Den's POV
Buti naman at bati na si Marge at Jirah, akala ko naman aabot sa pagbabangayan yung dalawang yun. Anyway, buti naman hindi. Naglalakad na ako papasok sa klase ko ng bigla akong may naalala. Total, malapit ng umalis ang fab 5 at mag-isang taon na din naman kami ni Aly, balak kong gumawa ng surprise para kay Aly, malapit ng matapos ang season at lalong gusto kong maging memorable yung anniversary naming dalawa. Nakarating na ako ng klase, buti wala pang masyadong tao, nagisip muna ako ng mga pwede kong gawing surprise para kay Alyssa. Habang nag-iisip ako, isa isa ng napasok yung mga estudyante at dumating na din yung prof. namin.
*FF*
Ayan katatapos lang ng klase namin, pumunta muna ako ng library para makapaglaptop muna ako kahit saglit lang. Nagcheck muna ako ng twitter tapos facebook, habang naglalaptop ako, may tumabi sa akin. "Hoy." pang-iistorbo sa akin ni Ella, "Ano?" tanong ko sa kaniya, "Wala lang. Ginagawa mo dito? Baka hinahanap ka na ni Aly." sagot niya sa akin, "Wala lang. Gusto ko munang maglaptop dito eh. Walang magawa, tsaka, magtetext sa akin yun." sabi ko naman sa kaniya. Napakibit balikat na lang siya tapos nagcellphone muna siya, "oo nga pala. Malapit na anniversary niyo ah? Anong plano mo?" tanong niya sa akin, "ayun nga eh. Nag-iisip ako ng magandang pasabog, you know.. para memorable dba?" sagot ko sa kaniya tapos ngumiti ako, tumango tango na lang siya tapos maya maya pa ay dumating naman si Mae, "ginagawa niyo?" tanong niya sa amin, "Wala lang. tambay." sagot sa kaniya ni Ella tapos kiniss siya sa cheeks, "oo nga pala, Mae. Si Aly tapos na ba sa klase niya?" tanong ko, "hindi pa. Dumaan ako sa classroom nila eh." sagot niya naman sa akin habang pinapanuod si Ella maglaro, ang sweet nilang dalawa. Isang duwende at isang higante, haha! Cute couple pero mas cute pa din kami ni Aly.
=============================================================================
Aly's POV
Jusko! Kelan pa ba matatapos toh? Nagugutom na ako tsaka tapos na klase ni DenDen, baka naiinip na yun. "Ms. Valdez may problema ba?" tanong sa akin ng prof. ko, "po? Wala po." sagot ko naman sa kaniya tapos tumungo ako, sobrang nakakahiya.... Eh bakit ba, sobrang bored na ako eh. Living hell! Maya maya pa ay nagring na yung bell, tumayo na ako tapos lumabas na ako ng classroom namin, mamaya paiwan pa ako nung ewan na yun. Pumunta muna ako sa tambayan namin ni DenDen tapos tinext ko na siya.
To: Den <3
Asan ka? Andito ako sa tambayan mo, antayin kita. I love you.
Umupo muna ako at nagbasa muna ako ng libro, habang nagbabasa ako, may nagtakip ng mata ko. "Eh?! Sino toh?" tanong ko, hindi siya nasagot. Kinapa ko yung kamay niya at pamilyar na kung kanino yun, "Baby." sabi ko tapos inalis niya na yung kamay niya sa mata ko, "tara na?" tanong niya sa akin, tumango ako tapos kiniss ko siya sa cheeks na labas niya namang ikinamula. Habang naglalakad kami sa canteen, siyempre.. holding hands kami. Hindi maiiwasan noh. Nakarating na kami ng canteen, naghanap na ako ng upuan tapos siya naman yung nagorder ng aming kakainin, as always, blow out niya. Mabait ako eh, huehuehue.
Dumating na siya sa table namin dala yung pagkain namin, umupo na siya sa tabi ko tapos nagsimula na kaming kumain. "Kamusta klase?" tanong ko sa kaniya, "ayun. Ayos naman. Bearable kahit papano. Ikaw?" sagot niya sa akin, "Ayun! Living hell." sagot ko naman sa kaniya, tiningnan niya ako tapos tumawa siya, "Bakit?" tanong ko sa kaniya habang nakataas yung isa kong kilay, "Wala lang. Natawa lang ako sa living hell. Living hell talaga?" sagot niya sa akin, "oo." sagot ko naman sa kaniya tapos tumawa na din ako. Tumigil na kami sa pagtawa at kumain na ulet kami, naisip kong malapit na yung anniversary namin ni DenDen, nagiisip ako ng magandang gawin, para naman makabawi ako sa mga panahong wala ako nung monthsary namin tsaka para makabawi din ako sa mga sakit na binigay ko sa kaniya. Haaay! Tama sila, napakaswerte ko dahil na sa akin ang isang babaeng maganda, matalino at talented. "Hoy." tinawag ako ni DenDen kaya naman nawala ako sa pag-iisip ko, "Ay.. Sorry." sabi ko naman sa kaniya, binigyan niya ako ng tingin na nag-aalala. "Okay ka lang?" tanong niya sa akin, "oo. may iniisip lang ako." sagot ko naman sa kaniya tapos ngumiti ako, hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ko ito. Wala akong paki kung may makakita pang tao, hindi sila yung nagmamahal, kung hindi ako.