A/N: Si Tamara ang picture sa taas.🔝
____________
Chapter 6
[Sari's POV]
"Here's my manager." Hinila ni LA ang vacant chair at umupo siya katabi ako.
"Kaya naman pala dito mo piniling lumipat ng paaralan, dahil nandito ang manager mo." Naniwala naman agad si Prof. Gomez sa sinabi niya.
"Alright. Introduce yourself," utos nito kay LA.
Tumayo ulit siya at ipinakilala ang sarili sa buong klase. "I'm Lee Andrei, a transfer student from Southern Yale University. I hope we can all get along. I look forward to getting to know you."
Pigil na pigil ng mga girl classmate namin ang mapatili. 'Yong ibang mga lalaki naman, sa kanya lang din nakatingin.
Pagkatapos niyang magpakilala ay naupo ulit siya sa tabi ko.
'Di nagtagal, may estudyanteng late pumasok sa classroom kaya nalipat dito ang atensiyon ni Prof. Gomez.
Sinamantala iyon ni LA at humarap siya sa akin. "Everything here will be new to me. So, I hope you can help me out until I can adjust." Mahina lang ang pagkakasabi niya para walang ibang nakarinig maliban sa aming dalawa.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Bakit ba kasi dito ka nag-aral?"
Isang malawak na ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
Nag-umpisa nang mag-lecture si Prof. Gomez, kaya ibinaling ko na lang sa unahan ang paningin ko.
Ang tatlong oras na iyon marahil ang pinakamatagal na tatlong oras sa buong buhay ko. Hindi ako mapakali habang katabi si LA. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng eskuwelahang pwede niyang paglipatan dito pa talaga siya lumipat?
***
Pagdating ng lunch break ay dumiretso agad ako sa canteen. 'Di niya ako magagawang sundan dito, dahil masyadong maraming tao at baka pagkaguluhan lang siya.
Sa kaiiwas ko kay LA, nakalimutan ko na tuloy ang kaibigan kong si Tamara.
"Hoy, Rosario!" Kinalabit niya ako sa tagiliran. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.
"Ba't hindi mo man lang binanggit sa 'kin na manager ka na pala ni LA. Nawala lang ako ng isang linggo, 'di na ako updated sa latest news tungkol sa 'yo," litanya niya. Hindi pa nga siya nakakaupo sa silyang nasa tapat ko.
Umiling-iling ako. "Hindi totoo 'yon."