Author's Note:
This chapter is for all the ARMY out there. Enjoy watching BTS concert in MOA arena tonight and tomorrow evening!
_______________
Chapter 7
[Sari's POV]
"What are you doing?" Nadatnan ako ni Elaine na mag-isa sa loob ng classroom habang nagsusulat sa notebook.
"Ah, wala." Dagli ko itong tiniklop at iniiwas sa kanya.
"Wag mo nang itago. If I know, schedule lang naman ni LA 'yang sinusulat mo. Are you sure manager ka niya? As I can see, mukha kasing personal assistant ang turing niya sa 'yo," pagdududa ni Elaine.
"P.A. or manager... Ang importante, nagtatrabaho siya kay LA." Biglang sumingit sa usapan si Tamara. Kadarating lang niya galing sa opisina ng isa naming professor.
"Elaine, pinapapunta ka ni Sir. Hindi ka na naman daw nag-pass ng project natin," imporma niya.
"Nag-submit na ako kahapon. Binigay ko pa nga sa secretary niya. Humanda sila sa 'kin kapag na-misplaced na naman nila ang project ko." Nagmamartsang lumabas ng silid-aralan si Elaine at nagtungo sa faculty office.
Kaming dalawa na lang ni Tamara ang naiwan sa classroom.
"Nasaan na 'yong next chapters?" Inilahad niya ang kamay sa harap ko.
Iniabot ko naman sa kanya ang hawak kong notebook. "Heto, chapter 20-30 na 'yan."
Binuklat niya ang ilang pahina nito at pahapyaw na binasa ang nakasulat dito. "Tamang-tama, dumadami na ang reads ng story mo."
"Siguraduhin mo lang na bebenta 'yan. Nangako ka sa 'kin na gagawin mong pera ang talent ko sa pagsusulat," sabi ko.
Siya ang nagkumbinsi sa akin na magsulat ng nobela. Nasa high school pa lang kami, alam niya nang mahilig ako magsulat ng istoryang gaya ng nababasa sa mga pocketbook. Inumpisahan ko lang noon sa pagsusulat sa kuwaderno.
Wala sana akong interes na ituloy ang hilig ko. Kaya lang, sinabi niya sa 'kin na pwede ko ring pagkakitaan ang paggawa nito.
Sinubukan niyang ialok sa mga publishing company ang isang manuscript na natapos ko. Nag-email siya sa publishers, pero ang karamihan ay 'di pa rin sumasagot hanggang ngayon. May isang nag-reply, ngunit tinatanong kung naka-post ito sa wattpad.
Hindi pa kami noon pamilyar kung ano ang wattpad. Wala kaming ideya na dapat pala marami muna ang nagbabasa nito sa wattpad bago bilhin ng publishing company.
