Chapter 6

113 2 0
                                    

--Zian’s POV—

            Pagdating ko sa bahay, dumeretso agad ako sa kwarto ko para tanggalin ang disguise. Wew, grabe talaga tong disguise ko aabutin akong isang oras para ihanda at ilang minute lang para matanggal. Pero kelangan ko pa rin tong gawin para kapag good vibes na kami, di ko na toh gagamitin ulit. Kaso 2 years ko na tong ginagawa wala paring pagbabago. Well, except kanina na parang gumaan ang loob niya sakin. Dapat lang kasi ako lang naman ang tumanggol ng buhay niya kagabi.

*FLASHBACK*

            “A-aray! H-help!! Tulong!! S-saklolo!!” parang pamilyar ang boses na yun ha?

            “Ha? Claire? Ikaw ba yan?” agad akong tumakbo kung saan galing ang boses na yun.

            Takbo ako ng takbo pero di ko makita kung asan si Claire. Sisigaw na sana ako kaso narinig ko ulit ang sigaw niya.

“Zian!!! Asan ka ba?! Kelangan kita ngayon please!!” tinatawag niya ako? Talagang nasa peligro siya.

Nang makarating ako kay Claire, may nakita akong isang lalaking aakma ng halik sa kanya. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at simulang bugbugin. Kahit masakit ang mga kamao ko, pinilit ko pa ring bugbugin ang rapist na yun.

“Umalis ka na dito kundi tatawag pa ako ng pulis?!”

Agad naman umalis ang rapist at humarap kay Claire. At dahil sa madilim ang paligid alam kong hindi niya ako nakikita at hindi niya makikita ang totoo kong anyo. Parang ang panget lang ng totoo kong anyo XD

“Clai este Miss ok ka lang?” muntik pa akong madulas.

“A-ah okay lang ako. S-salamat ha?”

“Wala yon. Kung gusto mong pumunta sa park, wag kang dadaan dito. Maraming nangyayari ditong kababalaghan lalo na’t pag gabi.” Hay kala ko naman buking na ako. Gusto ko talaga siyang ihatid kaso baka malaman niya kung sino ako, mahirap na.

“Salamat ulit. Ano pala ang pangalan mo? I have to acknowledge you sa pagtanggol sakin.” Oh no. anong palusot ang gagawin ko?

“Wag mo nang alamin. Magkikita ulit tayo. Soon.” Tumalikod na ako at naglakad ng mabilis para di na ako habulin.

*END OF FLASHBACK*

            Kung di ko ata yun ginawa, baka marape na siya at lalo pa kami mag-aaway. Hay, sana tuluy-tuloy na tong kabaitan niya sakin. Di ko na talaga kasi matiis ang mala-demonyo niyang ugali.

            Kinabukasan, pumasok na ako sa school. Ako palagi ang maagap. Kelangan eh, ako nga ang nerd diba? Pero laking gulat ko naman ang naabutan ko sa room, nakita ko si Claire. At siya lang ang tao sa room. Panic mode. Ano bang sasabihin ko? Ugh think Zian think >.<

            “Umm… Good morning mahal na prinsesa!” anak ng.. bakit yun pa ang sinabi ko? Wala na! Mababadtrip na naman siya sakin. Tanga ka talaga Zian.

            “Good morning din Prince Charming” sabay smile sakin at she looked away. What did he just call me? Naglinis naman ako ng tenga ha?

            “Aba.. hindi na sakin galit ang mahal kong prinsesa ha? Dahil ba yan sa dinuguan ha? :D” gusto ko talaga siyang iritahin. Di kasi ako komportable na ganyan siya eh. Ugh ano bay an Zian kanina gusto mo siyang maging mabait sayo ngayon gusto mo naman siyang mainis. Ano ba talaga?

            “Heh. Ano ka ba Zian? Bawal na ba akong maging mabait sayo?” boom! Parang nabasa niya ang nasa utak ko ha? Mind reader ba siya?

            “Ahh.. heheh di joke lang :P  Pero ano ba ang nangyari sayo at bigla ka na lang nagbago?”

            “Nung gabi kasi na naholdap ako, akala ko mawawala na ko dito sa mundo. Buti na lang there’s someone who saved my life thou di ko naman nakita ang mukha niya…” ako yun ha? Dahil lang sa pinagtanggol ko siya nagbago siya? Wow naman lakas pala ng saving powers ko haha XD

            “Ahh ehh alam mo ba ang pangalan niya?” masyado naman akong playing safe hehe

            “Hindi eh. Gusto ko siyang makita muli. Gusto ko siya makilala at magpasalamat ulit.” Pano kung sabihin ko sa kanya ang totoong nangyari?

            “Ano.. Claire may sasabihin sana ako” eto na there’s no turning back.

            “Huh? Ano yun Zian?”

            “Kasi Claire ako yung….”

            “GOOD MORNING MY FELLOW CLASSMATES!!! ^_^”masiglang bati ng class president namin.

            Anak ng tokwa naman oh. Eto na sasabihin ko n asana yung sikreto ko pero ito namang president namin parang nakadrugs everyday. Eh ang hyper kaya. Di siya nauubusan ng energy. Di ko na rin nasabi ang gusto kong sabihin Claire kasi agad siyang sumingit samin at nakipagchismisan. Baka hindi pa pwedeng ngayon ko sabihin sa kanya ang lahat-lahat. Hayyy kelan ko kaya ito sasabihin? -_-

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon