Chapter 15

2.4K 29 3
                                    

 

I'm now living like a dead zombie. After that incident, sinugod ako sa hospital. Muntik ko nang mawala ang regalong iniwan nya sa'kin. Na-CS ako and my babies we're premature seven months old. They have to undergo to an incubator and until now, nandoon pa rin sila.

Five days... Five days of living without him. Parang unti-unti akong nawawalan ng gana para mabuhay. Kung hindi lang dahil sa mga anak ko, nagbreakdown na ako ng tuluyan. I have to be brave for them even if it is killing me… slowly…

"Hindi mo ba sya pupuntahan?" nakahiga ako sa kama ko. Hindi pa ako kumakain, hindi ako gutom. Hindi pa ako lumalabas magsimula ng makauwi ako, wala akong gana.

Umiling lang ako kay Mommy.

I heard my brother sighed. "You don't have to be like that. This is you're last chance to see him, Xheen."

Hindi ko sila pinansin. Nagpaalam na ako sa kanya nung mga oras na 'yon. Hindi ko na kailangang alalahanin pa ang sobrang sakit nang mamaalam ako sa kanya. Sapat na yung halos mamatay ako h'wag ko lang syang bitawan.

Umalis na sila at iniwan akong mag-isa.

Mga ilang minuto pa, tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko kayang mamaalam sa kanya sa mga oras na 'to. Hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin... Sobra ko syang mahal para i-let go na lang sya.

Pero bakit ganito? Bakit parang ramdam ko pa rin ang sakit? Bakit parang hindi man lang nabawasan kahit konti? Parang may punyal sa dibdib ko na hindi maalis-alis. Ang hirap...

Hindi ko alam kung nasaan ako. Pinipilit kong maglakad pero parang hindi naman ako umaabante. Weird.

 

Nasa part lang ako ng madilim habang sa kabila maliwanag.

 

And there... That built I missed badly.

 

"P-priam?"

 

Ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko.

 

Lumapit sya sa'kin ng nakangiti. Napangiti din ako upon seeing him. "Priam!" I hugged him. Sobrang higpit.

 

"Binalikan mo ako. I thought you're gonna leave me forever..." napaiyak na naman ako.

 

"I'm here to set you free..."

 

Nanigas ako sa narinig ko. May malaking bahagi sa pagkatao ko ang tumututol. "N-no... Not this time..."

 

He cupped my face and kissed me. He looked again straightly in my eyes. "You have to endure your journey without me."

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon