakasan na lalaki, malaban na lang sa lukot ang bedsheet sa tabi niya.

Naligo na lang siya para mawala ang hangover niya at para mawala sa isip niya na may nakatalik siya kagabi, ramdam naman niya kase ang pananakit ng pagitan ng hita niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makakita ng nakatalikod na lalaki habang nagluluto sa kitchen niya, hindi lang yun super hot din ng katawan nito kitang-kita niya ang nga nagfleflex na muscles nito dahil nakaboxer short lang ito.
Halos malaglag ang panga niya ng humarap sa kanya ang lalaki, it's no other than his master Ceon!

"Good morning! Come, malapit ng maluto ang breakfast." Ngiti nito. Totoo ba talaga ngumiti ito? Halos mabuwal sa pagkakatayo si Elaine dahil sa nakita.

Then suddenly he frowned.
"C'mon Elaine, sit." Turo nito sa isa sa mga upuan. Napalunok siya bago sumunod sa pinaguutos nito.

Hanggang ngayon di pa rin siya makapaniwala na andito ito ngayon. Susunduin ba siya nito? Ayaw naman niyang magtanong baka mapahiya lang siya. Pero gusto niya rin itanong kung paanong ang master niya ang sumundo sa kanya kagabi. Pero tinukom na lang niya ang bibig niya dahil ayaw din niyang malaman kung anong kalokohan ang pinaggagawa niya nong lasing siya.

"You're too quiet Elaine. What's the matter." Napaigigtad pa siya ng biglang hawakan nito ang kamay niya nakapatong sa lamesa.

She cleares her throat.
"Wala lang." Mukhang di kumbinsido ang Master niya dahil pinakatitigan pa siya nito, waring hinahanap ang kasagutan sa pagtingin sa kanya.

"You should'nt drink like that. Mababa ang alcohol tolerance mo." Sermon nito sa kanya saka sumubo ng pagkain.

"Ano ba ang pinaggawa ko ng lasing ako?." Di ito sumagot sa kanya sa halip ay ngumisi lang ito sa kanya na parang tuwang tuwa ito sa pagkakapahiya niya.

"So ano ang pinagkakaabalahan mo habang wala ka sa headquarters?." Tanong nito. Napalunok siya para maiwasan niyang mapiyok, naguumpisa na siyang maging emosyonal ngayon niya lang kase narealise na sobrang miss niya ito.

"Wala naman masyado." Nagsalubong ang kilay nito ng pumiyok ang boses niya. Her eyes started to blinded with tears, di na niya mapigilan.

Nakakainis kasi ito bakit kailangan pang paabutin ng halos dalawang linggo bago siya nito hanapin, di na ba siya mahalaga dito. Alam niyang pet lang siya nito at yun ang napagkasunduan niya pero nagaassume siya ng higit doon dahil kahit kelan di naman nito pinaramdam na literal na pet siya nito.

"Why are you crying? Kagabi ka pa ganyan." Di na niya namalayan na nasa bisig na pala siya nito at mahigpit siyang niyayakap para pakalmahin siya.

"Alam kong di naman ako mahalaga sayo pero di ko maiwasan na mainis sayo kase wala ka naman atang balak na kunin ako, di ba sabi mo sayo lang ako. Isasama mo na ba ulit ako sa headquarters?." Nakagat niya ang labi habang naghihintay ng sagot nito. Bahala na kung mukha siyang assuming, desperada at pathetic basta ang mahalaga sa kanya ay mailabas niya ang gusto niyang sabihin.

The Mafia Boss ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon