Sinubukan Kong Hanapin Si Akira, Pero Hindi Ko Na Sya Makita.
Inikot Ko Na Ang Buong Campus Namin, Nagbabaka Sakaling Baka Nagpapahinga Sya, Pero Baka Lumabas Na Sya.
Sa Sobrang Pagod Ko Ay Napaupo Nalang Ako Sa Gilid Ng Court.
Hindi Ko Namalayan Na Tumawag Pala Sa Akin Si Jeff.
~Jeff? Bakit? Kamusta Na?
°Si Rikka.
~Anong Nangyari Sa Kanya?!
°Gusto Ka Nya Makausap.. Ng Personal.
~Sige Sige, Pupunta Nako Ngayon.
Mabuti Nalang Gising Na Si Rikka.
Mabilis Kong Kinuha Ang Bag Ko At Agad Akong Tumakbo Para Makasakay Na Sa Bus Papunta Sa Ospital Kung Saan Naka Confine Si Rikka.
~Sabi Ko Na, Magiging Ayos Din Ang Lahat..
~Siguro Ito Na Yung Tamang Oras Para Sabihin Ko Din Sakanya Kung Anong Tunay Kong Nararamdaman.
Ang Pangako Na Binitawan Ko Sa Harap ng Bestfriend Nya Na Si Akira.Pansamantalang Gumaan Ang Pakiramdam Ko, Dahil Nalaman Ko Na Ayos Na Ang Kalagayan Ni Rikka At May Malay Na Sya, Kaso Biglang Bumilis Ang Takbo Ng Puso Ko Ng Maalala Ko Na Ang Pangako Na Binitawan Ko Kay Akira.
~Magagawa Ko Kaya Iyon? Kagaya Ng Ginawa Ni Akira Sa Akin..
Malamang Nag Ipon Si Akira Ng Sapat Na Lakas Ng Loob Para Gawin Yon.
Pero Kung Kaya Ni Akira Yon, Gagawin Ko Din.Ayoko Nang Maulit Pang Pagsisihan Ang Mga Bagay Na Hindi Ko Nagawa, Dahil Sa Takot Na Magkamali Ng Desisyon.
~Hindi Ko Na Uulitin Ang Bagay Na Iyon.
~Pagkadating Ko Kay Rikka, Aaminin Ko Na Sakanya Ang Lahat.
~Aaminin Ko Na Na Mahal Ko Talaga Sya.
Pagkatapos, Ay Agad Akong Bumaba Sa Bus Na Sinakyan Ko, Pumasok Ako Sa Ospital Na Puno Ng Kaba. Hindi Ko Alam Kung Anong Magiging Reaksyon Ni Rikka Kapag Ginawa Ko Yon.
Pandidiri? Takot? Lungkot? Pagtatawanan Nya Kaya Ako? Papano Kung Sabihin Nya Sa Akin Na, Sino Ako Para Magkagusto Sa Kanya?
~Bahala Na, Ang Importante, Masabi Ko Saknya Ang Nararamdaman Ko.
Pagkatapos, Ay Nasa Harap Na Ako Ng Pintuan, Papasok Sa Kwarto Kung Saan Naka Confine Si Rikka.
Pero Ng Buksan Ko Ang Pintuan Na Iyon, Iba Ang Tumambad Sa Akin..
Ang Guardian Ni Rikka, Si Jeff, Si Akira, Umiiyak.
At Ang Mukha Ni Rikka, Ay Tila Ba Nawalan Na Ng Pag-Asa. Tila Ba Sumuko Na Sa Pagiging Masaya.
Ito Ang Unang Beses Kong Nakita Ang Tunay Na Mukha Ni Rikka, Ang Tunay Na Sya.
Dr: Rikka Ayuzawa, Tinatanggap Mo Ba Ang Operasyon Na Ito? Hindi Namin Masisigurado Ang Kaligtasan Mo At Mataas Ang Tsansa Na Mas Bumilis Ang Pag-hina Ng Katawan Mo Per-
•Pakiusap, G-G-Gusto Kong Ituloy Nyo Ang Operasyon Na To.
Dr: Miss, Kayo Po Ang Guardian Ni Rikka, Handa Po Ba Kayo Sa Mga Mangyayari, At Tinatanggap Nyo Po Ba Ang Decision Ni Rikka?
Kung Iyon Ang Nais Nya Doc, Tatanggapin Ko Na Din Po Iyon.
Halos Nag Iiyakan Ang Lahat Sa Loob Ng Kwarto, Hindi Ko Nagawang Pumasok, Ayoko, Pinipigilan Ako Ng Katawan Ko Para Gawin Yon.
°Rikka?! Delikado Ang Gusto Mo, Sigurado Ka Ba Sa Sinasabi Mo?!
•Salamat Sa Pag Aalala, Pero May Mga Bagay Pa Akong Gustong Gawin, Alam Ko Na Wala Nang Panahon. Pero Sana Magkaroon Ako Ng Oras Kahit Hiram Man Lang.
Umiiyak Ang Lahat, Niyakap Nila Jeff, Akira At Ang Guardian Ni Rikka Si Rikka.
Papalabas Na Ang Doctor Ng Bigla Akong Tumakbo Palayo Sa Pintuan.
Nawala Ang Isip Ko Hindi Ko Alam Kung Bakit.
BINABASA MO ANG
Secret Letter
RomansaMakulay Ang Buhay Natin Kapag In Love Tayo Diba. Lahat Ng Bagay Masaya, Lalo Na Kapag Kasama Mo Yung Mahal Mong Yun Kahit Hindi Kayo. Basta Makita Mo Syang Masaya Ay Masaya Ka Na Din Pero Paano Kung May Malaman Kang Sikreto, Isang Sikreto Kung Saan...