Epilogue

3.8K 38 15
                                    

Epilogue

Hinati ko ang oras ko. I'm a full time Mom and a wife of course. Lagi ko syang dinadalaw. Araw-araw, even if it is rain or shine. Yun na lang ang tanging magagawa ko para sa kanya. Ayaw kong isipin nya na kinalimutan ko na sya dahil hinding-hindi ko gagawin 'yon.

"Four years ka ng wala sa tabi namin. Hanggang kailan pa ako maghihintay? A decade or more? Ang tagal naman yata nun." I tried to smile.

"Si Nique nga pala, she got an A kanina sa school nila. You know, she's brilliant and has a keen mind. Si Zey naman, ayos lang din ang grades nya."

Naalala ko ang minsang nagtanong si Zey dahil hinahanap nya ang daddy nya.

"Ma, where's Daddy? Am I an orphan that's why I don't have a dad?"

"Hindi ko alam kung paano ko ipaiintindi sa kanya. Masyado pa syang bata para masaktan sa pagkawala mo. Mabuti na lang at nandoon si Russet para aliwin si Zey." Napangiti ako. "Ibang klase din yung pinsan mo. I thought he's just a jerk pero hindi pala. Binibigay nya ang pagmamahal na dapat ikaw ang gumagawa."

Russet is a good man. Hindi ko lang maiwasang ikumpara sya kay Priam. Priam is way far from his cousin. Si Priam pa rin ang higit... sya pa din...

Hindi ako manhid sa tuwing nandyan si Russet. I know because I can feel it.

"But don't worry, sabi ko naman sa'yo hintayin mo ako dyan. Russet is just a friend for me. He's just helping me to ease my world that tumbling when I know that I couldn't take the pain anymore."

Kung wala sya at ang mga anak ko, hindi ko na alam kung ano ang buhay ko ngayon. Siguro nagpakamatay na ako sa sobrang depression. But God didn't let that happen. I'm still thankful for that.

Hindi ko masasabing masaya na ako dahil deep in side, masakit pa din. Nandoon pa din yung malaking sugat na hanggang ngayon hindi pa rin naghihilom. But I'm contented of what I have now. Masaya ako sa dalawang kambal ko. They've giving me the joy that a Mom would only experienced.

My eldest son, Zey Prix, nakikita ko sa kanya si Priam. He reminds me so much of his father. I know he's brilliant too, naghahanap lang sya minsan ng dadamay sa kanya at alam kong hindi ko mapupunan iyon dahil may kulang sa kanya. He wants to have a father that I couldn't give him. Naaawa ako sa panganay ko, bata pa sya pero alam na nya kung paano nya protektahan ang kapatid nyang si Keicko Monique. Competitive kasi si Niques kaya laging nakabantay ang kuya nya sa mga nambubully sa kanya. And I'm happy to know that Zey is willing to protect his twin sister. Yung iba kasi, hindi magkasundo gaya ng mga Ledesma triplets. Though hindi naman sila ganun kagulo except their parents, but still, thankful ako sa kambal ko.

If only Priam is here. But I know he's watching and guarding us. He's keeping an eye to his children.

Hindi ko pinagkakait sa sarili ko ang maging masaya, but now, hindi ko muna iisipin ang sarili ko. This time, ang mga anak ko muna ang pagtutuunan ko ng pansin.

"I have to go. Promise, I'll be back tomorrow. Kasama ko na bukas ang kambal dahil excited na silang madalaw ka."

Tumayo na ako.

"I love you... Forever... Until my breath ends..."

A/n: I know this is not a good ending but I'm still confused if I'll pursue myself to continue her story. Ang hirap kasi ng plot na napili ko, nakakatuyo ng utak hahaha. Kung meron man kasunod ang Chasing Her Back, baka Chasing Her Heart siguro. But still, hindi pa sure. Yung kay Xaris muna ang aatupagin ko. =)

_Dyeydyi_

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon