Chapter 13

1.6K 28 7
                                    

Chapter 13

Limang buwan na naman ang lumipas. Sa bawat pagpatak ng oras, sa bawat ikot nito, mas lalong dumadagdag ang kaba at takot ko. Hindi ko alam kung magtatagal ba sya at madadatnan nya ba na manganak ako. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin nya at napapaiyak na lang ako minsan ng hindi nya alam sa tuwing kumakapa na lang sya. Lagi nyang sinasabi sa’kin na bawal akong ma-stress kaya lagi syang nag-eeffort na bantayan ako. Seven months na ang dinadala ko. That moment I discovered that I’m pregnant, two months na akong delay.

Kahit na nahihirapan na sya, he still has this spirit to go on. Lagi lang syang masaya at tumatawa kapag kaharap nya ako pero alam ko naman na umiiyak sya kapag nakatalikod ako.

“One week lang naman ako do’n. I’ll call you when I get there. Take your medicines on time.” Pagpapaalam ko. Pinapauwi muna kasi ako ni Mommy at Kuya para maalagaan naman daw nila ako dahil ang tagal ko na dito kina Priam. Binilin ko pa rin ang gamot nya kahit na alam ko naman na hindi nya iniinom.

 

“I’ll miss you. Take care ha? Don’t stress yourself much. Magiging okay lang ako dito. Mamimiss ko kayo nina baby.” He caressed my tummy.

 

I kissed and hugged him. Parang ayaw ko na syang bitawan pa.

 

“Hinihintay kana nila.” Sabi nya pero nakayakap pa rin ako sa kanya. Parang hindi na ako sanay na hindi sya kasama.

 

I kissed him again. “Take care. H’wag matigas ang ulo, kilala kita, Priam.” I gave him a warning look.

 

“Yes, wife.” He smiled. Hahalikan nya sana ako sa labi pero ang gilid lang ang nahalikan nya. Parang nagulat sya ng bahagya pero ngumiti din pagkatapos. Tinanggal ko na lang sa isipan ko ang kabang nagsisimulang bumuo sa loob ko. Ayaw kong kumpirmahin sa doctor nya kung posible ba na mabulag sya. Kung minsan ayaw ko na rin na makinig dahil lalo lang akong natatakot. Hindi ko kayang harapin sa ngayon ang mga kinatatakutan ko sa hinaharap. H’wag muna ngayon.

 

Alam kong malungkot sya pero ‘di nya pinapakita. Lumabas na ako ng kwarto nya and gently locked his door. Napasandal ako sa pinto. Pinakiramdaman ko kung ano ang nangyayari sa kanya sa loob. Then, I heard his sobs until he burst out his dreadful cry. Napapikit ako at pinigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. Sino ang makakapagsabi na makakaya ko kung ganito ang kalagayan nya? Even if I want to console him alam ko naman sa sarili ko na mahina din ang loob ko. Duwag din ako. Naduduwag akong harapin at tanggapin na iiwan nya ako… I wiped my tears.

 

That one week is a quite hell because he’s not beside me. I always calling him, walang palya, or kung minsan skype na ang ginagamit namin para lang makita nya ako. He’s always showing me his pleading eyes just to get back in his home as soon as possible.

At ngayong tapos na ang one week ko doon, pinababalik na nya ako. Dumating na din ang daddy nya galing Mindanao dahil doon ito nadestino sa pagsusundalo.

His father gave me his warm smile. Niyakap nya ako kaya namiss ko si Daddy. Naalala ko sa kanya ang father ko dahil daddy’s girl ako eversince. Pareho silang tahimik pero ma-awtoridad sa lahat ng bagay.

Chasing Her Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon