Tamad na bumangon si Elaine sa kama, gusto na lang niya talagang matulog ng matulog pero di naman niya pwedeng balewalain ang nagwawala niyang sitmura. Tska isa pa sa paalala ng master niya bago umalis ay ang wag siyang magpalipas ng gutom. And yes, umuwi na ang master niya at di man lang siya nito sinama, masyado pa daw dilikado para sa kanya dahil di pa daw natatapos ang problema sa pagitan dalawang sindikato. Kaya naman heto siya, miss na naman ito kahit kagabi niya lang ito kasama. And yes she is still sore dahil sa magdamagan nilang love making, pero kailangan na talaga niyang kumain at pumasok sa trabaho niya.
Lantang lanta siyang lumakad papunta sa banyo para makaligo. Lumabas siya ng kwarto niya suot na ang uniform niya ng sakto namang narinig niya ang pagbukas ng pinto ng condo unit niya. Dali-dali siyang lumakad papuntang pinto, nagbabaka sakaling bumaik ang si master Ceon pero ang kuya Paulo niya ang nadatnan niyang pumasok sa loob ng unit niya. Nakasuot ito ng formal attire at may dala itong paper bag ng sikat na cafe shop.
Bumagsak ang balikat niya."may inaasahan ka bang bisita?." tanong ng kuya niya ng lagpasan siya nito at dumeretso ng kusina niya. Sinundan niya na lang ito at umupo sa dinning table.
"wala naman." sinabi niyang wala pero obvious sa itsura niya ang pagkalugi at pagkadismaya.
"baka naman may pinapapasok ka ng lalaki rito sa condo mo?." inabutan siya nito ng platong may laman na pancake. Umiling naman siya bago sumubo.
"mabuti naman." umupo rin ito katapat niya at sumisimsim ng kape nito.
"wag kang mag-alala kuya, ikaw at mga fictional characters pa rin ang mga lalaki sa buhay ko." inirapan niya ito. Kung alam lang sana ng kuya niya baka kinandado na siya nito sa unit niya.
"bakit andito ka pala?."
"bawal na ba ako dito?." simpatikong sagot nito.
"I'm just checking you out, pagkatapos ng nangyari sayo. Kung hindi pa sasabihin ni Pia ang nangayari sayo baka di mo rin siguro ipapaalam sa akin. Hinayaan ka nila mom na manatili sa pilipinas para matuto ka sa sarili mo hindi para pabayaan ang sarili mo. Hindi ko na lang din sinabi sa kanila pero sinasabi ko sayo Elaine ayus-ayusin mo ang sarili mo." hindi na lang siya umimik baka lalo pang humaba ang sermon sa kanya ng kuya niya, na malapit na atang pumalit sa pwesto ng dad niya pagdating sa panenermon.
"bilisan mo na dyan ihahatid na kita bago ako pupunta sa hearing ko ngayon."
NAPAIRAP na lang ng may ngiti sa labi si Elaine ng makitang ang kaibigan niya ang kukunan niya ng order. Ngingiti ngiti naman ang kaibigan niyang si Pia habang papalapit siya, siguradong magtatanong ito kung sino ang lalaking kumuha sa kanya sa bar.
"Here's the menu ma'am." She joked. Inirapan naman siya ng kaibigan bago hinila paupo sa isa pang silya.
"Geez! C'mon Elaine spill. Sino yung lalaking kumuha sayo sa bar?." Wala na siyang nagawa kundi gumawa ng kwento, di naman niya pwedeng isiwalat sa kaibigan na mafia boss ang sumundo sa kanya lalo na't napakadaldal nito.
"in all fairness super gwapo ng boyfriend mo huh." puno ng pagkamangha ang ekspresyon ng kaibigan. Pabirong tinapik niya ito sa pisngi.
"off limits na siya, akin siya." humagikgik naman ang kaibigan.
"Pero wag mo munang sasabihin kay kuya huh, strict pa naman iyon baka ipatapon ako non pabalik sa states."
"copy ma'am." biro nito. "may photoshoot ako ngayon sa beach, sama ka para mag-girl bonding tayo pagkatapos non."
"next time na lang, gusto ko munang matulog. Tska wala akong mood magbilad." tanggi niya rito.
"hayy ang daya! Baka naman kase may date ka." irap nito sa kanya.
Sasagutin pa lang sana niya ito ng tawagin siya ng katrabaho, working time pa pala. Natatawang nagpaalam siya sa kaibigan.
BINILISAN niyang maglakad ng makaramdam siya ng may sumusunod sa kanya. Kinakabahan na siya lalo na't halos magte-ten o'clock na at kunti na lang ang taong dumadaan, 8:00 kase ang tapos ng shift niya at naisipan na rn niyang magdinner sa labas kaya heto nagabihan siya wala pa naman siyang kotse.Agad niyang kinalkal ang pepper spray niya at hinanda na ispray sana sa likod niya ngunit nagulat siya ng may maramdaman niya ang malamig at matalim na bakal na nakadikit sa leeg niya.
"Pera mo o buhay mo?." Shit! Magnanakaw pa pala ang nakaharap niya
Kahit na nanginginig ang kamay niya ay inabot niya ang wallet niya sa lalaki. Tatakbo na sana ang lalaki ng biglang may naghagis patalim sa ulo nito mula sa likod.
Tinakpan niya ang nakaawang na bibig dahil sa sobrang gulat. Patay na ang nagnanakaw.
"hindi ka na dapat lumalabas pa ng ganitong oras." Agad hinanap ng kanyang mga mata ang nagsalita. It was Nixon!. Cool na cool lang ito habang pinaglalaruan ang maliit na kutsilyo na hawak nito.
"N-nixon."
..
"Umh c-coffee, cola or juice...uhm or water?." Nanginginig pa rin ang mga daliri niya, hindi dahil sa nakita niya kanina kundi sa lalaking si Nixon na alam niyang binalak din siyang patayin.
"Scared of me?." Ngisi nito na lalong nagpakaba sa kanya. Pinatuloy kase niya ito sa condo niya, nakakahiya naman kase kung di man lang niya aalukin ng kung ano ito eh ito nga ang nagligtas sa kanya kanina.
Nakatayo lang siya sa gilid ng sofa kung saan komportable namang nakaupo dito si Nixon.
"Ah beer will do."
"Wala akong beer sa fridge."
"As expected." Bulong nito na narinig naman niya.
"I'm good, just sit there, and let's talk." Turo nito sa sofa na katapat nito. Agad naman niyang sinunod ito.
"You're no good to Zac." Ulit nito sa katagang dati na nitong binigkas. Napalunok naman siya ng makitang ang talim na naman ng tingin nito sa kanya.
"You're changing him. Hindi nagdadala si Zac ng babae sa headquarters, hindi rin siya nagiging protective o possessive pagdating sa babae at lalong hindi siya mageeffort na makipagdate sa plain and simple na tulad mo." Paano nito nalamang nakipagdate siya rito? Unless--. And masakit din marinig dito na parang walang espesyal sa kanya.
"And yes, sinusundan ko ang bawat kilos niyo." wika nito na parang nababasa nito ang isip niya.
"Bakit? Bakit mo kami binabantayan?." Tanong niya ngunit hindi ito sumagot.
"Ikaw ba ang may pakana ng nangyari sa auction hall? " lakas loob niyang tanong, umiling naman si Nixon.
"Wala akong kinalaman doon. Kahit naman ayaw ko sayo para kay Zac, hindi ko naman kayang sirain ang tiwala at pakikipagkaibigan ko sa kanya. Alam kong importante ka na sa kanya, kaya lalo akong nag-aalala kung magagampanan niya pa ng maayos ang pagiging leader niya." Umiling iling pa ito tila nadismaya.
"pero wala na rin akong magagawa kung gugustuhin ka niya. Hindi ka na rin dapat matakot pa sa akin, malay mo maging sister in law kita." Namilog naman ang mata niya sa narinig.
"So kapatid ka ni Master Ceon?." Di niya mapigilang tanong. Tumango naman ito sa kanya.
"Isang taon lang ang tanda niya sa akin, mahilig kase ata sila mom and dad." Ngumisi ito. Tumahimik na ulit siya.
"Okey na ako sa sofa." Biglang basag nito sa katahimikan.
"Huh?." Nagtataka naman siyang tumingin dito.
"I'll be sleeping here..tinatamad na akong magdrive pauwi." Sabi pa nito at humiga na ng tuluyan sa sofa. Aangal pa sana siya ngunit pumikit na ito. Pumunta na lang siya sa kwarto niya at kumuha ng unan at kumot sa cabinet niya. Nakapikit pa rin si Nixon ng makita niya ito kaya naman nilapag na lang niya ang kumot at unan sa katawan nito. Tatalikod na sana siya ng tawagin siya nito. Lumingon naman siya rito at nakita niyang nakabukas ang mga mata nito pero hindi ito bumangon.
Mahina siyang napasinghap ng may kinuha itong rosas sa likod ng tenga nito.
"You know magic?." Nakangiting inabot niya ang pulang rosas.
"A little." Ngumiti ito na lalong nagpagwapo rito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Obsession
Aksiyon"Be my toy and I'll let you live." ...... The images/pictures used in the story is NOT mine. Credits to the rightful owner of the pictures.