Halos mamuti na ang mga mata ni Elaine habang nakikipagtitigan sa pader. Pamilyar sa kanya ang ganitong senaryo, ang tahimik na kwarto, elegante ngunit nakakandado at walang kasiguraduhan kung hanggang kelan siya makukulong doon. Ganito rin ang kinahinatnan niya noong unang araw niya sa puder ni Ceon ang kaibahan lang siguro ay tinuring siya nito reyna sa mga huling sandali niya sa madilim na kaharian ni Ceon.
Hindi pa rin mabura sa isip niya ang mukha nito at ang bilis na kabog ng puso niya sa tuwing nasisilayan niya ito. Tulad na lang noong dumalo ito ng kaarawan ni Xyro. Nakaramdam siya ng saya, galit at pagasa na baka pumunta ito doon upang sunduin siya, at hihingi ito ng patawad sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Kaya naman ginamit niya si Vixx sa plano niya, she succeed!. Pero katakot-takot na pagpapaliwanag ang ginawa niya kay Vixx, buti na lang at di siya nito pinilit ng sabihin niyang 'meron' siya non. Too lame excuse pero naniwala naman ang manyak.
Napahawak siya sa tiyan ng tumunog iyon. Umaga na ngunit wala pa ring nagbubukas ng kwarto niya para pakainin siya. Wala naman siyang magawa kundi ang maghintay dahil nakakandado ang pituan ng kwarto niya. bukod sa gutom, mamatay na rin ata siya sa sobrang boredom.
Naglakad lakad siya sa kwarto hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nanubig agad ang bagang niya ng masamyo ang mabangong amoy ng pagkain.
"kumain na kayo miss para maihatid ko na kayo kay sir Xyro." Tumango na lang siya bago umpisahang kumain ng almusal na nilapag nito sa harap niya.
...
"morning." Bati agad sa kanya ni Xyro pagkapasok niya ng laboratory nito. Nakasuot ito ng puting lab gown at nakasuot ng goggles abala ito sa paghahalo ng iba't-ibang chemical liquids na iba iba rin ang kulay. Di naman kalakihan ang lab nito pero napakalinis tignan at talagang puting puti sa loob at sobrang lamig din.
"Your lab?." Lumapit siya dito.
"yeah." Sagot nito ng di siya tinitignan.
"hindi mo ba ako pag-e-eksperimentuhan?." Bahagya siya nitong sinili at nginisihan.
"who told you?."
"ikaw, sabi mo noon kailangan mo ako sa latest experiment mo?."
"I need you to be my assistant. Katulong ko dito sa lab. Iyon ang ibig kong sabihin." Nakahinga naman siya ng maluwag.
"ano yang ginagawa mo?." Bago pa siya makiusisa ay bahagya siyang tinulak palayo ni Xyro.
"may lab gown sa cabinet, magsuot ka muna non." Iyon lang at bumalik na naman ito sa ginagawa. Napairap na lang siya at sumunod sa sinabi nito. Di hamak na mas matanda siya ng ilang taon dito pero siya pa ang sunod-sunuran dito.
Sinuot niya ang lab gown at goggles. Pero imbes na lumapit dito ay nilibot niya ang buong lab. Humanga siya sa galling ni Xyro ng makita ang mga awards nito galing sa mga science fair sa university nito. He's genius!. Halos lahat kase ng mga ginawa nito ay kakaiba at hindi kayang gawin ng ordinaryong tao na mahilig lang sa science.
Pero sa lahat ng mga iyon ay ang babaeng nakahiga at nakakulong sa malaking glass ang nakakuha ng atensyon niya. Nilingon niya si Xyro upang magtanong pero nakita niya itong naglalakad palapit sa kanya.
"sino siya?."
"my fiancée." Sagot nito habang nakatitig sa babae
"buhay pa ba siya?."
"dalawang taon na siyang patay, at dalawang taon na rin siyang nakapreserba sa loob ng glass na iyan."
"bakit siya namatay?." Curious na tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Obsession
Action"Be my toy and I'll let you live." ...... The images/pictures used in the story is NOT mine. Credits to the rightful owner of the pictures.