Aly's POV
Nakabalik na ako ng dorm at pagbukas ko ng pinto lahat sila nakatingin sa akin. "Oh? Bakit ka nandito? Dba dapat nandun ka kay Den? Ano namang nangyare?" tanong sa akin ni ate A. Nakita ko si Ella nakaupo sa may sofa at hindi siya natingin sa akin, "Alam niyo kasi guys. Nakipagbreak si Den kay Ella tapos ang sabi niya mahal pa din niya ako at sa harap pa mismo ni Ella niya sinabi yun." sagot ko. Napatingin sa akin si Ella tapos nakita kong nakataas yung isang kilay niya, "aminin mo man o hindi Alyssa. Gusto mo naman yun dba? Gusto mong marinig yun kay DenDen." sambit niya tapos umiiyak na siya. "Oo, gusto ko... pero hindi ibig sabihin nun papayag ako ng ganon ganon lang.." sambit ko tapos umakyat na ako sa taas. Pag hindi pa ako umalis doon, hahaba na naman ang usapan.
"Aly?" sambit ni ate Gretta tapos pumasok siya sa kwarto ko. "Bakit?" tanong ko tapos umupo ako sa higaan ko. "Mag-usap nga tayo ng masinsinan." sambit niya sa akin at ramdam ko na sa pagsasalita niya pa lang ay galit siya, "sa tuwing mag-uusap kasi tayo ng patungkol kay DenDen ay lagi kang nawawala o nag-iiba. Mahal mo pa ba si DenDen?" tanong ni ate Gretta sa akin. Tiningnan ko lang siya, hindi ako makasagot. May parte na mahal ko pa siya at meron din na wala, ano ba talaga? "Siguro." sagot ko. Nakita kong sumimangot na si ate Gretta, "Hindi pwedeng siguro lang ang sagot mo Alyssa. Anong klaseng sagot yan? Aly, ang simple lang ng tanong ko. Hindi mahirap ang tanong ko sa iyo." sambit niya sa akin. "Nalilito pa kasi ako ate eh.. Sorry talaga kaya sa ngayon yan ang masasagot ko.." sambit ko sa kaniya. Tumayo siya tapos napailing na lang siya, "ewan ko Aly.. Pareho lang kayong nasasaktan sa mga nangyayari eh.." sambit niya tapos lumabas na siya ng kwarto ko. Mukhang tama si ate Gretta, pareho lang kaming nasasaktan.. What should I do? Nalilito na ako! Nahihirapan na ako.. Kelangan kong makausap si ate Fille alam kong matutulungan niya ako.
=============================================================================
Gretta's POV
Kararating lang ni Aly dito sa dorm at nagulat kami don siyempre. Pareho silang nagwalk out sa bahay ni Lazaro.. May mali din naman kasi tong si Lazaro eh, kelangan niya talagang sabihin na mahal niya si Valdez sa harapan ni Ella? Hay nako.... Lazaro talaga... Umakyat ako sa taas para makausap si Alyssa... Wala naman akong makuhang sagot na maayos sa babaeng toh eh, wala namang kakwenta kwenta mga sagot.. Nakakainis pa naman yung ganong sagot.
"Fille." umupo ako sa tabi niya tapos napatingin siya sa akin, "bakit?" tanong niya sa akin. "Ikaw na ang kumausap kay Alyssa.." sagot ko sa kaniya tapos tumingin ako sa kaniya. "Sige sige." sambit niya sabay ngiti sa akin. Nanunuod kami ni Fille ng TV ng biglang narinig namin si ate Dzi, nagsisisigaw. "DenDen!! Wag mong gagawin yan!!" sigaw ni Dzi, nagkatinginan kami ni Fille at dali dali kaming tumayo sa sofa at tumakbo kay Dzi. "Anong nangyayare?" tanong ko. "Si DenDen kasi, magpapakamatay!" sagot ni Dzi. Napatingin sa akin si Fille tapos umakyat kagad siya sa taas, "Nako. Puntahan na agad natin yan Dzi..." sambit ko. "Oo.. Tara.. Mag-ayos na tayo." batid niya tapos nag-ayos na kaming dalawa.
=============================================================================
Fille's POV
Dumating na si Aly at nagulat ako dun, akala ko kasi magstestay siya don pero dahil sa kwinento ni Aly.. Naintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang magstay kela DenDen, nanunuod ako ng TV ng biglang tumabi sa akin si Gretta. "Ikaw na ang kumausap kay Aly." sambit niya sa akin. "Sige sige." sagot ko tapos ngumiti ako sa kaniya, nanunuod kami ni Gretta ng TV ng bigla naming marinig si Dzi sigaw ng sigaw. Nagkatinginan kami ni Gretta tapos dali dali kaming tumayo sa sofa at tumakbo kay Dzi. "Anong nangyayare?" tanong ni Gretta, "Si DenDen kasi, magpapakamatay!" sagot ni Dzi. Napatingin ako kay Gretta at umakyat kagad ako sa taas para puntahan si Aly.