Den's POV
Buti naman at nagising ako ng maaga. Ayokong malate dahil ang call time namin ay 7 a.m. Paniguradong magagalit yun si coach pag may nalate. Tumayo na ako sa kama at dumeretso na ako ng banyo para maligo.
*LIGO MODE*
FF
Ayan! Katatapos ko lang maligo, nagayos na ako ng sarili at bumaba na ako. "Ma'am. Tumawag nga po pala si mommy mo." sambit sa akin ni yaya. Napatingin ako sa kaniya at biglang nagiba mood ko, "Anong sabi?" tanong ko sa kaniya. "Kinakamusta lang po kayo at magingat daw po kayo sa dorm." sagot niya sa akin. Tumango na lang ako at lumabas na ako, sinakay ko na yung gamit ko sa kotse at sumakay na din ako, "tara na kuya." sabi ko sa driver namin. Stinart na ni kuya ang kotse at nakaalis na kami.
FF
Ayan nakarating na kami ng school at tinulungan ako ni kuya na ibaba yung mga gamit ko sa loob ng kotse, "Salamat kuya." sambit ko kay kuya at ngumiti ako sa kaniya. "Wala anuman po ma'am. Magiingat kayo ha?" sabi niya sa akin. "Opo kuya, salamat." sabi ko sa kaniya at umalis na ako. Pumunta na ako ng BEG at nakita ko din si Marge at Ella, "Huy." bati sa akin ni Ella. "Oi. Wala pa pala si Aly?" tanong ko sa kaniya. "Oo, wala pa nga rin si Jirah eh." sagot naman ni Marge. "Mamaya pa siguro yung mga yun." sambit ko naman sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Ella at nagmuni muni muna ako, maya maya pa ay dumating na nga si Jirah kasama sila ate Dzi. "Oh ayan na pala sila eh." sambit ni Ella. Nakita ko si Aly sa likod ni Jirah at lumapit siya sa akin at umupo siya sa tabi ko, ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kaniya.
"Musta gising?" tanong sa akin ng maganda kong girlfriend na si Alyssa. "Okay naman. ikaw?" sagot ko sa kaniya. "Eto okay din." sagot niya din sa akin. Dumating na nga si coach at lumapit siya sa amin, "Okay girls. Tara na at pupunta na tayo sa dorm niyo." sabi niya sa amin. Nagsitayuan na nga kami at dinala na namin ang aming mga gamit. Habang naglalakad kami si Jirah at Marge, wala pa ding pansinan.. Etong dalawang toh, jusko talaga.
"Okay girls we're here." sambit ni coach sabay tigil sa harap ng isang dorm. "Dito kayo magstestay as a team." dagdag niya pa. Napangiti kaming lahat at siyempre sobrang excited kami, "sa bawat room dalawa kayong magkakasama at sa isang room tatlo naman." dagdag niya pa. Binuksan niya na ang pinto at pumasok na kami, ang laki sa loob at ang ganda pa! "Sige girls, iiwan ko na kayo dito ha? Kayo na bahala sa sarili niyo at Dzi, ikaw na ang bahala sa kanila." sambit ni coach tapos umalis na siya. "Sige girls, ayusin niyo na yung gamit niyo tapos kakain tayo. Kayo na bahala kung sino sino ang magkakasama sa kwarto pero basta sa akin ang kasama ko si A." sabi ni ate Dzi tapos sabay tingin at ngiti kay A. "Ako naman ang kasama ko si Fille." sabi naman ni ate Gretch. "Ba yaaaaaaan." pagrereklamo ni ate Fille. Nagtawanan kami pwera lang dun sa dalawa, "Ako ang kasama ko si Marge at Jirah." sambit naman ni Ella. "Kawawa ka naman Ella wala kang kapair. Hahaahahaha!!" pang-aasar ni ate A. "Ah ganon, antayin mo lang. Pag ako nagkaron ng ka-pair. Who you ka sa akin! HAHAHAHAHA!" Sambit ni Ella sabay tawa. Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Ella, "at siyempre magkasama si DenDen at Alyssa." sambit ni ate Gretta sabay tawa. "Hoy! Baka may mangyari sa inyong dalawa ha? HAHAHAHAHA!" pang-aasar naman ni ate A. Mga bwiset na toh. HAHAHAHA!
Nagsiakyatan na nga kami sa taas at nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit. "Pagtabihin kaya natin yung higaan natin." sambit ni Alyssa. "Sige." sabi ko. Pinagtabi na nga namin ang aming higaan at linabas na namin ang aming mga damit sa aming mga bag at nagsimula na kaming magsalansan sa kabinet at drawer. "Tumawag mama ko kanina." sambit ko. "Oh ano sabi?" nakangiting tanong ni Alyssa. "Wala, kinamusta lang ako at magiingat daw ako." sagot ko. "Bakit parang hindi ka masaya na tumawag sa iyo mama mo at nakuha niya pang mangumusta sa iyo?" tanong niya sa akin. "Kahit kelan hindi ako naging masaya sa piling nila. Lagi silang wala at minsan lang sila magkaron ng pakialam sa akin. Hindi ko nga alam kung mahal pa nila ako o ano eh." sagot ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at yinakap niya ako, "mahal ka nila for sure. Baka busy lang sila." sambit niya. "Leche! Lagi naman silang busy sa trabaho nila eh. Simula pagkabata, si yaya ang palagi kong kasama. Siya na nga ang para kong nanay eh tapos yung driver namin ang para ko ng tatay. Eh sila? Asan sila?" sigaw ko. Hinarap niya ako sa kaniya at saka niya ako hinalikan ng madiin, nagulat ako sa ginawa niyo pero nakisabay na din ako sa mga nangyayari. Ang sarap ng mga labi niya, hinding hindi ko toh makakalimutan. Palagi kong hahanapin ito... Napahiga na kaming dalawa sa kama, nagiging mainit na kaming dalawa eh kaso biglang may kumatok.
*TOK TOK*
"Aly! Den! Kain na tayo." sambit ni ate Gretta. "Ah sige, susunod na kami." sagot ko sa kaniya tapos narinig ko na siyang bumaba sa hagdan. Nagngitian kami ni Alyssa at tumayo na kaming dalawa. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at bumaba na kaming dalawa. "Oh! Ayan na yung dalawang love birds!! Ayieeeeee!" pang-aasar ulet ni ate Gretta sabay binatukan siya ni Fille. "Ang ingay mo! Kumain ka na lang diyan. Halikan kita diyan eh." sambit ni ate Fille sabay ngiti. Napatingin kaming lahat kay ate Fille tapos si ate Gretta naman hindi nakaimik. "Ano? Pakiulet? Tama ba yung narinig ko?" sambit naman ni ate Gretta habang nakangisi siya. "Wala! Sabi ko kumain ka na." sagot naman ni ate Fille. "Talaga lang? Eh bakit parang may narinig akong haha-" hindi na naituloy ni ate Gretta ang kaniyang sasabihin dahil hinalikan siya ni ate Fille. Lumayo na si ate Fille at nagsimulang kumain ulet, kitang kita namin na si ate Gretta ay pulang pula. Hahaha! Natatawa kami sa kaniya. "Oi.. Gretta.. Anyare sa iyo? Kumain ka na. HAHAHAHAHHA!" sambit ni ate Dzi. "Kumbaga sa DOTA. Na-STUN. HAHAHAHHAHAHAHA!" Pang-aasar ni A tapos nagtawanan kaming lahat except kay ate Fille at ate Gretta. "Gretch. Kumain ka na nga." sambit ni ate Fille. Napatingin sa kaniya si ate Gretta at ngumiti na lang ito at nagsimulang kumain ulet.
Natapos na kaming kumain at si ate Fille ang maghuhugas. Pumunta kami ni Aly sa may sofa at nanuod kami ng TV. "Ang cute ni ate Fille at ate Gretch noh?" tanong niya sa akin. "Oo nga eh pero mas cute tayo." sagot ko naman sa kaniya sabay tingin ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngumiti siya, yung ngiti niyang nakakaloko. "Ehem...." napatingin kami kay ate Dzi, nakatayo siya tapos nakapamewang pa. "PDA talaga kayo ano? HAHAHAHA." sambit niya sabay tawa. Tumawa na lang din kami ni Aly at nagsipuntahan na sila sa sala, "wala naman tayong mga klase ngayon dba?" tanong ni ate A. "Oo." sagot naming lahat. "Ah okay. Movie marathon!" sambit ni ate A. "Tara!" sabay sabay naming sabi. "Ano gusto niyo? Nakakatakot?" tanong ni ate Gretta. "Wag nakakatakot!" sagot naman ni ate Fille. "Okay lang yan Fille. Andiyan naman si Gretta eh." sambit ni A tapos ngiti ng nakakaasar. "Che!" sigaw naman ni ate Fille sabay upo sa tabi ni Gretta.
Nanuod na nga kami ng nakakatakot at ang movie ay Shutter. Nung una wala pa masyadong nalabas na nakakatakot tapos maya maya ayan na! Sunod sunod na! Sigawan sila ng sigawan tapos ako naman, bugbog sarado na ako kay Aly! Yaan mo na, mahal ko naman eh.
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Napatingin kaming lahat kay Aly kasi biglang tumunog cellphone niya. "Excuse me lang guys ha? Sagutin ko lang toh." sabi niya sa amin tapos tumayo siya. "Sino kaya yon?" tanong naman ni A sabay tingin sa akin. "Bakit ka sa akin nakatingin?" tanong ko sa kaniya. "Wala lang. Hehe." sagot niya sa akin tapos maya maya bumalik na ulet siya. Pulang pula yung mga mata niya, umiyak ang mahal ko. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Wala po baby. Sige girls, akyat na ako ha? Papahinga lang ako." sambit niya tapos umakyat na siya. Napatingin lang kami sa kaniya tapos tumingin sila sa akin, "Bakit?" tanong ko. "Wala." sabay sabay nilang sabi tapos nanuod ulet kami.
=============================================================================
Author's POV
Sino kaya ang tumawag kay Aly at bakit umiyak siya? May nangyari kayang masama? O may mga masasamang alalala lang na bumabalik?
ABANGAN......
=============================================================================