Dalawang linggo na rin ang mabilis na lumipas ay unti-unti ng bumabalik ang dating lakas at pangangatawan ni Elaine. Pero hindi pa rin bumabalik ang dati nilang maayos na relasyon nila ni Ceon. Ito ang tumutulong sa kanyang makarecover ngunit hanggang doon lang iyon dahil hindi naman niya ito iniimik kapag kinakausap siya nito. Ang mga dinadala nitong mga pagkain sa kwarto niya ay iniiwan niya lamang doon at gagawa na lang siya ng sarili niyang pagkain o kaya naman minsan ay sumasama siyang kumakain kay Nixon o kaya minsan ay si Steel.
Halos ganon lagi ang ganap sa kanila ni Ceon sa loob ng dalawang lingo. Buti na lamang ay hindi pa ito napupuno sa kaartehan niya at katigasan ng ulo, naririnig na lamang niya ito minsan na humuhugot ng malalim na hininga o kaya naman mapapahilot na lang ng sentido wari'y pinapakalma nito ang sarili.
Bahala na nga lang itong mapagod sa kanya, para naman maisip nitong pakawalan na lang siya. Kung makakalabas man siya ngayon sa puder ni Ceon ay dederetso na siya sa ibang bansa para makasama na niya ang mga magulang niya. namimiss na rin kase niya ang mga ito lalo na ang kuya niya. Sana nga lang ay makahanap na rin ang kuya niya ng babae para rito para may mag-alaga rito lagi na lang kase itong subsob sa trabaho. Siya naman may lalaking nag-aalaga na sa kanya ngayon ngunit hindi ito ang klase ng lalaki na makakasama niya habang buhay at mamahalin siya, may kailangan lang ito sa kanya at wala rin sa bukabolaryo ni Ceon ang magmahal mala slang niya dahil nahulog ang loob niya rito.
Tanga na lang siguro siyang maituturing dahil mas lalo niya pa itong minamahal, hindi niya mapigilang mag-assume sa pag-aalaga nito sa kanya. Lalo na kung nakikita niya pagguhit ng pagaalala at paglungkot ng mga mata nito kapag nagmamatigas siya ditto.
Napabuga na lang siya ng hangin. Kumilos siya papunta sa closet niya at kumuha ng pares ng bathing suitb . Magsu-swimming na lang muna siya para makapagrelax at huwag lagging si Ceon ang nasa isip niya. Suot niya ang black two-piece at pinulupot niya ang sarong sa pangibaba niya nakakahiya naman kase na makita siya ng iba pang mga tao ng HQ dahil sa rooftop pa ang pool.
Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang elevator at pinindot ang rooftop. Agad niyang hinubad ang sarong niya at sumuong na sa nakakaanyayang pool. Nagpalutang-lutang rin siya sa pool at hinayaang ibilad ang maputa niyang kutis. Namiss niya rin ang araw dahil lagi lang naman siyang nasa kwarto niya.
"andito na po ang inumin niyo." Nagpasalamat siya sa katulong na nagdala ng juice para sa kanya. Tipid itong ngumiti at lumisan na.
Lumangoy siya papunta sa dulo ng pool para umahon siya pero agad siyang napasinghap ng tumambad sa kanya ang pares ng mga paa. Tumingala siya. Kitang kita niya ang talim at pagtatagis ng panga ni Ceon na nakatayo sa harap niya.
"you are really stubborn woman." Napatili siya ng lumuhod ito at binuhat siya sa ilalim ng kili-kili niya para iahon siya sa tubig. Para lang itong nagbuhat ng bata dahil di nito alintana ang bigat niya.
"put me down!..you brute!....ouch!." pinagpapalo niya ang topless nitong likod ngunit nakatanggap lang siya ng palo sa puwet.
"Malapit na kitang itali sa kama Elaine. Kagagaling mo lang sa sakit pero andito ka at nagbababad sa tubig!." Bulyaw nito sa kanya.
"ibaba mo na kase ako!." Gigil na sabi niya rito. Napatili pa siya ng basta na nga lang siya nitong binagsak sa beach chair buti na lang at mas sapin ito na manipis na kutson.
Sinamaan niya ito ng tingin.
"wag mo akong pakialaman! Magaling na ako!." Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga, ayan na alam niyang nagtitimpi na naman ito sa kapabebehan niya.
"C'mon I'll walk you to your room." Tinabig niya ang kamay nito.
" At ano patutulugin mo na naman?! God! Nabuburo na ako sa kwarto ko. Tsaka wag mo nga akong kausapin hindi pa kita pinapatawad sa ginawa mo." Humina ang boses niya pagkabigkas ng huling salita.
"alright then. What do you want me to do, Queen?." Mahinahon nitong sabi sa kanya.
"Didn't I told you to stop calling me 'Queen'." She emphasizes the word queen.
Tahimik lang ito.Inirapan niya ito bago tumayo sa upuan at agad tumalon sa pool. Humarap siya sa kinatatayuan ni Ceon kanina pero wala na ito nilingon niya ang paligid ngunit wala na ito. Nagkibit balikat na lang siya malamang may mga gagawin pa itong mahalaga kesa makipagtigasan ng ulo sa kanya.
"looking for me?." Napasinghap siya ng maramdaman ang matigas nitong braso na nakapalibot na sa bewang niya mula sa likod. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito sa likod niya.
Mabilis siya nitong pinihit paharap rito. Binuhat nito ang pang-upo niya kaya naman naiyakap niya ang mga hita sa bewang nito.
"C-ceon..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng sinibasib siya nito ng halik. Marahas, sabik at mapusok ang paghalik nito sa kanya kaya mabilis ding siyang sumuko rito at nakipagpalitan ng maalab na halikan dito. Kasing higpit ng hawak nito sa bewang niya ang higpit ng hawak niya sa batok nito.
Huminto lang sila sa paghahalikan para makasagap ng hangin. Hindi rin niya namalayan na nasa gilid na siya ng pool at napapagitnaan ng pader ng pool at katawan ni Ceon. Nakapalibot pa rin ang hita niya sa bewang nito kaya naman ramdam na ramdam niya ang buhay nitong alaga.
"ahhh....Ceon..hmm." napapapikit na lang siya habang sinasadya nitong pagkiskisin ang kaselanan nila.
"where is the hard headed woman that I took care of, hmm?." Tanong nito habang pinapapak nito ng halik ang leeg at balikat niya. hindi na niya napansin ang sinasabi nito dahil masyadong natuon ang pansin niya sa mainit na sensasyon na lumulukob sa katawan niya.
Pinatakan nito ng halik ang ibabaw ng dibdib niya na may kasama pang pagdila bago ito lumayo sa kanya.
Nagtataka niya itong tinitigan.
"bakit ka huminto?." Medyo hinihingal niya pang tanong.
Shit lang! tunog desperada ako. Bulyaw niya sa sarili.
"I'm convince that you're fine now. Mabilis ng mag-react ng katawan mo kaya pinapayagan na kitang mag-umpisang magtraining bukas." Walang emosyon na nakapinta sa mukha nito.
"Anong training?."
"For your self defense. You're the one who asked for it." Lumangoy na ito at umalis na sa pool.
"By the way, since that you are fine now. You can continue your swim." Nginisihan siya nito bago ito umalis ng rooftop.
Laglag pa rin ang panga niya sa ginawa nito.
Bumabawi ba ito sa kaartehan niya?
Is that her punishment?
Ang bitinin? Gosh!!
"F*CK YOU CEON!!." Gigil na sigaw niya at pinaghahampas ang tubig.
...
Ma-appreciate nyo sana kahit maikli lang yung UD😅
Say something. I want to hear something from you guys!😊

BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Obsession
Action"Be my toy and I'll let you live." ...... The images/pictures used in the story is NOT mine. Credits to the rightful owner of the pictures.