Huminga ng malalim si Elaine habang pinagiisipan kung kakatok ba siya sa kwarto ni Nixon or hindi. Nagtanong siya sa mga katulong dito kung nasaan ang kwarto ni Nixon, balak niya kaseng magsorry kase naggiguilty siya sa ginawa ni Master Ceon. Feeling niya kasalanan niya ang sinapit ni Nixon sa nakakatandang kapatid. Kapag bumalik na siguro si Master Ceon niya kakausapin niya ito, kung bakit naman naging big deal dito ang lahat.
Walang sumagot sa katok niya kaya naman lakas loob niyang binuksan ang maluwang na kwarto. At doon niya nakita si Nixon na namamaluktot sa lamig. Agad niya itong dinaluhan.
Sinalat niya ang noo nito at doon niya napagalaman na inaapoy ito ng lagnat."Gadd!! Nixon! W-wake up!." Nanginginig siya sa takot na baka malala pala ang pinsala na dinulot ng kapatid nito kay Nixon.
Kahit hirap imulat ang mga mata ay nakuha pa ring ibuklat ng kaunti ni Nixon ang mga mata."Nixon kailangan mo ng madala sa hospital!, baka na-infection na ang sugat mo!." Halata sa mukha ni Elaine ang pag-aalala kaya di mapigilan ni Nixon na mapangiti ng kaunti.
"I'm fine, effect lang yan ng gamot na ginawa ko. I'm a doctor and a scientist Elaine." Paos na sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa kumot.
"Doctor ka pala bakit mo pinapabayaan ang sarili mo!." Nasalo ni Elaine ang sariling noo sa sobrang kulit ng kausap.
"Wait here, may kukunin lang ako." Yun lang ang sinabi ni Elaine at lumabas na ito ng silid ni Nixon.
MAY DALANG first aid kit, pagkain at panghilamos si Elaine, may nakaagapay pang mga katulong dahil di nito kayang dalhin ang lahat ng iyon.
"Elaine y-you don't h-have to do this." Sabi ni Nixon ng makaalis ang katulong. Pinilit niyang maupo sa kama at sumandal sa headboard ng kama.
"Eat first." Sabi ni Elaine.
Umiling-iling naman si Nixon dahil talagang wala siyang appetite na kumain."Nixon Eat." Utos ni Elaine na di na niya natanggihan.
Ewan ni Elaine sa sarili at nagiging bossy na siya pagdating kay Nixon, baka mamaya kapag napuno na ito sa kanya bumunot ito ng dagger at ihagis sa kanya, patay siya!.
"Sorry." Nabanggit na lang ni Elaine habang nililinisan ang sugat sa braso ni Nixon, hindi naman biro ang sugat ni nixon dahil galing ito sa bala ng baril.
"It's not your fault, you're just being nice Elaine...iba lang ang tumakbo sa isip ni Zac." Nakapikit ng mariin si Nixon dahil sa sobrang hapdi ng sugat niya. Alam niyang magiiwan ito ng pilat sa balat niya.
"Kapag gumaling na ang sugat mo, lalayuan na kita Nixon, hindi nga siguro mabuti na malalapit ako sayo nanganganib ka sa sarili mong kapatid." Para namang lalong sumakit ang nararamdaman ni Nixon ng marinig ang mga iyon kay Elaine.
"Alam mo bang ngayon ko lang naramdaman na may nag-aalala sa akin, nong buhay pa kase sila mom and dad, di namin naramdaman ni Zac ang pagmamahal sa kanila. Ginawa lang nila kaming puppet na kailangang sumunod lagi sa kanila. Kaya ng mamatay ang mga magulang namin sinikap namin ni Zac na gumawa ng grupo o organisasyon para walang magdikta sa amin, habang sinasabay din namin ang pagpapalago ng dating negosyo ng mga magulang namin."
"Kaya naman naiintindihan ko si Zac kung bakit ayaw niya nababaling ang atensyon mo sa iba, dahil sayo lang niya nararamdaman na may nag-aalala at may nagmamahal sa kanya." Malungkot na turan ni Nixon, kaya naman di mapigilan ni Elaine na yakapin siya para macomfort man lang ito sa nanaramdaman na sakit nito.
"Is it bad that I also want to keep you, Elaine?." Natigilan naman si Elaine sa sinabi ni Nixon.
Tahimik na sinara ni Elaine ang pinto ng kwarto ni Nixon ng makatulog na ito. Pero halos kakaisang hakbang niya lang ay agad nanlaki ang mata niya. Because his master was outside the door while glaring at her. She gulped and was about to explain pero mabilis na humila sa kanya ang mala-bakal na kamay ng master niya. Hindi siya nagreklamo kahit sobrang higpit na ng hawak nito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Obsession
Action"Be my toy and I'll let you live." ...... The images/pictures used in the story is NOT mine. Credits to the rightful owner of the pictures.