A/N: Si Steffi ang nasa multimedia.
________________
Chapter 8
[Steffi's POV]
Nasa bahay ako at nagsu-surf ng internet using my smartphone nang mag-flash ang number ni Mommy sa screen.
"Mommy!" excited kong sabi pagkasagot ng tawag niya.
[Steffi, how's your study?]
"Okay lang po. First week pa lang naman, kaya 'di pa masyadong mahirap ang lesson."
[Si Lei, kumusta?]
"May photo shoot po siya ngayon sa Tagaytay," balita ko.
[Totoo bang sa Aguinaldo State University siya nag-enrol? Hindi naman 'yon ang school na napag-usapan namin noong nagpaalam siya sa akin na lilipat siya ng eskuwelahan.]
Maski ako nagtataka sa pagbabago ng desisyon ni Kuya. "I don't know why he changed his mind all of a sudden. He's supposed to enrol in University of Manila. Nag-submit na nga siya ng school requirements. Tapos nalaman ko na lang na pinull out 'yong papers at nag-enrol siya sa Aguinaldo University."
Graduate na sana si Kuya Lei kung hindi niya pinagsabay ang showbiz at studies. He's already 22, pero nasa 2nd year college pa lang siya ngayon.
"Dont worry, Mommy. Maganda mag-aral sa Aguinaldo University. Mas mahihirapan pa nga si Kuya sa academics do'n kasi mataas ang standard ng school."
Five years ago nang pumasok siya sa showbiz industry at inumpisahan niyang mag-home studies. Dalawang taon din siyang nag-home studies para makapag-focus sa pag-aartista. After that, naging irregular student naman siya sa Southern Yale.
[Anong sabi ng manager niya? Kailangan ba talagang lumipat pa siya sa public school?]
"'Yun po kasi ang initial requirement kapag naging national youth ambassador. Dapat maging regular student si Kuya Lei sa isang public school para good example sa mga kabataan. According to his manager, Katarina, gusto ng management na sa state university mag-aral si Kuya para may appeal sa masses. 'Pag sa Yale kasi masyado raw sosyal at anak-mayaman ang dating," paliwanag ko kay Mommy.
"How about Kuya GD? Kumusta na po siya?" We are three siblings in the family. Si Lei ang panganay, si GD ang pangalawa at ako ang bunso.
[He's okay. Medyo nakaka-recover na ulit siya.]
![](https://img.wattpad.com/cover/105118797-288-k278862.jpg)