Alyssa's POV
Iniyak ko na lang dito sa labas ng kwarto ni DenDen ang sakit na nararamdaman ko, nagbabakasakali akong lumabas siya, yakapin niya ako at punasan niya yung mga luha ko at sabihin sa aking, tama na yan.. andito lang ako.. Kaso wala eh.. Wala.. Umupo na lang ako sa may tapat ng pinto niya at sumandal ako dun, pinapahupa ko lang yung mga luha ko... Ayaw kong pumasok dun ng ganito ang itsura ko....
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ng matandang babae. "At bakit parang umiyak ka? Inaway ka ba ng alaga ko?" dagdag niya pa. "Nako! Hindi po.. Okay lang po ako, nag-iisip isip lang po.." sagot ko. "Haaaay, halika dito at pag-usapan natin yung problema mo." sambit niya. Tumayo ako at lumapit ako sa kaniya, "Iha.. Ano bang problema?" tanong niya. Nagsimula na ulet akong umiyak at napayakap ako kay manang, yinakap niya ako at hinimas himas niya yung likod ko.. "Manang, ang sakit sakit eh.. Pinagpalit ko si Dennise sa isang tao na iniwan na ako noon.." sambit ko. Napatingin sa akin si manang tapos napangiti siya, "mahal mo ba ang alaga ko?" tanong niya. "Opo.. Sobra.. sobrang sising sisi nga po ako sa ginawa ko sa kaniya eh.." sagot ko. Napangiti siya tapos yinakap niya ulet ako, "Kung ganon naman pala. Sundin mo kung ano ang nasa puso mo. Kung mahal mo ang alaga ko, ipaglaban mo siya.. Wag ka lang tumunganga diyan at magmukmok.. Gumawa ka ng paraan.." sambit niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya at nagpasalamat ako..
Pumasok na ulet ako sa kwarto ni DenDen at nakita ko siyang nakahiga at tulala sa kisame. "Anyare sa iyo?" tanong ko sa kaniya. "Wala.. Nag-iisip.. Anyare sa iyo kanina?" tanong niya sa akin tapos tumingin siya sa akin. "Wala..." sagot ko. Umupo siya tapos pinaupo niya ako sa tabi niya, "may problema ba kayo ni Jovee?" tanong niya sa akin, yung mata niya iba eh.. Parang galit siya or ewan.. "W-wala.." sagot ko tapos nagsisimula na naman akong maiyak. "Yung totoo." sambit niya. Napabuntong hininga na lang ako, "Oo.. Meron.. Andami.." sagot ko. Iniwas niya yung tingin niya sa akin tapos nakikita ko yung kamay niya na parang manununtok na ng tao, "Sinasaktan ka ba niya?" tanong niya. Hindi ako umiimik, nakatungo lang ako. "Sinasaktan ka ba niya?" tanong niya ulet pero hindi pa rin ako naimik. "Punyeta! Sagutin mo tanong ko!" sigaw niya. Umiiyak na ako, hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako. "Tangina Valdez! Simpleng tanong lang, hindi mo masagot!" sigaw niya ulet tapos sinuntok niya yung pader. Nagulat ako, napatingin ako sa kamao niya.. Dumudugo ito.. Iyak lang ako ng iyak, kahit gusto kong sabihin sa kaniya.. Hindi ko kaya kasi alam ko ang gagawin niya.. "Tangina.." sambit niya tapos lumabas na siya ng kwarto niya. Naiwan ako dun, iyak lang ako ng iyak.. Jusko! Kelan ba mtatapos tong kalbaryo ko?
=============================================================================
Den's POV
Naririnig kong naiyak si Alyssa, hindi ko alam kung bakit. Gusto ko siyang tanungin pero parang may pumipigil sa akin. Humiga na lang ulet ako sa higaan ko at nagmuni muni.. Maya maya pa ay pumasok na siya. Nag-usap kami.. Umabot na sa point na tinanong ko siya kung may problema ba sila ni Jovee, sumagot siya ng oo.. Naiinis ako, iniisip ko na baka sinasaktan na siya ni Jovee.. Kaya nagiging ganito si Aly.. Tinanong ko siya kung sinasaktan siya, hindi siya naimik.. Nagwawala na ako, wala pa rin.. Sinuntok ko na yung pader, wala akong pakialam kahit sobrang sakit, wala pa din akong paki kahit nadugo na yung kamay ko.. Sa sobrang inis ko, lumabas na lang ako ng kwarto.. Wala naman akong makuhang sagot eh..
Tumambay muna ako sa terrace, nagpalamig muna ako. Tulo ng tulo yung dugo sa kamao ko, pinabayaan ko na lang.. Wala pa din akong pakialam.. Maya maya pa ay may narinig akong papalapit sa akin.. "Den.." sambit niya sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya tapos hinawakan niya yung kamay ko na kung saan meron akong sugat, lininisan niya ito at linagyan ng bandage. Ang lalim pala nung sugat ko.. Buti pa yung sugat sa balat, mabilis maghilom.. pero yung sugat sa puso, ang tagal.. Tumingin ako sa mata niya pero umiwas siya, papasok na ulet siya sa loob ng bahay.. "Aly.." sambit ko.. Tumigil siya tapos tumingin siya sa akin, "salamat." sambit ko tapos ngumiti ako, ngumiti siya tapos pumasok na siya.. Gustong gusto kitang yakapin at halikan pero hindi naman kita pag-aari.