Chapter 4

3K 48 3
                                        

Kasalukuyan kong binabasa ang binigay saking mga folders ni Kuya. Kailangan nya daw ang tulong ko sa pagpapatakbo ng kumpanya. Since that day hindi pa ako nakakabalik ng office.. Sakit lang ang mararamdaman ko sa lugar na iyon. Maaalala ko lang si Dad at lalong mamimiss kapag pumunta ako doon so I decided na dito na lang ako sa bahay.

Nahinto ako sa pagbabasa nang kumatok si Manang. "Xheen hija, may bisita ka."

"Sige ho. Susunod na lang ako." I heard her steps away.

Wala naman akong balak bumaba. Sinabi ko lang yun para tigilan na nila ako. Hindi ako tumatanggap ng bisita.. For what? To see their pity upon me? Tss.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. "Tss. He's giving me a headache. Ang mga mabibigat pa talagang mga trabaho ang pinadala nya." himutok ko.

Natigil na naman ang pag-i-scan ko sa hawak kong papel ng may kumatok na naman. Alam kong hindi si Manang iyon. Iba ang katok nya, parang walang bukas.

"HOY XHEENMYLOVES! BUKSAN MO'TO BAKLA KA! DALIIII! BAKA GUSTO MONG SIRAIN KO PA ANG PINTO MO?!!"

Aaaaargh! Isa pa 'to!

I stomped my feet hardly on the floor while walking towards the door. Binuksan ko iyon ng pabalang.

"Hehehe. Bubuksan mo rin pala eh." nagdire-diretso sya sa pagpasok sa kwarto ko.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Pinapasok na ba kita?"

She throw herself on my queen size bed. "Hay nako. Hindi uubra yang kasungitan mo sakin."

Napailing na lang ako at bumalik sa pagkaka-upo ko kanina. Hindi ko sya pinansin.

"Huyyyy.. Hindi mo ba ako namiss? Nakakatampo ka ha!"

I raised my left eyebrow. "Why would I miss you?"

"Ayyyyy. Ang mean mo ha! May PMS ka siguro. Tss."

Hinayaan ko lang syang nagroroll-over sa kama ko.

"Namiss kita tapos ako hindi mo man lang namiss? Nakakatampo.." pagpaparinig nya. I can imagine that she's pouting right now.

"Buti pa yang folder na hawak mo pinapansin mo samantalang ako hindi.."

"Sige. Ganyanan na pala ngayon ha? Walang pansinan? Wag kang mag-alala, last na 'tong pagpunta ko dito."

Hinayaan ko lang syang magsalita. Empty threats lang naman kasi ang mga sinasabi nya. I know her well.

Akma syang tatayo. "Aalis na akoooo..."

Natuon ang pansin ko sa kanya. Wala akong sinabi. Pinapanuod ko lang sya kung anong gagawin nya habang nakataas parin ang kilay ko.

Nagdahan-dahan sya sa paglalakad. Parang tanga. "I'm not kidding Xheen! Aalis na talaga ako!"

"Go on." I challenged her.

Ang bagal ng paglakad nya. I know what she's up to. Gusto nyang pigilan ko sya.

"Xheeeen! Last na talaga. Aalis na ako tapos hindi mo na makikita ang mala-dyosang kagandahan ko!"

Pinihit nya ang door-knob. She paused.

Hinihintay ko na buksan nya ang pinto pero di nya ginawa. She stayed on that position. Nakatalikod sya sakin habang pihit-pihit nya pa rin ang door-knob.

"Do you want me to open it for you?" pang-aasar ko.

She didn't respond. Binuksan nya ang pinto. Lumingon-lingon pa sya sakin habang ako naka-smirk sa kanya.

She gave me a hindi-mo-ba-talaga-ako-pipigilan-look.

Tumingin ako sa wrist watch ko para kunwaring naiinip na akong lumabas sya. Sumimangot sya tapos lumabas na saka sinara ng malakas ang pinto.

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon