Chapter 35: AlyDen

5.3K 68 15
                                    

Marge's POV

Andito ako sa kwarto namin ni Jirah ngayon, andito nakaupo sa higaan ko at nag-iisip isip ng mga bagay bagay. Maya maya pa ay biglang pumasok si ate Dzi at ate A, "explain." sabi ni ate Dzi habang nakatayo sila sa may pinto, "Ano bang dapat kong iexplain?" tanong ko sa kaniya. "Sino yung kalandian mong lalake sa harapan ni Jirah?" tanong niya din sa akin, "Kaibigan ko lang yun, okay? Walang namamagitan sa amin, we're just friends." sagot ko, "Tssss. Friends, bulok na yung excuse na yan Marge, masyado ng gasgas yan." sabi naman ni ate A, "Edi wag kayong maniwala." sabi ko naman sa kanila, "alam mo namang mahirap na talagang paniwalaan sa panahon ngayon yung ganiyang excuse. Tsaka meron bang magkaibigan na kelangang naglalandian? and take note, lalake pa ang kalandian mong kaibigan ha." sabi naman ni ate A, natahimik ako sa sinabi niya, tiningnan na lang nila ako tapos lumabas na sila ng kwarto. Humiga ako sa higaan ko at nagsimula na akong maluha, hanggang sa nakatulog na nga ako.

*KINABUKASAN*

Nagising ako ng mugto ang aking mga mata at pagtingin ko wala si Jirah sa tabi ko, pumasok na ako ng banyo para maligo.

*LIGO MODE*

Katatapos ko lang maligo at pagbaba ko ay nandun siya nakain, "Good morning." bati ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin, "Ji?" sabi ko sa kaniya habang nakatingin ako sa kaniya pero iniwas niya yung tingin niya sa akin, "Jirah. Kausapin mo naman ako oh." sabi ko sa kaniya, tiningnan niya lang ako tapos inalis niya yung tingin niya sa akin at tumayo na siya. "Jirah!" sigaw ko sa kaniya tapos lahat sila tumingin sa akin, "ano?" tanong niya sa akin pero ang cold niya na sa akin. "Bakit ba ayaw mo kong pansinin?" tanong ko sa kaniya, lumapit siya sa akin tapos binigay niya sa akin yung phone ko, "may nagtext sa iyo." sagot niya sa akin tapos pumunta na siya sa sala at sumama kaila ate Dzi, tiningnan ko yung message.

From: 0926*******

Hi baby Marge! Kita ulet tayo sa bar mamaya? Si Michael nga pala toh, see you later! :*

"Ji-Jirah, it's not what you think." sabi ko sa kaniya, tiningnan niya lang ako tapos tumayo na siya at lumabas ng dorm tapos nakatingin lang silang lahat sa akin, wala silang imik. "It's not what you think.. Tssss." sabi naman ni Ella. "Ella, tama na yan." sabi naman ni Mae, "Marge, gawan mo ng paraan yan, sobrang nasasaktan na si Jirah sa ginagawa mo." dagdag pa ni Mae tapos tumayo na sila ni Ella at lumabas, tumingin ako kay Aly at kay Den pero hindi nila ako tinitingnan, tiningnan ko naman sila ate Fille at ate Gretch at nanunuod lang din sila ng tv tapos tumingin ako kay ate Dzi at ate A hindi nila ako tinitingnan, tumingin naman ako kay Amy at Michelle paalis naman na sila. "Kausapin niyo naman ako oh?" sabi ko sa kanila, tiningnan lang nila ako tapos inalis na din nila yung tingin nila sa akin, "eto lang sasabihin namin sa iyo, ayusin mo yang gulo niyo." sabi naman sa akin ni DenDen tapos tumayo na sila at lumabas na ng dorm, ako na lang ang naiwan sa loob, umakyat ako sa taas para kunin yung gamit ko at may nakita akong note sa may bag ko.

USAP TAYO MAYA.

-JIRAH

Linagay ko na yung note sa bag ko at lumabas na ako ng dorm, habang naglalakad ako nakita ko sila nag-uusap usap, lalapitan ko na sana sila kaso bigla na silang naghiwa-hiwalay. Napabuntong hininga na lang ako tapos maya maya pa ay may nagtext sa akin, kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong si Jirah yung nagtext.

Kita tayo sa tambayan nila DenDen, ngayon na.

Nagmamadali naman akong pumunta dun at pagkarating ko ay nandun nga si Jirah. "Hey." bati ko sa kaniya, tumingin lang siya sa akin tapos ngumiti siya, yung ngiti na matagal ko ng inaantay na makita ulet, "Jirah, i'm so sorry sa mga nangyari. Wala lang talaga yun, at yung Michael na yun? Nakilala ko lang yun sa bar kahapon kasi sobrang sama ng loob ko, Jirah, alam mo namang hindi kita kayang ipagpalit eh. Alam mo yan, tsaka yung kaharutan ko na lalake sa harap mo? Magkaibigan lang talaga kami nun Jirah, sana paniwalaan mo ako." sabi ko sa kaniya at paiyak na ako, yinakap niya ako bigla, "naniniwala ako sa mga sinasabi mo Marge, kinausap ko yung lalakeng kaharutan mo. sabi niya sa akin magkababata kayo noon, tsaka wala naman daw namamagitan sa inyo, tsaka may boyfriend siya?" sabi niya sa akin tapos bigla siyang tumingin sa akin dahil for sure naawkward siya dun sa last part, tapos tumawa ako. "Ah oo, may boyfriend siya. Haha! Bakit? Awkward?" tanong ko sa kaniya, "Hindi naman pero nagulat ako, hindi kasi halata sa kaniya." sagot niya sa akin tapos ngumiti siya, "siya kasi yung lalake sa relationship nila." sabi ko naman. Ngumiti na lang siya tapos hinawakan niya yung kamay ko at tumayo na kaming dalawa, "Kilala mo ba si Cheryl Cole?" tanong niya sa akin. "Oo naman! Yung magandang judge sa x-factor? Crush ko yun eh!" sagot ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin, "Okay girls. Labas na kayo." sabi naman niya habang nakatingin lang siya sa akin tapos nagulat ako dahil yung girls asa likod niya. "Pakinggan mo toh." sabi naman niya sa akin.

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon