Chapter 1: AlyDen

24.3K 160 2
                                    

Den's POV

Hi! Ako nga pala si Dennise Michelle Garcia Lazaro, isa akong volleyball player.. Nag-aaral ako sa Ateneo De Manila University at simula pa lamang nung high school ako, naglalaro na talaga ako. Middle hitter ako noon pero ngayon, libero na. Ang layo sa posisyon ko dati noh? Pero ayos lang yun.. Para maiba naman.. Anyway, alam kong kilala niyo si Alyssa Valdez. Iba na talaga pag hindi niyo siya kilala.. Sikat na yung babaeng yun eh pero ayun, kateammate ko at sobrang kulet pa din at ingay.. Malapit ng matapos ang season 76, natalo namin ang AdU at haharapin naman namin ang NU.. Akala nga namin matatalo nila ang DLSU, andaming kinabahan dun sa laban nila na yon ha? Well anyway! Eto na ang akin storya..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Gumising na ako ng maaga dahil first day of school. Ayokong malate dahil mamaya first day of school ang ganda ganda ng araw ko tapos bigla akong bubulyawan ng professor. Psh, siyempre nakakabadtrip ng todo yun.. Tumayo na ako sa kama ko at pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo...

FF

Ayan, katatapos ko lang maligo. Nag-ayos na ako tapos bumaba na ako para makakain ng almusal. Pagkababa ko, andun ang katulong namin pero yung mga magulang ko, wala. As always.. Haaaaay.

"Magandang umaga po ma'am." bati ng katulong namin. Ngumiti lang ako sa kaniya tapos umupo na ako. "Asan sila mama?" Tanong ko. "Nako ma'am. Umalis po, medyo matagal daw po sila kasi may aasikasuhin daw sila sa negosyo niyo." sagot ng aming katulong. Napailing na lang ako sa sinabi ng katulong namin, lagi naman kasing ganun eh. Lagi na lang silang wala..

Nakatapos na akong kumain at tumayo na ako, "Aalis na ako ha? Ikaw na bahala dito sa bahay." sabi ko sa katulong namin. Tumango na lang siya at umalis na ako. Hinatid ako ng driver namin sa school, sa buong biyahe tahimik lang ako. Nagiisip lang ng kung ano anong bagay. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Alyssa. San na kaya yon? San kaya mag-aaral yon? Hmmm.. Miss ko na yun eh.. Tagal na din naming hindi nagkikita eh.

"Ma'am, andito na po tayo." sabi ng driver namin. Nakakagulat naman tong si kuya, "salamat kuya." sambit ko tapos bumaba na ako sa kotse. Anlake talaga dito sa Ateneo at ang ganda pa, lumapit ako sa bulletin kasi ang daming nakapaskil. Wow! may try outs ng volleyball mamaya? Haha! Sasali ako syempre!! Naglakad na ako papasok, naghanap muna ako ng pwedeng pagtambayan para makapagbasa ako at para makapagsoundtrip din. Oo, tahimik talaga akong tao, hindi ako masyadong makulet.

*BLAG*

Napatingin ako dun sa babaeng nabangga ko. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" bulyaw nito. Bigla siyang tumingin sa akin... ALYSSA?! Nag-iba yung itsura niya nung tumingin siya sa akin, para bang gulat na gulat. "DenDen?! Lazaro?!" sigaw nito. Napatingin lang ako sa kaniya dahil hindi ako makapaniwalang siya yon. "Oo. ako nga." sumagot ako. "Oh my God!! Dito ka din pala nag-aaral!! Namiss kita, bakit ba hindi ka nagpaparamdam sa akin noon?!?!?!" tanong niya. Bigla na lang nagflash back yung mga pangyayari nung high school kami.

*Flashback*

Den's POV

Ui si Alyssa! Malapitan nga.. Tae, ang ganda niya talaga. Kelangan kong sabihin sa kaniya yung nararamdaman ko sa kaniya.

Jovee: Hi babe!

Ha? Boyfriend niya si Jovee?

Alyssa: Hi babe! Oh! DenDen! Andito ka na pala. Si Jovee nga pala.

Jovee: Hi.. *sabay abot ng kamay*

Napatingin na lang ako sa kamay ni Jovee at napatingin na lang din ako kay Alyssa. Nararamdaman kong paiyak na ako. Pumikit ako para mapigilan luha ko kaso tuluyan na itong bumagsak, dumilat ako at napailing na lang ako sabay umatras ako at tumakbo papalayo.

Alyssa: DenDen! Teka!

Hahabulin pa sana ako ni Alyssa kaso pinigilan siya ni Jovee. Ang sakit makita na yung mahal mo ay may mahal na iba. Bakit ba hindi ko pa sinabi nung una? Bakit ba hinayaan ko siyang maagaw ng iba?

*End of flashback*

"Den?" Nakatingin siya sa akin at yung mukha niya ay takang taka. "Ay.. Haha. Okay lang ako. Ikaw?" tanong ko sa kaniya. Sa totoo lang Aly, hindi ako okay. Sana alam mo yun. Sana malaman mo kung gaano kasakit yung nangyari sa akin non. Mahal kita eh, kaso nga lang hindi ko sinabi sa iyo kasi pinangunahan ako ng kaba at takot. "Okay lang din." sagot niya sa akin habang nakangiti siya kaso nga lang may napapansin ako sa mga ngiti niya, parang hindi siya tunay na ngiti kundi parang pinepeke niya lang.... "Okay ka lang talaga?" tanong ko ulet sa kaniya, yung tingin ko sa kaniya parang nagdududa ako. "Oo.." matipid na sagot niya. "Ah... Sige.. Kelangan ko ng umalis. May klase pa ako eh. Usap na lang tayo maya. Sabay tayong maglunch gusto mo? Treat ko, tutal antagal nating hindi nagkita." sabi ko. Ngumiti siya at tumango siya, lumapit siya tapos yinakap niya ako tapos bigla na lang dumating yung mga flash back.

*Flashback*

Alyssa: DenDen! *naiyak*

DenDen: Bakit? Anong nangyari? Bakit ka naiyak?

Alyssa: Nag-away kami ni Jovee.

Ano ba yan, Jovee na naman?! Wala ka na bang ibang sasabihin kung hindi puro Jovee na lang?! Nakakaumay na!

DenDen: Ssssshhhhh! Tahan na... Tama na, wag ka ng umiyak. Smile ka na.. Magkakaayos din kayo niyan. Nagkamisunderstanding lang kayo ni Jovee, tahan na.. Tama na.. Andito lang ako.

Nag-eexist lang naman ako sa buhay mo pag kelangan mo ko eh. Kinalimutan mo na ako simula ng magkaron ng Jovee sa buhay mo...

Alyssa: *hug* Salamat DenDen! Maaasahan talaga kita!

DenDen: *hug* Walang problema.

Oo Alyssa, maaasahan mo talaga ako dahil mahal kita at handa akong magsakripisyo para sa iyo. Kahit buhay ko pa ang itaya ko, gagawin ko mapatunayan ko lang sa iyo na mahal kita Alyssa at gagawin ko ang lahat para sa iyo.

*End of flashback*

Kumalas na ako sa pagkakayakap niya at bigla siyang tumingin sa akin, "Den.. May problema ba?" tanong niya. "Wala, kelangan ko ng umalis. Malelate na ako. Mamaya na lang ulet tayo mag-usap pwede?" sagot ko sa kaniya. Ngumiti siya, naglakad na ako papalayo. Alam kong ramdam niyang cold ako sa kaniya kasi nga ang sakit ng nangyari sa akin.. Hindi niya alam yon kasi hindi niya naman nararamdaman na mahal ko siya.

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon