Chapter 12

2.1K 126 8
                                        

Chapter 12


[Sari's POV]


Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Steffi sa tabi ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong notebook.


"You're the owner of that notebook. Am I right?" Halata ang sobrang excitement sa paraan ng pagkakasabi niya.


Naloko na! Binasa niya ang nakasulat sa notebook ko.


"Uhhh.. Hindi! Pinulot ko lang, kasi nakakalat dito sa sahig—" Sinusubukan ko pa sanang itanggi ang lahat nang biglang dumating si Queeny.


"Sari, buti nakita mo na 'yang blue notebook na kanina mo pa hinahanap," sabat nito.


"Nagpapakuha si Chef ng karagdagang silya." Lumapit si Queeny sa pinagpatung-patong na monobock chairs at kumuha ng isa. Pagkaraan ay umalis na ito.


Animo'y nanadya ang pagkakataon na tila sumingit lang talaga ito sa eksena para kumpirmahin ang hinala sa akin ni Steffi.


"So that's true. You're a writer in wattpad. You are Ms. SacredRosary," sunud-sunod niyang sabi.


"Oo, pero... Please, sikreto lang natin 'to," pakiusap ko sa kanya.


"Sure, no problem. I'll keep it a secret. Promise." Umarte pa siyang sinasarhan ng zipper ang bibig.


"Gosh! I'm one of your avid readers. Lagi kong inaabangan ang mga update ng story mo." Iniangkla niya ang mga kamay sa braso ko na para bang close na kami sa isa't isa. "I tried to add you in facebook, but you already reached the 5000 friend limit."


"Ganoon ba? Ah-haha-haha," naiilang na tugon ko. Ang awkward kasi sa pakiramdam.


Hindi ko maiwasang mailang, dahil hindi ako sanay na may tumatrato sa akin ng katulad ng ginagawa niya. Hindi ko alam na ganoon pala ang epekto sa kanila ng isinusulat ko.


Taga-sulat lang ako ng istorya at wala akong direktang ugnayan sa mga mambabasa ko. Ang alam ko. maliban sa wattpad account, may ginawa ring facebook account si Tammy. Siya ang madalas na nakaka-chat ng mga readers at ang akala nila ay ako mismo ang nakakausap nila.



***

[Tamara's POV]


"Argh! Ang bagal ng net!" inis na reklamo ko sa mala-pagong na bagal ng internet connection.


Dapat palitan na lang ng turtle ang logo ng Globe. Pwede nilang gamitin si Squirtle para cute.


Ngayong hapon ang schedule ng pag-update sa story ni Sari. Nai-save ko na sa drafts ang remaining chapters ng Shattered Hearts Series, ipupublish na lang.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon