Chapter 3: AlyDen

13.3K 115 2
                                    

Den's POV

Andito na ako sa klase ko, umupo na ako.. May nakatingin sa akin na babae, hindi ko siya kilala pero ang cute niya. Tumingin ako sa kaniya pero umiwas siya ng tingin. "Uhm.. Ms. May problema ka ba?" tanong ko dun sa babae. Tumingin siya sa akin tapos nakangiti siya, ang cute niya. "Wala po. Sorry po." sabi nito habang nakatungo siya. "Haha. Wag kang mahiya, okay lang. Ako nga pala si Dennise Lazaro, pwede mo kong tawaging DenDen. Ikaw?" tanong ko sa kaniya. "Ako si Ella De Jesus. Pwede mo kong tawaging Ella." sagot nito. Inabot ko ang aking kamay at malugod niya naman hinawakan at nagshake hands kami. "Mahilig ka bang magvolleyball?" tanong niya sa akin. "Oo.. haha.. Ikaw?" tanong ko sa kaniya. "Oo, may try outs nga mamaya eh. Sasama ako. ikaw?" sagot niya. "Oo naman! Sabay tayo maya, gusto mo?" sagot ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin tapos tumungo. Habang nagkukwentuhan kami, biglang pumasok yung professor namin.

Nagsimula ng magdiscuss yung professor namin at ramdam na ramdam kong naglalayag yung utak ko. Naaalala ko na naman si Alyssa.. Ugh!! Kelangan kong magfocus!! Hindi pwede toh!! "Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Ella. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ako, "oo.. okay lang ako?" sagot ko sa kaniya. Ang hirap naman ng ganito, bakit ba kasi hindi ko siya makalimutan.. Eh wala lang naman ako sa kaniya dba? Isa lang naman akong anino..

Natapos na yung klase namin at lunch time na namin. "Tara Ella. Lunch tayo." sabi ko kay Ella. "Ay sige.. Sasabay ako kay Marge at Jirah eh. Una ka na." sabi niya sa akin tapos ngumiti siya. "Ah! Sige sige. Una na ako ha?" sabi ko sa kaniya tapos umalis na ako. Naglakad na ako at nagsimula na akong hanapin si Alyssa. Nakita ko siyang nakaupo dun sa bench at nagbabasa ng libro, linapitan ko siya. "Tara?" pag-aaya ko sa kaniya. "Ay sige, Tara." sabi niya sa akin. Inabot ko yung kamay ko sa kaniya at kinuha niya naman ito, hinila ko siya patayo at dahil napalakas ang pagkakahila ko sa kaniya, muntikan na kaming magkiss. Nagkatinginan kaming dalawa sa mata at napangiti kami sa isa't-isa. Huy! Lazaro! Baka nakakalimutan mo yung ginawa niya sa iyo! Oo nga pala! Bigla akong natauhan dahil dun sa sinabi ng utak ko, binitawan ko yung kamay niya "tara na!" sabi ko sa kaniya habang nakangiti ako. Lumakad na ako tapos sumunod naman siya, habang naglalakad ako.. Wala kaming kibuan.. Hanggang sa makarating kami ng canteen..

"Sige, upo ka na. Mag-oorder lang ako." sabi ko sa kaniya. Tumango na lang siya at umupo na siya tapos ako naman pumila na...

FF

Ayan nakapag-order na ako. "Oh eto na pagkain natin." sabi ko sa kaniya habang inaayos ko yung pagkain namin. Umupo na ako sa tabi niya at nagsimula na kaming kumain, "Musta na nga pala kayo ni Jovee?" tanong ko sa kaniya. Tumigin lang siya na parang nabigla sa sinabi ko, "oh bakit? Hindi mo ba naiintindihan yung sinabi ko? Gusto mo ulitin ko?" sabi ko sa kaniya. "Wala na kami ni Jovee." sagot niya sa akin. "Ha? Bakit? Eh dba ang saya saya niyo? Bakit bigla na lang kayong nawala?" tanong ko ulet sa kaniya. Ano kayang nangyari sa dalawang toh? Dati ang saya saya nila ah? Ngayon? Anyare?? "Iniwan ko na siya." sagot niya sa akin. Napatigil ako sa pagkain ko at bigla akong napatingin sa kaniya. "Bakit?!" bigla kong tanong ng malakas. Tumingin sa akin si Alyssa na parang naiinis, "Leche Lazaro! Ang dami mong tanong ano?! Basta, iniwan ko siya para lang sa isang taong mahal ko talaga! Ngayon... Alam mo na?!" sagot niya sa akin napasigaw. Nabigla ako sa sinabi niya, kumain na lang ako at hindi na ulet ako nagtanong. "Bakit antagal mong nawala? San ka nagpunta?" tanong niya sa akin at yung boses niya parang paiyak na siya. "Hindi mo na kelangang malaman, tsaka bakit concern ka?" tanong ko sa kaniya. "Wag mo sa akin ibalik ang tanong Lazaro! Tinatanong kita kaya sagutin mo!" sigaw niya sa akin. Humarap ako sa kaniya at ramdam kong tumutulo na ang luha ko sa pisngi ko. "Gusto mong malaman yung totoo?!" siabi ko sa kaniya. "Oo!" sigaw niya. "Umalis ako at hindi na ulet ako nagparamdam sa iyo dahil iniiwasan kita! Gusto kong makalimutan yung nararamdaman ko sa iyo! Ginawa ko yun hanggang sa makagraduate tayo ng highschool. Tiniis ko yun! Akala mo ba na hindi ako nasasaktan sa tuwing nakikita kong magkasama kayo ni Jovee?! Ang sakit sakit Baldo! Tinitiis ko lang dahil gusto kong maging masaya ka sa kaniya dahil mahal kita! Makita lang kitang masaya, okay na ako dun! Kaso ano namang nangyari sa akin? Ayun, ako yung nasaktan! Ako yung nanlulumo! Ngayon, magtatanong ka kung san ako nagpunta at bigla akong nawala?! Yun yung dahilan! At ikaw ang rason!" sigaw ko sa kaniya. Napatigil siya at nakita ko na yung mga tao ay nakatingin lang sa amin, tumayo ako at lumabas ako ng canteen. Pumunta ako dun sa lugar na kung saan siya nakaupo kanina, nagandahan ako dun sa lugar kaya dun ako tatambay lagi.

"Den?" napatingin ako at nakita ko si Ella. "Bakit ka naiyak? anong nangyari?" tanong sa akin ni Ella habang yakap niya ako. Yumakap din ako sa kaniya at umiyak ako ng umiyak sa kaniya, "bakit ang sakit sakit Ella? Pinilit ko siyang iwasan kaso bumalik siya ulet eh." sabi ko. Hinimas himas lang ni Ella ang likod ko, "sino ba yan?" tanong sa akin ni Ella. "Basta Ella, tsaka ko na lang sa iyo sasabihin pag handa na ako." sabi ko sa kaniya. Ngumiti si Ella at yinakap niya ako. "Tahan na.. Andito lang ako, pag may problema ka pwede mo kong lapitan. Tama na yan DenDen. Ssshhh.. You deserve someone better." sabi ni Ella. Bigla akong natauhan sa mga sinabi ni Ella, lalo na dun sa "you desrve someone better." Tumigil ako sa pagiyak at kumalas na ako sa pagkakayakap sa akin ni Ella, "Sige Ella ha? Kelangan ko ng umalis eh, may klase pa ako. Mamaya na lang sa try outs okay?" sabi ko sa kaniya. "Sige! Kita kits na lang maya! Ingat ha? Wag ng iiyak. Smile na, okay?" sabi niya. Napangiti ako sa mga sinabi niya at umalis na ako.

==========================================================================

Alyssa's POV

Nagulat ako sa mga sinabi ni DenDen sa akin, hindi ko aakalaing masasabi niya yon. Hindi ko aakalaing mahal niya din pala ako. Kelangan ko na din masabi kay Den na mahal ko siya bago pa mahuli ang lahat. Sinubukan ko siyang hanapin kaso hindi ko siya makita, pumunta ako dun sa pinagtambayan ko kanina kaso wala siya don. Asan na kayo? Tiningnan ko yung orasan ko, nako! 1:30 na! Kelangan ko ng pumunta sa next class ko kundi malelate na naman ako.

Tumakbo na ako sa next class at sakto wala pa si Prof. Pumasok na ako at napatingin ako dun sa babae na nasa dulo. Si DenDen! lumapit ako at umupo ako sa tabi niya, nakatungo lang siya... "DenDen." sabi ko sa kaniya. Hindi siya natingin sa akin, nakatungo lang siya. "Sorry." sabi ko sa kaniya, damang dama ko na paiyak na ako. Tumingin siya sa akin at pulang pula yung mata niya, "Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo?! Nasaktan mo na ako Alyssa! Sawang sawa na akong masaktan ng paulet ulet! Papatawarin kita tapos ano?! Iiwanan mo na naman ako? Magpapanggap ka na naman na parang wala lang ako?! Lagi namang ganiyan dba?!" sigaw niya. Buti na lang kaming dalawa pa lang ang estudyante kung hindi nakakahiya! "DenDen..." hindi na ako nakasalita kasi bigla niyang pinutol ito. "Ano?! Puro ka na lang DenDen! Manhid ka kasi!" sigaw niya sa akin. Nabigla ako dun sa sinabi niya at siyempre nasaktan din ako, "Hindi ako manhid DenDen! Nagawa ko lang nasagutin si Jovee kasi naaawa na ako sa kaniya, antagal tagal niya ng nanliligaw tapos hindi ko pa sasagutin?! Ginawa ko lang din yun kasi gusto ko ding makalimutan yung nararamdaman ko sa iyo kasi ang akala ko noon ay wala lang yon pero hindi ko alam na totoong mahal na kita! Kaya wag mo sa aking masumbat sumbat na manhid ako! Mahal kita, hindi ko lang masabi sa iyo kasi takot akong mareject mo! Kung iniisip mo na hindi kita mahal, nagkakamali ka! Kung hindi kita mahal tingin mo iiwan ko si Jovee para sa iyo? Inantay kitang bumalik noon kaso walang LAZARO na dumating sa buhay ko! WALA! May mga dumating man pero hindi katulad mo! Iba ka sa kanilang lahat! Nag-iisang Lazaro ka sa buhay ko! Sana alam mo yun DenDen! Kaso hindi dba?" sigaw ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at linapit niya yung mukha niya sa akin, "Mahal kita Alyssa Valdez at alam ko yun dahil sinabi mo sa akin." sabi niya sa akin. Ramdam ko yung init ng hininga niya sa aking mga labi, "Mahal din kita Dennise Lazaro... Nung una pa lang..." sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at hinalikan niya ako.. Naglayo na kaming dalawa at sakto namang dumating na yung mga kaklase namin at yung prof. namin.. Nagtinginan kami at nagtawanan.

===========================================================================

Author's POV

Ngayon na nasabi na nila ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Ano kaya ang mangyayari?

ABANGAN!"

============================================================================

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon