11

6.5K 217 65
                                    

Tahimik lang si Elaine sa buong byahe. Nakayuko lang siya at malalim ang iniisip. Naiinis, nagagalit at nalilito pa rin siya kung bakit nasa ganito siyang lagay. But maybe one thing is for sure, sawa na sa kanya ang master niya kaya basta-basta na lang siya nitong dineposito at mas Malala pa ay binenta. Wala na atang mas sasakit pa doon, sa maiksing panahon ay tuluyan ng nahulog ang loob niya sa master niya...kaya masakit.

"we're here." Doon lang siya nag-angat ng tingin sa bumili sa kanya. Sa ilang minute nilang byahe ay ngayon pa lang niya ito natitigan. May edad na pala ito, ngunit maganda pa rin ang postura nito.

Pinagbuksan siya ng pinto ng guard nito kaya naman Malaya niyang naiapak paalis ang paa niya, nilibot kaagad ng paningin niya ang mansion na nasa harap niya, it's a Spanish style mansion. May napakalawak na hardin at may fountain din sa harap pero di niya gaano ma-appreciate iyon dahil masama pa rin ang loob niya.

Sumunod na siya sa lalaki papasok sa mansion. Tulad ng inaasahan ay magarbo rin ang loob, may dalawang eleganteng staircase, maluwag na sala at may magandang chandelier. But still she wants the HQ, but her mafia boss dispose her like a trash.

"can I ask a question,sir?." Lumingon naman sa kanya ang matanda.

"what is the name of your organization?." Panigurado siyang pinuno rin ito ng isang underground organization dahil sa yaman nito at mga armadong mga lalaki na pagala-gala sa labas ng mansion nito.

"BTS." Maiksing sabi nito.

"BTS?." Bahagya pang nanlaki ang mata niya. Sounds familiar

"Yes."

"Bangtan, sir?" sumama naman ang mukha ng matanda sa sinabi niya.

"Bloody Trigger Society." Pagtatama nito. Hindi niya tuloy mapigilang mapabungisngis ng mahina. Mali pala kase ang hula niya.

"What's funny?." Bahagya pa nitong pinalo sa kanya ang dulo ng baston nito sa tuhod niya kaya naman nanahimik na lang siya.

"I bought you as a present to my son. You will meet him tomorrow morning." Bago ito umalis ay tumawag ito ng katulong para dalhin sa magiging kwarto niya.

Dahil sa sobrang pagod ay agad siyang humilata sa kama at natulog.

..

Naalimpungatan siya ng may maramdaman siyang mainit at basang bagay na dumadampi sa leeg niya. Hindi lang iyon, may naramdaman din siya mga kamay na dahan-dahang gumagapang paakyat ng hita niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Kinilabutan siya ng bumungad sa kanya ang dalawang magkamukhang lalaki. Kambal ang mga ito. Ngising-ngisi ang mga ito habang paraeho itong nakasampa sa may kaluwagang kama at nakatingin sa kanya ng may pagnanasa.

"anong ginagawa niyo dito?." she tried to control her fear pero hindi niya mapigilan parang gusto na niyang umiyak.

"we're here to have some taste of you." lalo pa siyang nangilabot dahil sa bulgar na pananalita ng isa sa kambal na kaharap niya. Pasimple niyang hinila pataas sa katawan niya ang kumot para matakpan ang halos expose niyang katawan. Naka-lingerie pa rin kase siya, wala naman kaseng mapagpapalitan ng damit dito.

Napatili siya ng bigla na lang hinila ng isa sa mga ito ang kumot na tumatakip sa kanya.

"ang killjoy mo naman. We just want to play with you."

Umiling-iling siya habang nangingilid na ang luha niya sa mga mata.

"she's scared brother."

"oh silly us!, We forgot to introduce ourselves." tumawa pa ito. "I'm Vixx and he's Blue my twin." ang pagkakaiba lang ata ng kambal pagdating sa physical features ay may nunal sa taas ng labi si Blue at ang pagkakasuklay ng buhok ng mga ito, si Vixx ay nakasuklay pataas ang buhok habang si Blue naman ay hati sa gitna at nakasuklay paside. Pero pareho ang angas at pilyo ang nakikita niyang kinang ng mga mata ng kambal. Sa sandaling iyon ay natatakot siya maaring gawin ng mga ito sa kanya.

The Mafia Boss ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon