Chapter 2

171 3 0
                                    

Chapter 2

--Zian’s POV—

            Hay naku kahit kelan talaga parati akong tinatarayan ni Claire. Hihiram lang naman ng cellphone niya kasi battery empty ang phone ko. Kaasar talaga!

Minsan nagugustuhan ko ang pagkataray niya. Minsan naman hindi, sumusobra na kasi siya eh. I think kilala nyo na ako. Pero sa tingin ko naman in an insulting introduction ang ginawa ni Claire sakin. Hahaha ok lang kung malaman niyo ang bad side ko sa kanya.

            I’m Zian Rodriguez, classmate at future husband ni Claire. Oo panget ang itsura ko at pag-uugali ko, pero ginagawa ko lang toh to see how would she interact with a guy like me in this situation. And so far, ang panget!! To tell you the truth, nung high school pa ako, ako ang heartthrob. Tinitilian at hinahanap-hanap ng mga girls. Pero nung nalaman ko na lilipat ako sa school ni Claire para makikilala ko daw ang future wife ko, may naisip akong paraan para ako’y kamuhian niya. Sumang-ayon naman ang parents ko para daw makita nila ang totoong pag-uugali niya. Kaya eto ako ngayon, nagdisguise ako na panget na nerd.

            Nung una kong makita si Claire, na-love at first sight ako. Tinamaan ako ng pana ni Kupido. Ang ganda kasi niya, mala-anghel ang istura, inosenteng-inosente, parang masayahin. Almost perfect na siya eh. Kaso…

            “H-hi m-miss, anong p-pangalan m-mo?” hiyang-hiya ko pang sabi. Ano ba Zian? Bakit ka kinakabahan?

            “Huh? Eeww sino ka ba? Layuan mo nga ako! Ayoko maging kaibigan ang isang nerd na katulad mo noh. You’re not even near to my level.” Taray naman niyang sabi sakin.

            Ouch. Itong gwapo kong toh, kinamumuhian niya? Aah oo nga pala, nakadisguise ako. Tokwa naman oh! Sure panget nga talaga ang disguise ko. Pero naturn-off naman ako sa pag-uugali niya. Kala ko maganda ang first impression ko san kanya pero hindi pala. Ganun pala siya makipagkaibigan sa mga nerd. Ang ganda ng ugali niya infairness XD. Mala-anghel nga ang itsura, pero mala-demonyo naman ang ugali niya.

----

            “Mom, gusto ko nang bumalik sa dati kong school!” alburoto kong sabi sa parents ko habang nasa living room sila.

            “Huh? Bakit naman anak?” nag-aalalang tanong ni mommy.

            “Kasi naman yung soon-to-be kong asawa…” agad namang sumingit ang magaling kong dad.

            “What about her? Isn’t she great?” sabay pindot ng remote without looking at me.

            “Great? Dad ang panget ng ugali niya. Sobra!” irita ko namang sabi.

            “Anak, baka naman mali yung first move mo sa kanya.” At talagang tinatanggol pa ni mama yung babaeng yon.

            “Ma naman eh, kilala mo naman ako diba? Gentle ako pagdating sa mga babae.” Sige Ma, defend my soon-to-be-wife.

            “Sa ayaw at sa gusto mo Zian, di ka magtratransfer. Palagi mong magiging classmate si Claire kahit na anong mangyari.” Kampanteng sabi naman ng dad ko.

            “P-pero dad…” agad namang tumayo si dad ko para umalis ng living room.

            “This discussion is over!” sabi niya nung nasa tabi na niya ako at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

            “Mom, wala ka bang gagawin?” nagmamakaawa na ako sa mama ko para ibalik lang ako sa dati kong school.

            “Anak, you need to know Claire a little bit more. Don’t be deceived at what she will treat you.” At umalis na rin si mama sa kwarto, leaving me in this silent room thinking of what will I do next.

            Wala naman akong ibang choice kundi mag-aral dun sa school ni Claire. Forever akong nasa tabi niya? God spear my life. Di ko kakayanin ang demonyo niyang ugali.

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon