Chapter 9

2K 35 7
                                    

 

Priam's POV

Nandito ngayon si Yuan kasama Yas pero sandali munang lumabas ang girlfriend nya para mapagsolo kami.

"I hate you, Bro." mangiyak-ngiyak na sabi ni Yuan.

Natawa ako. Sounds so gay.

Tinignan nya ako ng matalim. "Kung hindi pa nadulas si Lorraine hindi ko pa malalaman." puno ng hinanakit na sabi nya.

"You don't have to know it from the first place. But now that you already knew what my situation is, there's no reason for me to hide it. Yes, I'm ill."

Namumula ang buong mukha nya then it fell... His tears.

"Bro, we've been friends for more than a decade. Why did you hide it? Alam mong nakakagago dahil hinayaan mo lang na wala akong alam. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon para sa'kin?" panunumbat nya.

I sighed. "Kaya nga hindi ko sinabi. Ayaw kong maawa kayo sa'kin."

"Damn it! Can you hear yourself? It's as if you're giving me no right to console you! How stupid of you dahil mas lalo mo lang pinatunayan kung gaano ka kasakim. Hindi rin alam ni Xheen 'di ba? And she's suffering from longing you pero 'di nya alam na ang minamahal nya ay mamamatay na. Sa tingin mo ba hindi magagalit si Xheen? Sa tingin mo ba mas lalo mong pinagaan ang lahat ng dahil sa pesteng paglilihim mo? No, Priam! Mas lalo mong pinalala ang sitwasyon. Habang nasasaktan ka at nahihirapan sa kundisyon mo, wala kaming kaalam-alam. Pinagmukha mo kaming tanga!"

Tinanggap ko lahat ng sinabi nya. Maluwag sa loob kong pinakinggan ang mga hinaing nya. It's my fault. All of these are my faults.

Natahimik kami ng dumating si Krista at nagserve ng makakain namin. Umalis na si Krista pagkatapos.

Nagwalk-out si Yuan.

Mamaya rin kakausapin nya ako. Kilala ko sya, sa una lang ang galit nya.

Naglakad ako papunta sa labas at nakasalubong ko si Yas.

"What happened? Nag-away ba kayo?" usisa nya.

Umiling lang ako.

"Si Xheen nga pala..." usal nya.

Ginawa ko lang pormal ang reaksyon ko.

"What about her?"

May pag-aalinlangan ang tingin nya sa'kin.

"Nanggaling kami kanina doon then yung kuya nya nagpatawag ng guards para mapaalis kami. I texted her and ang sabi nya grounded sya. She wants to see you pero 'di nya magawa dahil sa kuya nya." kwento ni Yassy.

Napasuklay ako sa buhok ko.

"Mas makakabuti muna sa kanya na magstay muna sya doon. She needs to recover fully, may sugat pa sya." sabi ko na lang pero deep inside me, gusto ko na rin na makita sya.

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon