Chapter 11

2.1K 156 14
                                    

Chapter 11


[Sari's POV]


Nang sumunod na araw, maaga akong nagtungo sa Navillera para hanapin ang nawawala kong notebook.


"May nakita ka ba ritong kulay asul na notebook?" tanong ko sa kasamahan kong janitress na nadatnan kong naglilinis sa lounge.


"Naku, wala eh. Tingnan mo doon. Hindi pa ako tapos sa parteng 'yon." Itinuro niya ang sulok na kinaroroonan ng mga pinagpatung-patong na monoblock chairs.


Hinanap ko naman sa lugar na iyon, pero wala pa rin.


"Hay, nasaan na ba kasi 'yong notebook ko." Malalim na napabuntong-hininga na lang ako.


Ang natatandaan ko lang, magsusulat sana ako kahapon ng istoryang naisip ko nang dumating si Yehana. Itinago ko iyon sa likuran ng upuan ko. Kaya lang, nakalimutan kong kunin nang mag-time in ako sa trabaho.



***

Nang matagalan na ako sa kakahanap at hindi ko pa rin ito natatagpuan ay napagpasyahan ko nang umalis. May pasok pa kasi ako sa klase.


Kung kailan naman nagmamadali ako, saka pa nagkaaberya ang LRT. Kapag minamamalas nga naman talaga.


Napilitan akong lumipat ng bus, ngunit sa dami ng nag-aagawang mga pasahero ay inabot ako ng siyam-siyam bago nakarating sa Aguinaldo State University.


Noong malapit na ako sa classroom namin ay urong-sulong na ang mga paa ko. Kalahating oras na akong late sa klase.


Nagdadalawang-isip ako kung tutuloy pa ba ako o hindi. Si Prof. Reyes pa naman ang teacher. Hilig nitong ipahiya ang mga pasaway na estudyante.


Aalis na sana ako para umabsent na lang.


"Are you planning to skip our classes?" Ihahakbang ko pa lang paatras ang mga paa ko nang may baritonong boses na nagsalita sa likod ko.


Hindi ko na kailangang lumingon para kilalanin kung sino iyon. Naka-program na yata ang boses niya sa isip ko, na kasunod no'n ay nahuhulaan ko nang maririnig ko na naman ang makulit na pagtawag niya sa akin ng Manager.


"Manager..." Kinalabit niya ako sa braso nang hindi ako umimik.


Oh, 'di ba tama ang hula ko? Lintek na manager na 'yan.


"Manager, masama mag-cutting class. Let's go inside." Nagulat ako nang bigla niya akong hinila papasok sa classroom.


"Teka!" Sinubukan ko pa siyang pigilan sa paghatak sa akin. Buti siya may excuse kung ba't siya na-late. Eh ako, anong irarason ko?


Sa kabila nang pagpupumiglas ko ay tuluy-tuloy pa rin siyang pumasok habang hawak ako sa isang kamay.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon