Den's POV
Inuwi na ang katawan ni Amy sa aming bahay, nahihiya akong humarap sa mga magulang ko at lalong lalo na sa tita ko na nakagalit pa ng nanay ko. Alam kong sobrang disappointed sila mama sa akin, dahil hindi ko man lang nagawang protektahan si Amy. Si Michelle, hindi siya makapunta dito sa bahay namin dahil may part na siya ang sinisisi ng magulang ni Amy kung bakit ito namatay. Kung tutuusin nga ay halos isumpa na kaming dalawa, ang nandito ay si Aly at yung iba naming teammates. "Den." Tawag sa akin ni daddy, napatingin lang ako sa kaniya at alam niyang nararamdaman ko yung guilt. "Huwag mo ng intindihin ang tita mo. Hindi mo kasalanan." sabi niya sa akin para bang pinalalakas ang loob ko, "salamat po daddy." sabi ko naman sa kaniya tapos yinakap ko siya. "Basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang mali. Basta alam mo sa sarili mo na hindi mo kasalanan, wala kang dapat ikabahala." dagdag niya pa, umalis na ako sa pagkakayakap namin at ngumiti lang ako sa kaniya.
Nakaupo lang kami ni dad sa may sofa nung dumating si Michelle, siyempre nagulat kami ni Aly. "Michelle." tawag ko sa kaniya, halatang puyat na puyat siya at nangayayat siya. Matindi ang depresyon na pinagdaanan niya, tumingin lang siya sa akin tapos ngumiti. Yung ngiti na may halong lungkot at pagsisisi, lumapit sa kaniya si mommy at yinakap siya. Dun na siya nagsimulang humagulgol, alam naman naming lahat na wala siyang kasalanan eh, hindi niya din naman ginusto yung nangyari. "Tita, I am so sorry. Kasalanan ko po ito!" sabi niya habang umiiyak siya. "Tahan na, hindi mo kasalanan ang nangyari. Walang may gusto." sabi ni mommy kay Michelle habang hinihimas ang kaniyang likod, "halika. Maupo ka muna." pag-aaya sa kaniya ni mommy, umupo siya sa may tabi namin at yinakap ko siya. Lumapit din si Aly at yinakap din siya, alam naman namin kung gaano kasakit yun kay Michelle, dahil mamatay ba naman sa harap mo yung taong mahal mo dba? "Mas matatanggap ko pa kung babalik lang siya ng US dahil yun may kasiguraduhan na siya pa ay babalik pero ito? Wala ng kasiguraduhan to eh. Wala." sabi ni Michelle. Nakayakap lang kami sa kaniya, pinipigilan kong wag umiyak, kailangan kong maging malakas para sa kanila. Hindi makakatulong kung pati ako din ay iiyak, walang mangyayari lalo lang hihina ang kanilang mga loob.
Makalipas ng ilang oras, dumating na din yung iba naming teammates. Umupo sila sa may malapit sa amin at inupdate kami kung ano na ang mga nangyayari, si Mae at Ella late na sila dumating. As always, HH silang dalawa. Lagi namang sweet yang dalawa na yan kahit parating nag-aaway, habang nagkukwentuhan kami biglang dumating yung nanay ni Amy. Napatingin siya sa grupo namin at nakita niya si Michelle, "ikaw!" sigaw ni tita. Tumayo ako agad para harangan siya, "dahil sa iyo namatay ang anak ko! Ikaw ang may kasalanan!" dagdag niya pa. "Tita, tama na yan." awat ko sa kaniya, tumingin siya sa akin. "Dennise?! Kinakampihan mo pa ang babaeng yan? Siya nga ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko, ang pinsan mo! tapos kinakampihan mo pa yan?!" sigaw niya sa akin, hindi na lang ako umimik. Humarang lang ako sa pagitan nilang dalawa, "tita. Tama na, okay? Kasalanan niya man o hindi wala na tayong magagawa. Wala na si Amy." sabi ko naman sa kaniya. Tumingin na lang sa akin si tita at umiyak siya, alam kong masakit para sa kaniya to pero wala naman akong magagawa eh. Kung pwede lang ibalik ang oras, bakit hindi diba? Ililigtas ko si Amy para kasama namin siya, "kung sino man yung pumatay sa anak ko. Pagbabayaran niya to!" sigaw ni tita. "Oo tita, pagbabayaran niya talaga." sabi ko na lang sa kaniya sabay yinakap ko siya. Tumingin ako kaila Aly, alam siguro nilang may binabalak ako.
Umakyat muna ako sa taas at humiga sa kama ko para pag-isipan ang mga bagay ba tumatakbo sa isip ko. "DenDen, ano na naman yang binabalak mo?" tanong sa akin ni Aly ng umupo siya sa tabi ko, "wala." sagot ko sa kaniya. "Den, kilala kita. Wag mo nga akong pinaglololoko diyan." I don't think I can win an argument with her, "fine. Harapin natin si Jovee at tanungin siya ng mga bagay." sabi ko naman sa kaniya. "Sigurado ka? Alam mo namang mautak yun."" hindi siya magiging mautak sa mga oras na yan. Mas magaling ako sa kaniya." Ngumiti na lang si Aly at yinakap niya ako. "Siguraduhin lang ha?" paninigurado niya. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan ko siya, namiss ko yung mga matatamis niyang labi. I missed this feeling, she placed her arms around my neck then I placed my arms around her waist. Napapahiga na siya sa higaan ko, naghiwalay muna kami para makahabol ng hininga namin at hindi din nagtagal hinalikan ko ulit siya but this time, with more passion. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, i miss her, i love her, i need her and i want her. Hinalikan ko siya sa tenga niya, jawline at leeg. Sucking on her soft spot, making her moan softly. I continued kissing her down to her collarbone, I looked at her eyes intently admiring how beautiful she is. Sigurado na ako na siya ang babaeng papakasalan ko, ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Wala na naman akong ibang mahihiling pa eh, kung hindi ang makasama siya habang buhay. Bakit pa ako maghahanap ng iba kung kuntento na ako sa babaeng nandito sa harapan ko, dba? What's the point of looking for someone when there's someone right in front of you, loving and caring for you. I never knew na magiging ganito ako kaready sa commitment na pang habang buhay. But I know to myself na hindi ko pagsisisihan yun. Mali man sa paningin ng iba, eh ano bang pakialam nila dba? Hindi naman sila yung nagmamahal kung hindi ako. Inggit lang sila dahil walang nagmamahal sa kanila ng ganito. "I love you." As I said those words to her, I showed her how much I really love her.