9

6.3K 202 10
                                    


"Queen welcome back!." Agad yumakap sa kanya si Steel na una niyang nasalubong sa engrandeng sala ng headquarters. After 1 week kase nong nangyari ang muntik ng panghoholdap sa kanya ay sa wakas ay pinasundo na siya ng kanyang master para iuwi dito sa headquarters, nakakatampo nga alang dahil hindi ito mismo ang nagsundo sa kanya.

"Thank you Steel, namiss kitang kausap." Ganting yakap niya rito.

Tumawa naman ito. "kung di ka pagod sa byahe, pwede kitang i-tour saglit sa HQ."

"wow talaga! Hindi ko pa talaga nagagala itong HQ niyo eh." Parang binudburan ng glitters ang mga mata niya dahil sa pagningning non. Ang saya niya lang.

"so it's a yes? Yeah?." Mabilis naman siyang tumango.

In-offer nito ang braso, nagingiting inanggklo ang kamay niya rito. Sabay silang naglakad sa ground floor. Hanggang tumigil sila sa isang itim na pinto. Bumungad sa kanila ang maluwag na training ground. Pumasok sila doon, well hindi niya alam kung tamang word ba ng pumasok kase nasa labas at likod lang sila ng HQ. May shooting range, archery pati na rin pagtuturo ng tamang paggamit ng kahit anong patalim. May mga naka-assign na mga leader sa bawat field.

"Tara kay Ice." Sumunod naman siya rito. Naghubad ng takip sa tenga si Ice na nasa shooting range ng mapansing papalapit sila saka kunot noong tinitigan sila.

"hey man."

"Don't 'hey' me, Steel." Malamig na tumingin ito sa kanya bago bumalik kay Steel. "you are committing suicide Steel." Siya naman ang naguluhan sa sinabi nito pero mukhang nakuha naman ng katabi ang ibig pahiwatig ni Ice dahil tumawa lang ito.

"I'm intertaining her, okey? Malinis ang intensyon ko." kahit may bahid ng biro ang sinabi ni Steel ay nanatiling malamig ang tingin ni Ice sa kanila.Kaya bagay talaga dito ang pangalan nitong Ice dahil bihira talagang magsalita ito, at parati pang pasungit ang tono nito.

"whatever." He rolled his eyes on Steel, tska ito bumaling ng tingin sa kanya. Iyon lang at tinalikuran na sila nito at bumalik sa pagti-train.

"ano bang ibig sabihin ng sinabi niya sayo kanina?." di niya mapigilang itanong habang nakasakay na sila ng elevator para makaakyat paitas.

"Don't mind him. Bastos lang talaga dila non, natetano ata sa hikaw non sa dila." binuntanan pa nito ng tawa ang huling sinabi. Napailing na lang siya. Hindi talaga matino ang kasama niya.

"This is my favorite room." sabi nito bago binuksan ang makapal na pinto.

"Music room?." binalingan niya ito ng tingin, he grinned widely while nodding.

Kumpleto ang sinasabing music room. Maluwang sa loob, may maliit pang stage doon kung saan nakapwesto ang grand piano at drums at ibang instrumento. Ang mga Cd's naman ay maayos na naka-arrange sa isang malaking glass cabinet pati na rin ang mga antique na instrumento at player.

"umh well, akin naman kasi talaga itong room. Antagal bago ko napapayag si Zac na gawin ko itong music room."

Binisita pa nila ang iba pang mga room sa floor, ang katabi ng music room ay library tulad din ng music room ay maluwang din doon at sandamakmak ng libro. Pinangako niya sa sarili na doon siya tatambay minsan, hindi lang dahil gusto niya lang magbasa kundi gusto niya rin ang amoy ng mga lumang libro. Aaminin niyang may pagka-weirdo talaga siya minsan.

Pinuntahan din nila ang third floor kung saan ang laboratory lang at ang security system ang may sakop ng buong floor. Doon naman daw naglalagi si Nixon dahil isa pala itong doctor slash scientist. Ito ang madalas gumawa ng mga drugs na ginagamit ng organisasyon, pero nang pasukin nila iyon ay wala si Nixon nang tanungin naman niya ang kasama ang nagkibit-balikat lang ito.

Pinuntahan din nila ang security system kung saan mapapanood lahat ng ginagawa ng mga tao sa buong HQ at dito din nagaganap ang paghahanap ng mga important profile ng mga karibal ng oraganisasyon.

Lahat ng nakwento sa kanya ni Steel ay inalala niyang mabuti para kapag nagkaroon siya ng oras ay itutuloy niya ang article niya para oraganisasyon na ito.

Nang magreklamo siya kay Steel na gusto na niyang magpahinga ay hinatid siya nito sa kwarto niya at hinayaan siyang matulog.




Magaalas-tres na ng hapon ng magising siya at maisipang bumaba sa kwarto niya, and yes di na nakalock ang pinto kaya naman pwede na siguro siyang mag-gala sa headquarters. Pero bago iyon ay kailangan na muna niyang kumain. Ayaw naman na niyang maghanda pa sa mga katulong kaya naman siya na mismo ang gumawa ng sandwich niya.

Nakaupo lang siya sa isa sa mga stool ng bar counter habang kinakain ang sandwich niya ng biglang dumaan naman sa harap niya si Nixon.

"Hi Nixon!." Ngiti niya rito, alam niyang di naman sila close pero kailangan niya talaga ng pwedeng makausap masyado kaseng tahimik ang buong headquarters.
Tipid na ngiti lamang ang tinugon nito sa kanya bago ito nagbukas ng ref. At dahil doon nakita niya ang braso nitong may benda.

"Anong nangyari sa braso mo? "Di niya mapigilang tanong, sa pagkakaalam niya ay wala naman itong galos sa braso ng umalis ito sa condo niya. Kaya nakakapagtaka lang naman talaga.

Tulad ng kanina ay di ito umimik, basta na lang nitong inubos ang tubig na nakalagay sa baso nito at tuluyan ng umalis ng kusina.

"Anong nangyari?." Tanong niya sa sarili.

"He's trying to avoid you Elaine, makisama ka naman sana." Nagulat siya ng makitang nasa harapan na niya si Ice.

"Di ko alam ang sinasabi mo." Inosenteng sabi niya.

"Nakita mo ba ang benda niya sa braso?." Tumango naman siya.

"Zackery shoot him." Napasinghap naman siya sa sinabi nito.

"P-paanong?."

"Nalaman ni Zackery na tumuloy si Nixon sa condo mo 1 week ago." At ano naman ang kinagagalit nito? Eh nagmamabuting loob lang naman siya sa kapatid nito.

"So just let Nixon, wag mo na lang siyang pansinin. Nagkakasakitan lang silang magkapatid ng dahil sayo."



...

Nxt week yung nxt UD, hahabaan ko na lang promise😂

The Mafia Boss ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon