Chapter 11: AlyDen

8.8K 68 12
                                    

Den's POV

Sinundo na nga ako ng driver namin at pagsakay ng gamit ko sa kotse at pagsakay ko sa kotse.. Umiyak na ako, pinipigil ko lang yung mga luha ko kanina kasi ayaw kong makita ako ni Alyssa na naiyak ako.

Nakarating na ako ng bahay at inayos ko na ulet ang mga gamit ko, maya maya pa ay may nagtext sa akin. "Den, pwede ba tayong magusap?" text sa akin ni Alyssa. Hindi ko na lang siya pinansin at pinatayan ko siya ng cellphone, pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na muna ako at nanuod ako ng tv.

"Ma'am. Tumawag yung Angeline Gervacio." sabi sa akin ni yaya. "Asan na yung phone?" tanong ko sa kaniya. Inabot niya sa akin yung phone, "Hello?" pagbati ko. "Den! Si ate Dzi mo toh. May training tayo bukas ng hapon. Wag mong kakalimutan, okay?" sambit niya sa akin. "Sige ate." sagot ko tapos binaba niya na yung phone. May training bukas, makikita ko na naman siya. Haaaay buhay...

===============================================================================

Dzi's POV

Pinaalam ko na kay DenDen na may training kami pero hindi ko na pinaalam sa kaniya na si Alyssa ay nagkulong na sa kwarto. Teka, bakit ko nga naman kelangang ipaalam sa kaniya? Wala na nga palang pakialam yun kay Alyssa. "A. Tawagin mo na si Aly, sabihin mo kakain na tayo." utos ka kay A. "Okie dokie!" sagot naman sa akin ni A tapos umakyat na siya.

Maya maya pa ay bumaba na sila ni Aly, "Tara kain na tayo." sambit ko sa kanila. Umupo na si Aly pati si A, ang katabi na ngayon umupo ni Ella ay si Alyssa. Ang tahimik namin habang kumakain, iniisip namin si DenDen. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto, lahat kami napatingin tapos nagkatinginan kaming lahat. Excited kaming buksan, baka kasi si DenDen yun eh. Tumayo si Gretta tapos binuksan niya yung pinto, nagulat kami kasi lalake. Napatingin kami kay Aly na nakangiti naman habang nakatingin dun sa lalake, napailing na lang kami nila Fille tapos si Ella naman sobrang disappointed siya. Dahil naaawa siya sa best friend niyang si DenDen, "Uhm.. Pasok ka." sambit ni Gretta tapos bumalik si Gretta sa upuan niya. Si Alyssa naman ay tumayo at yinakap niya yung lalake, "Uhm girls. Si Jovee nga pala." pagpapakilala niya dun sa lalake. "Hi." batid naming lahat. Si Ella tapos ng kumain, tumayo siya at linagay niya na yung plato niya sa lababo tapos umakyat siya, ganun din yung ginawa nila Marge at Jirah. Kaming 3 na lang ang naiwan...

===========================================================================

Ella's POV

Ang bilis mo namang makamove on ate! Meron agad? Wow ha! Parang wala kayong pinagsamahan ni Lazaro ah? Dahil sobrang nabadtrip ako sa nakita ko, dinalian kong kumain tapos umakyat na agad ako. Matawagan nga si Lazaro..

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

"Hello?" sagot ni Lazaro. "Hoy babae!" sigaw ko. "Ano?! Hahaha! Loka ka Ella! Ano? Bakit?" sambit niya. "Hahaha! Wala lang! I miss you!! Agad agad! HAHAHAHA!" sambit ko. "Gaga, bakit ka tumawag?" Tanong niya. "Wala lang, masama na bang tumawag? Sige! Mukhang ayaw mo naman! Bye!!" sagot ko. "Ui ui! Joke lang! Toh naman, hindi na mabiro." sambit niya. Yun naman pala eh!! "Ano na?" tanong ko. "Anong ano na?" tanong niya din. "Pambihira! Anong ginagawa mo?" tanong ko. "Wala eto nakahiga, kausap ka." sagot niya. "Ano, okay ka na?" tanong ko. "Okay? agad agad? Ano toh? Minute to move on? Ayos ka ha? HAHAHAHA!" sagot niya. "Mabuti kung ikaw hindi ka Minute-to-move on.. Eh tanungin kita, yung isa ba ganun din ba? Eh mukhang hindi eh, may boyfriend agad eh!" bulalas ko. "Yan yung lalakeng nakita kong kasama niya sa Shakey's. Yaan mo siya, masaya naman siya kay Jovee eh." sambit niya. Ramdam kong umiiyak siya, sorry kung wala ako diyan para punasan yung luha mo... Sana ako na lang kasi eh! Bakit kasi sa kaniya pa? Iingatan naman kita eh... Aalagaan pa kita... Tapos pahahahalagahan pa kita.. at hinding hindi kita paiiyakin at sasaktan. "Oo nga eh... Haaaay.. Pag-ibig nga naman." sambit ko. "Sinasabi mo diyan? Hahahaha! Palibhasa kasi ikaw, wala ka pang napupusuan! HAHAHAHA!" sambit niya sabay tawa. "Gago ka pala eh. Pano kung sabihin kong ika-" bago ko pa man itinuloy, tinakpan ko kagad ang bibig ko. Shit! "Ano?" tanong niya. "Wala!" sagot ko. "Ah akala ko may sinabi ka. Hahahaha!!" sambit niya. Buti na lang hindi niya narinig. Kinabahan ako. "Sige Den, kita na lang tayo sa school bukas!! Ingat ka diyan ha?? Lav ya pre!" sambit ko. "Sige!! Bye!! Ingat ka din. Lav ya too!" sambit niya tapos binaba niya na yung phone.. Muntikan ko ng masabi, buti na lang.. Buti na lang!!

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon