Chapter 8

1.9K 25 6
                                    

Nagpahinga muna ako sa bahay. Hindi ko alam kung ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko. I heard a knock on my door.

"Son, your breakfast is ready."

Hindi ako sumagot. Narinig ko na lang na papalayo na ang mga footsteps ni Mama.

I already resigned kahit na masakit. Buong buhay ko pinangarap kong maging doktor. Nagawa ko nga, hindi naman nagtagal.

Pinagmasdan ko ang mga gamit kong kakakuha ko lang sa office ko kanina.



*flashback*

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Doc?" si France, secretary ko.

Nginitian ko na lang sya.

"Would you mind if I ask?"

"Shoot."

She bites her lower lip. "Mangingibang bansa ka ba, Doc?"

Natawa ako saka umiling.

"I mean... Tinanggap mo ba yung offer sa 'yo sa ibang bansa?"

Umiling ako tapos napabuntong-hininga sya.

"May problema ba, France?"

"W-wala. Akala ko kasi--"

"Gotta go. Bye, Francesh." hindi ko na sya hinintay na makasagot, agad na akong umalis.

Inilagay ko sa compartment ng kotse ang mga gamit ko. Naisipan ko munang pumunta sa ampunan kung saan kami nagvolunteer ni Warren dati. I missed being there with the other sick children like me.

Sinalubong ako ng mga bata. Halos nakawheel chair ang iba. May mga ilan pa akong kakilala at yung iba mukhang bago dito.

"Kuya Prix!" Napalingon ako.

Agad nya akong niyakap. "Miko, ang laki mo na." nakangiti kong sabi.

"Kuya namiss kita."

"Ako din. Sina Maureen at Kyle?"

Natigilan sya. May isa pang nakawheel chair ang lumapit sa akin. He looks so familiar.

"Kyle?" tumango sya.

Napalunok ako. What happened to him? Bakit n-nalagas ang buhok nya?

He smiled bitterly. "Alam ko ang iniisip mo kuya, nandidiri ka sa akin."

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon