Chapter 2

4.9K 66 1
                                    

Another day to face. Parang wala namang pinagbago, ganun pa din.. masakit pa rin ang bawat araw na dumadaan sa buhay ko.. Bumaba na ako. Dumiretso ako sa may kitchen area. Nadatnan ko doon si manang Gloria.

"Manang, where's Mom?"

Sandali syang natigil sa ginagawa nya at nilingunan nya ako.

"Umalis sya kasama ang Kuya Ecker mo."

Strange. Since Dad..Ugh. Mom began to hate to go outside.

"Nasabi ba nila kung saan sila pupunta?"

Umiling sya. I sighed. Nagpunta na lang ako sa living room. I switched on the T.V.

Kinuha ko yung remote then naupo ako sa sofa.

Nililipat ko lang sa kung saang channel. Obviously, I'm bored.

Natigil ang paglilipat ko ng channel. Ewan ko kung bakit pero parang may nagtutulak sakin para panoorin ko pa ang palabas.

Nararamdaman ko ang hapdi.. Hindi ko namalayang patuloy na pala sa pagtulo ang mga luha ko.

The guy on the television... Napatay nya ang girlfriend nya.. He's a doctor at ni hindi man lang nya naisalba ang buhay ng taong mahal nya..

Ganito ba ang nararamdaman ngayon ni Priam? Ugh. Napapikit ako. Shit. Hindi ko dapat maramdaman ang ganitong bagay. Hindi ako dapat makaramdam ng awa para sa mga taong mamamatay-tao.

Ililipat ko sana sa ibang channel pero ayaw malipat. Damn! What's wrong with this remote?! Bakit ngayon kapa nawalan ng battery?!

"Aaaaaaargh!!!" with all my strength, I threw it straightly on the flat screen t.v.

Napaupo ako. I place my palms on my face.

"Anong nangyari, hija?" Napalingon ako kay Manang na humihingal pa.

Napako ang tingin nya sa binasag kong t.v.

Sapo-sapo nya ang noo nya at hinarap ako. "Nanira kana naman? Xheen anak, hindi na ito tama.. Ako na naman ang pagagalitan ng kuya mo.." hindi ako nakakibo.

Napailing sya. "Mga bata talaga.."

Iniwan ko syang naglilinis at pinupulot ang mga cracked parts ng t.v. at remote na nagkalat sa sahig.

Nagkulong na lang ako sa kwarto ko. And again, umiiyak na naman ako sa isang sulok.

Sya lagi ang naaalala ko.. His smile, his laugh, his arms the whole of him..

Hindi ba pwedeng kahit konti mabawasan naman ang sakit na nararamdaman ko? Hirap na hirap na ako.. Ang sakit sakit na sa pakiramdam na kahit anong intindi ko sa mga nangyari sya pa rin yung nakikita kong dahilan para magalit at kamuhian ko ang taong nagbigay dahilan para magmahal ako..

Pero Xheen, ikaw lang ba ang nasasaktan?

***

"You have to undergo with this operation.. Kung hindi--I don't know.. Nahihirapan na rin akong nakikita kang ganyan dude. Could you be atleast fight for your life? Nakakagago na kasi. Ako na lang lagi ang nagpupush sayo at nakikita kong napipilitan ka lang. Akala ko ba gusto mo syang bumalik sayo? Pero bakit ganito? Sumusuko ka na ba?"

Umiling ako.

"Ayoko lang ipagpilitan ang mga bagay na hindi dapat mangyari.. As you can see, may pag-asa pa ba ako?"

Hindi sya nakakibo. "See? Ikaw mismo hindi mo masabi sakin kung meron nga ba talaga akong pag-asang mabuhay ng matagal. Sa bawat pagturok sa akin ng mga nurse dito, alam mo ba kung gaano kahirap sakin yun? Sa bawat operation na pinagdadaanan ko, hindi mo alam kung gaano kahirap.." I tried to held my tears. Like there's a lump on my throat. "Na everytime na nasa loob ako ng Operating room naiiyak na lang ako dahil hindi ako sigurado kung makakasurvive pa ba ako pagkatapos. Now tell me, dapat ko pa bang ituloy ang last operation ko? I'm a doctor. Alam ko ang mga posibleng mangyari sakin. Alam mo naman kung gaano ko gustong mabuhay ng matagal diba?" Hindi ko na kaya. I let my unshed tears out.

Hindi ulit sya nakapag-salita. "Please Terence.. Just grant me my last wish.. Iuwi mo na ako sa pilipinas.." I grabbed his arms. Sobrang higpit ng hawak ko sa kanya. Nagmamaka-awa na sana pagbigyan nya ako.

Umiling sya. "I can't.. Gusto kong gumaling ka. Don't you dare asking my permission about that. Alam mong hindi ang sagot ko." Naglakad na sya palabas.

Napasuntok ako sa kinahihigaan ko. Mahina lang ang naging pagsuntok ko dahil sa nanghihina ang buong sistema ko.

Gusto ko ng umuwi,, Gusto ko na syang makasama.. Bakit ba hindi nila maintindihan ang gusto ko?

I let my sobs out. Hirap na hirap na ako.. Bawat paghinga ko ang sakit sakit. Sawa na ako sa mga gamot na pinapainom nila sakin. Hindi ako gago para hindi malaman na wala na talagang pag-asa.. Parang hayop na lang ako sa kanila na pinagi-eksperimentuhan nila.

Hindi ko hinihiling na magkaroon ako ng mahabang buhay.. I just want to spent my few more days with her.. Yun lang ang hiling ko.. Pwede na akong mawala kapag nangyari yon..

Oo tanggap ko na na wala na pero hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot.. Natatakot ako sa magiging kahihinatnan ko pagkatapos.. Natatakot ako na baka maghirap pa rin sya ng dahil sakin.. Natatakot ako na baka mag-isa na lang sya sa pagtanda nya..

Pero Priam sinong ginago mo? Are you sure na hindi sya makakahanap ng iba bukod sayo?

_Dyeydyi_

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon