Chapter 12

1.6K 30 5
                                    

Chapter 12

Breathtakingly beautiful. This is just so… awesome!

He held my chin up. “Your mouth is open. Baka mapasukan ‘yan ng langaw.” Tapos tinawanan nya ako.

Napatitig ako sa kanya. Parang slow-motion syang tumatawa habang nakatingin ako sa kanya. Napakasarap pakinggan.

“Nagagwapuhan kana naman sa’kin.” The nerve of this guy. Nahawaan na sa kayabangan ni Terence.

Nginitian ko na lang sya. Ang cute nyang magmayabang hehe.

Inakbayan nya ako habang naglalakad kami sa may dalampasigan. “Are you happy?”

Tumango lang ako. Abala kasi ako sa paggala ng mga mata ko sa paligid.

“Good.” I felt his lips at the top of my hair.

Bumalik kami sa isang inn kung saan kami nakacheck-in. “Let’s eat. Ayos lang ba sa’yo ang buffet?”

“Ofcourse. Saan ba?”

“Sa baba. Let’s go.” May ibinulsa sya. Hindi na lang ako nagpahalata na napansin kong dala nya ang pain killers nya.

Napapaisip pa rin ako kung bakit hindi nya yata dala ang mga gamot nya. Nang makababa na kami, kumuha sya ng isang table for two, sya na ang kumuha ng pagkain. Kaagad naman na nadivert ang atensyon ko sa mga naka half-naked na grupo ng kalalakihan. Hmm… Not bad.

Busy ako sa pagbibilang ng mga abs nila. Ang tagal naman kasi ni Priam.

“Put your fucking eyeballs down!”

“Ay seven!”

“At talagang binibilang mo pa?” naniningkit ang mga mata nyang nakatingin sa’kin.

Hindi ko napansin na nandito na pala sya. Bigla akong nagulat sa padabog nyang paglagay ng pagkain sa mesa. “Why are you mad?”

“I’m not mad. I’m fuming mad!”

“W-why?” I asked nerviously.

“At tinatanong mo pa talaga? Damn. Just eat!”

Hindi ko alam kung ano ang mas uunahin ko sa mga putaheng inilagay nya sa plato ko. “Puro meat?” wala naman kaso sa’kin na puro meat, nakakainis lang ang inaasal nya ngayon at isa pa parang napakaselan ng pang-amoy ko ngayon which is weird. Weird pala ang magkaroon ng morning sickness.

“Just. Eat.” Mariing sabi nya.

I stand up. “I can’t eat all these. Kukuha lang ako ng bago.” I said coldly.

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon