Chapter 9

2.7K 166 51
                                    

Author's Note:

Maglalagay na lang ako ng dedication 'pag naka-login ako sa web. 'Di ko kasi alam kung paano maglagay ng dedication using apps. Hehe. Ang tagal ko nawala kaya nalilito ako. Ibabase ko na lang ang dedics sa comments ng readers.


__________________

Chapter 9


[Sari's POV]


Araw ng Sabado, alas-tres pa lang ay nakauwi na ako galing sa trabaho. Dumaan ako sa bahay ni Tamara para maagang sunduin si Renren.


Nadatnan ko sa balkonahe si Nay Carlota habang nagsusulsi ng mga lumang damit."Nay, magandang hapon po. May dala akong merienda." Iniabot ko sa kanya ang bitbit kong pasalubong.


Kakatanggap ko lang ng unang sweldo ko kanina sa Navillera, kaya naisipan kong bumili ng lechong manok at pancit palabok.


"Salamat, hija." Kinuha niya sa akin ang supot ng pagkain. Pagkatapos ay tinawag niya ang mga bata sa loob ng bahay. "Renren, Ponkan! 'Andito na si Sari!"


Patakbo namang lumabas ang dalawa.


"Mama!" Pagkalapit ni Renren ay kaagad niya akong niyakap sa beywang.


"Di ba kabilin-bilinan kong 'wag kayong maglalaro nito?" Inagaw ni Nay Carlota ang posporong hawak ni Ponkan.


Dalawang palapag ang bahay nila, pero yari ito sa tabla at iba pang light materials na madaling pagmulan ng sunog. Tipikal na bahay na matatagpuan sa mga looban ng squatters area.


"Halina kayo. Ihahanda ko na 'to at nang mapagsalu-saluhan natin bago kayo umuwi." Nauna nang nagtungo sa kusina si Nay Carlota, kaya sumunod na kami.


"Si Tammy po?" untag ko nang mapansing wala na naman ito sa bahay.


"Nasa internet shop. May gagawin lang daw sandali," tugon ni Nay Carlota. Inilapag niya ang dalang pinggan sa mesa.


Mayamaya pa, nag-uumpisa na kaming kumain nang dumating si Tamara.


"Sari, may good news ako sa 'yo!" Tumitili siyang lumapit sa amin. Tuwang-tuwa siya at hindi niya 'yon matago sa kanyang mukha.


"Anong nangyari?" takang sabi ko.


"May na-receive akong email galing sa Neon Publishing. Approved na 'yong pinasa nating manuscript. Gusto ka nilang kunin bilang exlusive writer. Nag-offer sila ng P100, 000 sa kada story na gagawin mo," masayang balita ni Tamara.


Utang ko rin sa kanya ang tagumpay ng story ko. Siya kasi ang matiyagang nagpo-post nito sa wattpad. Wala akong libreng oras, kaya sa halip na ako pa ang mag-type nito sa computer, siya ang nag-uupdate nito sa wattpad. Siya mismo ang gumawa ng account at nag-ooperate nito. Ang akala nga ng readers ay ako mismong writer ang nagre-reply sa mga comments nila, pero ang totoo si Tamara ang may gawa no'n.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon