Chapter 18: AlyDen

7.9K 44 1
                                    

Aly's POV

Andito na ako sa dorm at pagpasok ko nanunuod sila ng TV. "Oh, kamusta kayo ni Den?" tanong ni ate Gretta habang nakangiti ng nakakaloko, "ayos naman. Naggala kami." sagot ko sa kaniya tapos umupo ako sa tabi ni ate Fille, "Oo nga pala Aly. May bisita ka. Akyatin mo na lang sa taas." sambit sa akin ni ate Fille, "ah.. sige." tumayo na ako tapos umakyat ako sa taas. Sino kaya yung bisita ko? Jusko, sana naman wag si Jovee. Umakyat ako sa taas at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin yung pinsan kong si Michelle, "Huy! Kelan ka pa dumating?!" tanong ko sa kaniya tapos yinakap ko siya, "kagabi lang. Pumunta nga ako agad dito eh, akala ko nandito ka.. Yun pala asa bahay ka nung Dennise Lazaro? Kaano ano mo yun?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi natatakot ako na baka bigla niyang sabihin kay mommy and daddy, "C'mon Aly... Answer my question." pangungulet ni Michelle. "Promise me na kahit anong mangyari hindi mo toh sasabihin kela mommy at daddy." sambit ko sa kaniya, "yes.. I promise." pangangako niya naman. "May something kami ni Dennise." sagot ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin tapos ngumiti siya, "Hindi lang ikaw yung nagkakaganiyan.. ako din noh.. pero pinagkaibihan lang natin is, hindi ko siya girlfriend. May gusto lang ako sa kaniya." sambit sa akin ni Mich tapos tumayo siya, napatingin lang ako sa kaniya dahil nagulat ako sa sinabi niya. "Eh?? Sino yung natitipuhan mo insan?" tanong ko sa kaniya, "Kilala mo ba si Amy Ahomiro? Pinsan ni Dennise yun." sagot niya sa akin. "Talaga?! Tulungan kita, you want?" pag-aalok ko sa kaniya. "Talaga?! Hahaha! Game ako diyan!! Salamat insan!" pagsang-ayon niya sa akin. Tumayo na kaming dalawa at lumabas na kami ng kwarto...

Andito na kami sa baba at nakita kong nakaupo lang si Ella sa may sofa, "Girls. Aalis muna ako ha?" pagpapaalam ko sa kanila. Tumingin lang sila sa akin tapos tumango lang si ate Dzi, "wag kang magpapagabi ha?" sambit sa akin ni ate Fille, "yes ma'am." sagot ko tapos lumabas na kami ni Michelle. "San ka ba pupunta?" tanong niya sa akin, "sa Shakey's lang. May kakausapin lang akong tao. " sagot ko sa kaniya tapos sumakay na ako ng kotse, "ingat ka." sambit niya sa akin tapos lumakad na siya papalayo. Stinart ko na yung kotse at nagdrive na ako papaalis, isesettle ko na toh with Jovee.. Hindi ko na talaga kaya toh.. Linoloko ko lang sarili ko...

Nakarating na ako ng Shakey's at nakita ko na yung kotse ni Jovee, pinatay ko na ang makina at bumaba na ako sa aking kotse. Pumasok na ako sa loob at pagpasok ko ay nakita ko na siya, lumapit siya sa akin para magkiss sa akin sa cheeks pero pinigilan ko siya. "Tara, hindi din ako magtatagal." sambit ko sa kaniya tapos lumakad na ako papunta sa pwesto namin tapos sumunod siya sa akin. Umupo siya sa harap ko at nakikita ko sa mukha niya na takot na takot siya sa sasabihin ko, "Jovee. I can't take this anymore.. Sinusukuan na kita... Hindi ko na kaya yung mga pagpapaiyak mo sa akin.. Araw araw na lang akong nasasaktan ng dahil sa iyo..." sabi ko sa kaniya at ang cold ng datingan ko. Nakatungo lang siya at alam kong naiyak siya, tumingin siya sa akin at naiyak nga siya pero bakit parang wala lang sa akin toh. "Oh sige.. Kung yan ang gusto mo..." sambit niya tapos pinunasan niya yung luha niya, "pinapalaya na kita..." sambit niya. Hinawakan ko lang yung kamay niya tapos ngumiti ako sa kaniya at tumayo na ako, palabas na ako ng Shakey's ng bigla niya akong tinawag. "Aly!" tawag niya sa akin, humarap ako sa kaniya tapos yinakap niya ako. "Salamat sa pagmamahal." batid niya tapos yumakap din ako sa kaniya, kumalas na ako sa pagkakayakap niya tapos lumabas na ako ng Shakey's. Habang lumalakad na ako papalayo, tumingin ulet ako sa kaniya.. Nakita kong andun lang siya, nakatayo tapos tumalikod na siya. Masaya na din ako na kahit papano ay nakahinga na din ako ng maluwag at mapapasa akin na ulet si DenDen.

=============================================================================

Den's POV

Kasama ko si Amy, nandito lang kami sa kwarto ko at nakahiga lang kaming parehas. "So, mag-aaral ka din dito sa ADMU?" tanong ko sa kaniya. "Uhuh.. Anyway, you're a volleyball player right? I'm also planning to join the team." sagot niya sa akin. Napaupo ako bigla at napatingin ako sa kaniya, what?! Si Amy Ahomiro magvavolleyball?! Jusmiyo. "Sige, sama ka sa akin bukas. Babalik na ako sa dorm namin eh." sambit ko sa kaniya tapos humiga ulet ako, "Oh okay.." tumayo siya tapos pumunta siya ng cr.

Naririnig kong nagriring yung cellphone ko, tumayo ako tapos kinuha ko yung phone ko sa may table. Oi, si Aly.. Natawag.. "Hello?" bati ko. "Den! I just talked to Jovee." sambit niya, nagiba yung mukha ko.. Yung ngiti ko nawala, naging seryoso ulet ako. "Anong pinagusapan niyo?" tanong ko sa kaniya, "sinabi ko na sa kaniya.. Na ayaw ko na.. Lagi na lang akong nasasaktan DenDen eh.. Lagi na lang.. Araw araw na lang... Lagi na lang akong naiyak.." sagot niya sa akin, nagulat ako sa mga sinabi niya, hindi ko aakalain na magagawa ni Jovee yun sa kaniya... "Ah sige, punta ka na dito sa bahay.. Mag-usap tayo, okay ba?" pag-aaya ko sa kaniya. "oh sige, on the way na ako." pag sang-ayon niya sa akin.

Pagkababa ko ng phone ay saktong lumabas na ng banyo si Amy, "Who are you talking to?" tanong niya sa akin. "Ah.. Si Valdez." sagot ko sa kaniya tapos humiga siya at pumikit siya. "Bababa muna ako ha? Maiwan ka muna dito." sambit ko tapos tumango lang siya sa akin, tumayo na ako tapos lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na ako. Nakita kong nagluluto na ng dinner si yaya, "asan sila mommy?" tanong ko. "Naggrocery sila. Dadating na din yun." sagot niya sa akin, pumunta ako sa may sala at umupo ako sa sofa. Kinuha ko yung remote at binuksan ko yung tv.

Maya maya pa ay may nagpark na kotse sa harap namin, sumilip ako tapos pagsilip ko ay si Aly pala yon. Bumalik na ako sa sofa at nanuod na lang ulet ako ng tv tapos pumasok na si Aly, umupo siya sa tabi ko tapos kiniss niya ako sa cheeks. "Ano yung pag-uusapan natin?" tanong niya sa akin. "Sigurado ka bang wala na talaga kayo ni Jovee? o ginugoodtime mo na naman ako?" tanong ko sa kaniya. "Oo.. Sigurado akong wala na talaga kami ni Jovee, siya na din naman yung nagpasya eh... pinapakawalan niya na daw ako..." sagot niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya tapos ngumiti ako, hinawi ko yung buhok niya tapos hinalikan ko siya... Gumanti din siya tapos bigla na lang akong may narinig na nagsalita... "Seriously? Get a room love birds.." sambit ni Amy tapos bigla siyang tumawa. Pambihira naman talaga oh! "Hi Amy!" bati ni Aly sa kaniya, "Hi ate Aly." bati din sa kaniya ni Amy. "Ate Aly, how's Michelle? Is she fine?" tanong ni Amy kay Aly, "Englishera ka talaga ano? Oo, okay lang siya. Andun siya sa dorm ngayon." sagot ni Aly sa kaniya sabay ngiti. "Ah.. I'm just wondering if the both of you could help me with Michelle. I mean ate Aly, you have the biggest advantage because she's your cousin." sambit naman ni Amy tapos umupo siya sa floor, "Oo naman. Tutulungan ka namin kay Michelle." sambit ni Aly tapos ngumiti siya kay Amy. "Really?! Cool! Woohoo! Thanks guys! I love you!" sigaw ni Amy tapos tumakbo siya sa taas. Tumawa lang kami ni Aly kasi nakyutan kaming parehas sa reaksyon ni Amy, "Ang cute naman ng pinsan mo." sambit ni Aly tapos humiga siya sa akin, "Syempre.. Mana sa pinsan niya eh." sambit ko tapos tumawa ako. "Ay jusko. Nahiya naman yung gulo ng truck sa kapal ng mukha mo. HAHAHAHHAA!" pang-aasar sa akin ni Aly sabay kurot sa ilong ko. "Loko ka ah! HAHAHA!" tumawa ako tapos kinurot ko din yung ilong niya.

Ilang minuto din kaming naging tahimik tapos dumating na si mommy at daddy, "Oh.. Andiyan pala ang dalawang love birds." sambit ni daddy habang linalapag niya ang mga grocery sa lamesa. Pumasok si mommy tapos umupo siya sa may dining area, "Den. Andiyan na ba si Amy?" tanong ni mommy, "opo. Asa taas po." sagot ko. Tumayo si mommy tapos umakyat siya sa taas, "daddy. May problema ba si Mommy?" tanong ko. "Oo meron.. Nag-aaway sila ng tita mo.. Masyado na kasing napapabayaan ng tita mo si Amy.." sagot naman ni daddy. Umupo sa tabi namin ni Aly si daddy kaya umayos ng upo si Aly, "oh kamusta ka na Aly?" tanong ni daddy. "Eto, okay naman po tito. Masaya po, kayo po?" sagot ni Aly tapos tumingin siya sa akin, ngumiti ako sa kaniya. "Eto, okay din naman Aly. Masaya din." sagot ni daddy. Maya maya pa ay narinig na namin si mommy at si Amy bumaba sa hagdan, "Amy. You're going to stay here permanently. I don't want you to live with your mother. She's irresponsible." sambit ni mommy. Tumango tango naman si Amy tapos nakangiti siya, "Mommy. Babalik na kami ni Aly sa dorm bukas, kasama ko yan si Amy." sambit ko tapos humarap na ulet ako sa tv, "Oh sige.. Amy, be a good girl, okay?" sambit ni mommy tapos hindi namin ineexpect na bigla siyang ihuhug ni Amy. Natouch ako sa ginawa ni Amy, kasi hindi niya naramdaman yung ganitong love sa nanay niya.. Tama si mommy, napakairesponsable ni tita. Lagi niyang pinapabayaan yung anak niyang si Amy, nakatuon lang yung pansin niya dun sa mga half siblings ni Amy.. Yung mga anak niya sa pangalawang asawa niya. Hindi bagay si Amy dun, baka mag-asawa toh ng maaga eh.. Ayoko namang mangyari, gusto ko magkaron ng magandang future yung pinsan ko noh. Haaay.. Hirap talaga pag meron kang iresponsableng magulang.. Hindi ko naman masisisi si Amy dahil hindi naman siya makakapili ng magulang niya...

=============================================================================

AUTHOR'S POV

Ngayong iniwan na ni Aly si Jovee, magiging masaya na kaya sila ni DenDen? o panibagong pagsubok na naman ang kanilang haharapain.. Ano kaya ang mangyayari kay Amy at kay Michelle?

ABANGAN.....

=============================================================================

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon