Aly's POV
Nagulat kami biglang may tumawag kay Mae, tumayo siya at linapitan niya ito at yinakap. Napatingin naman ako kay Ella at halatang mukhang nagseselos siya, "ui. Bakit ganiyan mukha mo?" paninita ko sa kaniya, "huh? wala ah." sagot naman niya sa akin tapos umirap siya. Lumapit sa amin si Mae kasama ang isang babae, "Girls. kapatid ko nga pala si Alex. (imbento lang)" sabi niya sa amin. "Hi." sabi naman nung Alex tapos ngumiti siya, naghi kami sa kaniya pwera lang kay Ella kasi nawawala siya. "Asan si Ella?" tanong ni DenDen, "ewan ko dun." sagot ko sa kaniya, "alam mo may napapansin ako kay Ella eh. May something ata siya kay Mae, naaalala mo yung bigla siyang yumakap kay Mae?" tanong sa akin ni DenDen. "Ah oo. Teka nga muna, wag muna tayong mag-assume noh." sabi ko naman kay DenDen, "sabagay." sabi naman ni DenDen. Nagkakainan na kami, wala pa din si Ella. "Aly, asan si Ella?" tanong naman ni Mae, "hindi ko nga alam eh. Kanina pa nawawala yun." sagot ko naman. "Ah ganon ba? Sige, hahanapin ko muna." sabi naman ni Mae. Umalis siya ng cottage para hanapin si Ella, "Oo nga pala Aly, san pupunta si Mae?" tanong ni ate Gretta, "Hahanapin si Ella. Kanina pa kaya nawawala, hindi niyo ba napansin?" sagot ko kay ate Gretta. "Oo nga noh." sabi naman ni ate Fille, "makikita din ni Mae yun, kain na kayo. Baka gabihin pa kayo ng uwi." sabi naman nung kapatid ni Mae. Tumango na lang kami tapos maya maya pa ay kasama na ni Mae si Ella, "oh san ka ng galing?" tanong ni ate Dzi. "Dun sa trail." sagot naman ni Ella, napansin kong maghawak kamay yung dalawa. Nung napansin ni Ella na nakita ko yung kamay nilang dalawa, ay bigla niya itong binitawan. "Kain ka na. Halika dito sa tabi ko." sabi naman ni Mae, may something talaga tong dalawa na toh eh. Umupo si Ella sa tabi ni Mae at kumain na siya, sabay sila ni Mae kasi hindi siya natapos dahil nga hinanap niya si Ella.
Nakatapos ng kumain yung dalawa, inayos na namin yung gamit namin at tinapon namin yung kalat namin tapos pumunta na kami sa van. "Ang sweet ni Mae pati ni Ella oh." sabi ko kay DenDen, tumingin siya dun sa dalawang naghaharutan, "oo nga eh." pagsang-ayos naman ni DenDen tapos ngumiti siya at umakbay siya sa akin. Nakarating na kami sa van at sumakay na kami, "pupunta pa nga pala tayo kay Amy noh?" tanong naman ni ate Gretta, "Oo. Mae, san ba may nabibilhan dito ng buko pie?" tanong ni ate Dzi. "Diyan, meron diyan sa malapit. Ang pangalan nung store ay Collete's. Masarap yung buko pie diyan." sagot naman ni Mae. Umalis na kami sa picnic grove at papunta na kami kela Amy, "mukhang mahaba habang biyahe pa toh." sabi sa akin ni DenDen. Tumango lang ako sa kaniya, humiga ako sa hita niya tapos kiniss niya ako sa noo.
=============================================================================
Mae's POV
Papunta na kami kela Amy at tulog na tulog na yung iba sa amin. Si ate A naman ngayon ang nagdrive kasi pagod na si ate Dzi at tulog na din siya, si Jirah, ako, DenDen at ate Gretta na lang ang gising. Grabe, ako yung nangangalay sa posisyon ng pagtulog ni Ella eh, hiniga ko si Ella sa hita ko at naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko. Aaminin ko, naiinlove na ako kay Ella, medyo clingy siya at naaalala ko pa din yung bigla siyang napayakap sa akin. Hindi naman akward para sa akin eh, ayos lang naman yun sanay na ako sa mga ganon pero parang naakward siya kanina. Huminto si ate A kasi nakita niya na yung bilihan ng buko pie, "sige ako na bibili ate A." sabi ko sa kaniya, "wag na. May nakahiga sa iyo eh. Ako na." sabi niya sa akin tapos ngumiti siya. Bumaba na siya at pumunta na siya don sa bilihan, "Woy, ang sweet ah. Nahawak pa siya sa kamay mo. Baka magkatuluyan kayo niyan." pang-aasar sa akin ni Jirah, "Psh. haha! Hindi yan noh." sabi ko sa kaniya. Tumingin sa amin si DenDen at ate Gretta, "bagay naman kayo ni Ella eh. Isang maliit at isang matangkad, hahahaha!" sabi naman ni ate Gretta tapos tumawa siya, natawa din si DenDen pati si Jirah. Maya maya pa ay dumating na si ate A at umalis na kami dun sa pinagbilhan namin.
Habang nasa biyahe kami, nagpatugtog ng radyo si ate A dahil sobrang tahimik lang kami eh. Ayaw naming mag-ingay kasi tulog na tulog yung mga kasama namin, sakto namang tumugtog yung kantang Just so you know ni Jesse McCartney.