Xheen's POV
I covered my mouth to conceal my sobs. I heard everything I need to hear. Nanlambot ang mga tuhod ko and anytime pwede akong matumba.
Pinilit kong bumalik sa mini clinic ni Priam gamit ang wheel chair. Alam kong nagdurugo ang tagiliran at kamay ko dahil pwersahan kong tinanggal ang dextrose na nakasaksak kanina sa'kin. Mas masakit ang mga narinig ko... Parang 'di ko yata kaya...
Nagpanggap akong natutulog kahit na hindi ako madalawan ng antok. Hindi ko rin napigilan ang mga luha ko. I thought magiging masaya na ako kasi nagka-ayos na kami... and yet I was wrong. Ang tanga ko for not knowing kung bakit ang payat payat nya, kung bakit parang namumutla sya, kung bakit parang unti-unting nagnipis ang buhok nya. Ang tanga tanga ko kung bakit hinayaan ko syang gaguhin ako ng ganito. Pinagmukha nya akong walang kwenta. Pinaasa nya ako sa wala. Kung kailan pinapangarap ko na ang kinabukasan ko with him... with my c-children.. Damn. Lahat ng 'yon biglang nawasak sa isang iglap.
Naramdaman ko ang pag-upo nya sa gilid ng kinahihigaan ko. Nanatili akong nagpanggap na tulog. Ang sakit isipin na hindi man lang nya sinabi sa'kin. Pakiramdam ko pinaglaruan ako ng lahat dahil halata naman na ako lang ang walang alam. Gusto ko syang itulak para maramdaman din nya ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko syang murahin, gusto ko syang sumbatan pero 'di ko ginawa. I stayed at my position.
Naramdaman kong pinunasan nya ang mga luha ko. I felt his lips touched my temple down to the tip of my nose... lastly, my lips. His lips are not moving but it sends me the chills down to my spine. Ganito ang epekto mo sa'kin, Priam.
Wala akong magawa kundi suportahan na lang sya. Ano bang magagawa ng galit ko? Wala. Kakainin lang ako nito hanggang sa mamuhi na naman ako sa kanya. I love him so much... At mas lalo ko pang ipaparamdam iyon sa kanya kahit na ang sakit sakit tanggapin ng kondisyon nya.
Wala na akong pakialam sa hinaharap. I'll endure his time with me. I'll make sure that living in a short span of life would be his best feeling he'll ever treasured when that time comes.
Niyakap ko sya. Hindi nya alam na gising ako.
"I love you..." he uttered.
I love you too.
"S-sorry..." I heard his sobs.
Pinigilan kong maiyak. Ayaw kong madiskubre nya na gising ako at alam na nya na alam ko na ang lahat... Or so I thought.
Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Alam kong gising ka..."
Hindi ko pinahalata ang pagkabigla ko. Nanatili pa rin akong nakapikit.
He sighed. "Sorry for keeping you my condition. I j-just can't take to hurt you. I want to spare you from my burdens, I want to protect you, I want you to feel how to be happy the way you wanted and not the other way around that I couldn’t give you. Hindi ko na maipapangakong mapapasaya kita k-kasi... Kainis naman kasi itong sakit ko." Puro hikbi na nya ang narinig ko.