Rikka Ayuzawa

45 0 0
                                    

Baclaran, Baclaran Na Po Oh!!

Biglang Sumigaw Yung Kundoktor Na Dahilan Ng Pagkagising Ni Rikka.

Oh!

~Hmp? Bakit Rikka?

Ohh! Nandito Na Tayo.

Pagkatapos, Agad Syang Tumayo, Tila Batang Akala Mo Ngayon Lang Nakapasyal.

~Haist, Kumalma Ka Lang. Tska Bat Dinala Mo Ako Dito? Anong Meron?

Ahh, Gusto Ko Kaseng Magpunta Dito. Lalo Na Gusto Kong Mapuntahan Yung Simbahan Dito.

Pagka-Baba Namin Ng Bus, Ay Agad Syang Tumakbo Papuntang Simbahan…

Tinignan Ko Yung Lugar. Ito Siguro Yung Unang Punta Ko Dito Sa Simbahan. Marami Akong Nakitang Mga Nagtitinda Sa Labas Ng Simbahan, Mga Bata At Matatandang Nagbebenta Ng Sampaguita, Mga Galing Sa Trabaho, At Mga Estudyante.

~Eh? Napaka Dami Nga Talagang Tao Dito. Kapag Mamalasin Ka Nga Naman.

Bilang Asocial, Hindi Ako Komportable Sa Maiingay At Matataong Lugar.

Jace, Ano Bang Ginagawa Mo Dyan? Halika Na.

Sa Pangalawang Pagkakataon, Hinawakan Nya Ulit Ang Kamay Ko Habang Tumatakbo Papasok Ng Simbahan.

Pagkatapos Naming Makapasok Ng Simbahan, Ay Umupo Kame Sa Bandang Gilid Sa Pinaka Dulo.

Ayan Sa Wakas Nandito Na Tayo.

Tinignan Ko Yung Paligid Ng Simbahan, Nakita Ko Yung Mga Babaeng Nagdadasal, Mga Matatanda, Mga Bata At Mga May Kapansanan.

Halos Napaka Tahimik Ng Lugar, Dahilan Para Maging Komportable Ulit Ako.

~Oo Nga Pala Rikka.

Bakit?

~Gusto Ko Lang Itanong, Bakit Sa Dinami Dami Mong Pwedeng Puntahan Dito Sa Baclaran Pa?

Habang Tinanong Ko Sya Ay Tila Naging Malungkot Yung Mukha Nya.

Kase, Matagal Na Naming Gustong Pumunta Ng Mama Ko Dito, Pero 5 Months Later, Namatay Na Sya.

Habang Sinasabi Nya Yun, Di Ko Maiwasang Malungkot, At Parang Na Konsensya Ako.

~S-s. Sorry.

Sorry? Para Saan?

~Sorry Kung Nagtanong Pa Ako Sayo, Di Ko Kase Alam Eh, Sorry Talaga.

Wag Ka Mag Alala, Ok Lang Yun.

Ngumiti Sya Saakin Na Parang Masaya Sya, Pero Nababasa Ko Sya Na Parang Libro Sa Likod Ng Ngiti Nya, Ay Nandoon Yung Totoong Sya.

~Alam Mo, Madali Kang Basahin Na Parang Libro, Wag Mong Susubukang Ngumiti Kung Alam Mong Hindi Mo Pa Kaya, Mas Mahihirapan Ka Lang.

Pagkatapos Kong Magsalita Ay Bigla Na Lang Syang Naluha, Luha Na Hindi Pa Siguro Nakita Ng Iba.

Pagka Patak Ng Luha Nya Ay Agad Kong Kinuha Yung Panyo Ko Para Ibigay Sa Kanya.

~Eto, Punasan Mo Yung Luha Mo.

Salamat.

Alam Mo Sa Totoo Lang, Kaya Kita Sinama Dito, Dahil Gusto Kong May Maka Intindi Ng Nararamdaman Ko.

~Anong Ibig Mong Sabihin?

Kase Ikaw Jace, Kaya Mo Mag Isa, Di Kagaya Ko, Nagtatago Sa Madaming Tao, Kaya Hindi Ko Alam Kung Sino Yung Mga Totoong Taong Dapat Kong Pagkatiwalaan.

~Sarili Mo.

Huh?

~Sarili Mo Lang Ang Dapat Na Pagkakatiwalaan Mo. May Dahilan Ako Kung Bakit Ayoko Makipag Socialize Sa Iba Dahil Na Din Sa Hirap Ako Magtiwala, At Nasanay Na Ako Sa Mundong Kinagigisnan Ko, Sarili Kong Mundo Kung Tawagin Ng Iba.

Hmp, Tama Ka Nga.

Kaya Nga Humahanga Ako Sayo, Kasi Di Mo Kailangan Ng Iba Para Sa Araw Araw Mong Routine.

Kaya Simula Ng Maging Classmate Kita, Naging Interesado Ako Sayo, Gusto Pa Kita Mas Makilala Jace, Kung Hahayaan Mo Lang Ako Gawin Yon :) .

Pagkatapos Nyang Sabihin Yun Ay Biglang Kumabog Yung Dibdib Ko, Halos Di Ako Makapag Salita, Parang Tumigil Yung Pag Ikot Ng Mundo Ko.

Ito Nga Ba Yung Sinasabi Nilang InLove?

Secret LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon