Chapter 2

3.6K 207 56
                                    

Chapter 2


[Sari's POV]


Nagulat ang lalaking ninakawan ko ng cell phone matapos niyang tanggalin ang suot kong sumbrero at nalaman niyang babae pala ako.


Hinawakan niya ako nang mahigpit sa kaliwang braso. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumalikod at pilit na umiwas sa kanya.


"Show me your face!" Kinabig niya ako paharap sa kanya, kaya nagawa niyang mapagmasdang mabuti ang aking mukha.


"Anong kailangan mo sa 'kin?" Tumingin ako nang diretso sa kanya.


Iyon ang pinakaunang beses na nagsalubong ang mga mata naming dalawa.


"If you give me back my phone, then I'll pretend this never happened," kumbinsi niya sa akin.


Ramdam kong nagpipigil lang siya ng galit. Kung nagkataon sigurong lalaki ako, kanina pa ako bugbog sarado.


"Wala sa akin ang hinahanap mo," pagmamaang-mangan ko. Kapag inilabas ko ang iPhone niya, siguradong isusuplong niya ako sa mga pulis.


"Hand it over. Return it while I'm asking nicely," sabi niya.


"Bitawan mo nga ako. Wala naman akong ibabalik, kasi wala akong kinuha sa 'yo," pagpupumiglas ko.


Pasado alas-nuwebe na kaya maliban sa aming dalawa, wala ng ibang naglalakad sa kalye sa mga oras na 'yon. Tanging ingay na nagmumula sa videoke bar na malapit sa kinaroroonan namin ang maririnig sa paligid.


"Give me back what you have stolen!" galit na utos niya. Naubos na marahil ang pasensiya niya dahil kanina pa ako deny ng deny, samantalang halata namang ako talaga ang kumuha ng cellphone niya.


"Teka! Alisin mo 'yang kamay mo!" protesta ko nang kapkapan niya ako.


"Sinabi nang wala nga sa akin eh. Baka napagkamalan mo lang ako," tanggi ko sa kanya habang pasimpleng iniiwas ang jacket ko.


Subalit nahalata niyang tila may itinatago ako sa loob nito. "What's that you have in your jacket?" Walang babala na basta na lang niya hinawakan ang jacket ko at hinatak pababa ang zipper nito.


Pagkabukas ng jacket ko ay agad naman niyang kinapkap ang inside pocket nito at dito niya natagpuan ang hinahanap na iPhone.


"You're caught red-handed. Are you still going to deny it?" tanong niya sa akin matapos makuha ang phone niya.


Wala na. Buking na ako!


Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon