Chapter 9: AlyDen

8.4K 59 5
                                    

Author's POV

Umuwi si DenDen ng luhaan at nagulat sila Dzi sa itsura ni DenDen. Alam na kagad ni Fille at Dzi ang nakita ni DenDen. "Anong nangyari?" tanong ni Gretta kay DenDen. "Nakita ko siyang... may... kasamang... lalake.. Ang sabi niya kasi, makikipagkita lang siya sa kaibigan niya... Kaibigan ba yun? Eh ang sweet sweet nila, holding hands tapos subuan?! Ano pa bang kulang sa akin?! ANO?!" sigaw ni DenDen tapos umiyak ulet siya. Yinakap na lang nila si DenDen kasi hindi nila alam ang kanilang gagawin. 

============================================================================

Alyssa's POV

Nakarating na nga ako dito sa mall at pumunta na ako sa Shakey's. Nakita ko si Jovee, nakaupo siya at sobrang gwapo niya pa din! Pumasok na ako at lumapit ako sa kaniya habang nakangiti ako, hindi ko mapigilang ngumiti... Tumayo siya tapos kiniss niya ako sa cheeks, "You look beautiful." bulong sa akin ni Jovee tapos inalalayan niya ako papunta sa pwesto ko at pinaghila niya ako ng upuan. Ang gentleman niya talaga!! "Sweet mo talaga." sabi ko sa kaniya sabay ngiti. "Sa iyo lang ako sweet." sambit niya sa akin sabay kindat. Shet!! Naiinlove ulet ako sa kaniya... "Tara order na tayo." sambit niya sa akin. Nag-order na kami ng aming kakainin tapos kwentuhan onti.. Maya maya pa ay dumating na nga yung order namin.. Habang kumakain kami, hindi namin maiwasan wag maging sweet sa isa't-isa.. Harutan tapos lokohan.. Namiss ko ng sobra si Jovee.. 

Teka?! Ano ba tong sinsabi ko?! May DenDen na ako eh! Nako! Masama ito!! Masama talaga toh... 

"Gusto mong mamasyal muna tayo?" tanong niya sa akin. "Oo, tara." sagot ko sa kaniya. Tumayo na kaming dalawa at lumabas na kami ng Shakey's. Holding hands kami ni Jovee habang sa makarating na kami sa Sea Side. "Ang ganda talaga dito." sambit ko. "Oo nga eh.. pero mas maganda ka pa rin." sambit niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya, naaalala ko na naman tuloy yung mga panahon na lagi kaming magkasama.. Yung lagi kaming sweet sa isa't-isa.. 

"Tara na, hatid na kita. Gabi na oh?" sambit sa akin ni Jovee. "Sige tara." sagot ko sa kaniya. Naglakad na kami papunta sa parking tapos sumakay na ako sa kotse niya. 

FF

Ayan, nakarating na ako ng dorm. "Sige, dito na ako. Ingat ka ha?" sambit ko sa kaniya. "Sige, ingat ka din. Salamat sa time. I love you." sambit niya. Ngumiti na lang ako at bumaba na ako, naglakad na ako at narinig kong umalis na yung sasakyan ni Jovee. Palapit na ako sa pinto at naririnig ko si ate Fille at ate Dzi, kinakausap si DenDen. 

"Den! Ano ba! Tama na yan! Parang awa mo na!" sigaw ni ate Fille. "Den ano ba?! Sinasaktan mo sarili mo eh!" sigaw naman ni ate Dzi. Siyempre dahil worried ako, binuksan ko yung pinto at sumambulat sa akin si DenDen na nagtatangkang maglaslas. "DenDen!" sigaw ko. Lumapit ako sa kaniya at inagaw ko sa kaniya yung kutsilyo. Naagaw ko naman ito at binigay ko kay ate Fille. "Anong ginagawa mo?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Nagpapakamatay ka ba?!" Tanong ko sa kaniya. Tumigin ng masama sa akin si DenDen, "Oo! Pakialam mo?! Kelan ka pa nagkaron ng paki?!" sagot niya sa akin. Nagulat ako sa mga sinabi sa akin ni DenDen. "May paki ako sa iyo DenDen. Anong sinasabi mo diyan?" tanong ko sa kaniya. "Anong sinasabi ko?! Wow! Painosente ka pa ha?! Wag mo kong gawing tanga at wag mo kong gaguhin! Dahil sawang sawa na ako sa mga panggagago mo sa akin!" sagot niya sa akin. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong ko ulet sa kaniya. "Tangina! Wag ka ng magpainosente! Kitang kita kita kanina sa Shakey's may kasama kang lalake at ang sweet sweet niyo! Leche, kaibigan?! Yan ba ang magkaibigan?! Sobrang sweet may subuan effect pa?! Puchang yan! Sinong linoloko mo?!" sigaw niya sa akin. Bigla akong natauhan sa mga sinabi sa akin ni DenDen, andun siya sa mall kanina? Anong ginagawa niya dun? "Den.. Magpapaliwanag ako.." sambit ko. "Tangina! Wag ka ng magpaliwanag Alyssa. Dahil malinaw na malinaw na sa akin ang lahat. First love mo pala yung Jovee na yun?! Hindi mo man lang sa akin sinasabi?! Akala ko ba mahal mo ko?! Akala ko ba ako lang?! Ano pa bang kulang sa akin kaya ka naghahanap ng iba?! Hindi ka ba masaya sa akin?! Sana sinabi mo agad sa akin para hindi ako umasa! Nagmumukha akong tanga Alyssa! Hindi mo ba nakikita?!" sigaw niya ulet sa akin. "Hindi lang ikaw ang nahihirapan Dennise! Ako din! Nalilito ako! Bigla na lang siyang bumalik! Sinabi niya sa akin na mahal niya pa din ako at gusto niyang mag-usap kami!" sigaw ko sa kaniya. "Mag-usap? Pero ang sweet niyo. Gandang paguusap yan. Tsaka kung mahal ka talaga niya, dapat nung una pa lang.... HINDI KA NA NIYA PINAKAWALAN." sambit sa akin ni DenDen. Tumalikod na siya tapos umakyat siya sa taas, sinundan naman siya ni ate Dzi tapos si ate Fille napapailing na lang.

Umupo ako sa sofa at nagsimula na akong umiyak, ano ba tong ginawa ko?! Umupo sa tabi ko si ate Fille at yinakap niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kelangan ko ng tulong... 

============================================================================

Den's POV

Nagtaka akong maglaslas kaso pinigilan ako ni Alyssa at siya pa ang may lakas ng loob na sumigaw.. Hindi niya ba alam kung gaano kasakit yung ginawa niya sa akin?! Sinubukan niyang magpaliwanag kaso yung pagpapaliwanag niya ay wala naman sa lugar. Tinalikuran ko siya at umakyat ako.. Pumasok ako sa aming kwarto at nakita kong magkatabi yung higaan namin, pinaglayo ko ito. "Den?" sambit ni ate Dzi. "Pasok." sambit ko. Pumasok siya tapos sinara niya yung pinto sa likod. "Anong gusto mo mangyari?" tanong niya sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya, "papalayain ko na lang siya. Kung masaya naman siya kay Jovee, okay na ako dun. Basta ba masaya na siya. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya lalo na kung hindi naman siya masaya sa akin. Wala ng dapat pang ipaglaban ate Dzi." sagot ko. "Haaay. Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Sigurado ka bang hindi ka magsisisi?" tanong sa akin ni ate Dzi. "Oo, lalayo na lang ako para wala ng gulo." sagot ko. "Sige, ikaw bahala.. pero pag may problema ka, andito lang kami.." sambit niya. Tumayo na siya tapos lumabas na siya ng kwarto. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin.. Wala ng ibang paraan kundi ang magparaya.. Dahil kung ipaglalaban ko pa, ako lang din ang matatalo... 

=============================================================================

Dzi's POV

Wala na talaga tong pag-asa.. Nasaktan na ng tuluyan si DenDen.. Desisyon na naman iyon ni DenDen kung gusto niya pang ituloy ang relasyon nila ni Alyssa pero andito lang ako sa tabi niya sa oras ng kelangan niya ng karamay. 

Pumasok na ako sa kwarto namin ni A at sinabi ko lahat sa kaniya ang mga pangyayari. Labis niya ikinagulat ang lahat at syempre nadisappoint siya. "Siguro yun na nga lang din yung paraan ni DenDen. Mahal niya nga talaga si Alyssa." sambit ni A. "Oo nga eh.. Matapang din tong si Den." sambit ko. "Oo nga eh.. Haaaay, nakakaawa..." sambit niya.. 

Sobrang naaawa ako kay Den at naaawa din naman ako kay Alyssa kasi sobrang naguguluhan na siya sa mga pangyayari. Haaaaaay! Sana maayos din nila ito... 

=============================================================================

Den's POV

Bukas, kakausapin ko si Alyssa tungkol dito.. Papalayain ko na siya... Dahil hindi ko na kaya toh. Ayokong maging 2nd option lang... Masakit.. at sobrang hirap.... 

=============================================================================

Author's POV

Tama ba ang gagawin ni DenDen na pagpaparaya? Siguro oo dahil gusto niyang maging masaya si Alyssa.. Oo nga naman, pagmahal mo ang isang tao at nakikita mong hindi na siya masaya sa iyo pero masaya siya sa iba.. Wala na tayong magawa kundi ito ay palayain na lamang, kasi siyempre. Gusto nating maging masaya na lang sila. Kasi, bakit kelangan pa nating ipagpilitan ang ating sarili sa taong hindi naman masaya sa atin.. 

Masakit man isipin ang bagay na ganiyan pero wala tayong magagawa. Ikasisiya naman ito ng taong mahal natin at dahil mahal natin sila, gusto natin silang gawing masaya.

=============================================================================

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon