Chapter 8

123 1 0
                                    

--Claire’s POV—

            “Bestfriend!!!” sigaw naman ang bestfriend ko na tumatakbo palapit sakin.

            “Huh? Ano yun bestfriend?” gulat ko namang sabi.

            “Woo! Teka lang. 5 seconds…” sabi niya habang hingal na hingal.

            “Ok na ko hehe. Balita ko nagiging malapit na kayo ni Zian?” sabay niyang ngiting sabi.

            “Ahh yun ba? Para lang dun hinabol mo ko?”

            “Ano ka ba bestfriend? Ayoko kayang mahuli sa balita lalo tungkol sainyong dalwa.”

            “So how’s it going?” sabay hawak sa mga kamay ko at nagpuppy eyes.

            “Ah-eh ano k aba bestfriend bitawan mo nga ako.” Agad ko namang hugot ng mga kamay ko.

            “Sabihin mo na kasi. Promise di ko ikakalat.” At tinaas niya ang kanang kamay niya.

            “Sige na nga. Ganito kasi….”

            Ikinwento ko sa kanya yung nangyari pagkauwi galing sa kanila at yung pagpraktis ko.

            “Ano?! Hinalikan mo si Zian?!” sigaw naman siya. Di halatang gulat noh? XD

            “Ano ba bestfriend. Tumahimik ka nga isa pa. Isa pa sa pisngi lang naman.” Agad ko naman tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.

            “dwasdwsd wdwdrobvjbr” sabi ni Bea. XD

            “Anong sabi mo?”

            “Sabi ko baka may pagtinggin ka na kay Zian.” Sabi niya pagkatapos niyang higitin ang kamay ko sa bibig niya.

            “Baliw! Di ako magkakagusto sa isang nerd na kagaya niya noh. Pagkasama ko kasi siya parang kasama ko yung lalakeng nagligtas ng buhay ko.” Sabi ko ng mahina.

            “Sus! Baliw na baliw ka pa rin dun sa lalakeng yun, eh di mo nga nakita ang pagmumukha nun.”

            “Oo na ako na ang baliw sa kanya. Siya kasi ang Knight in Shining Armor ko.”

            “KISA ka dyan. Pano kung panget siya?” KISA = Knight In Shining Armor

            “Huh? Di naman siguro..”

            “See? Tumitingin ka pa rin sa physical appearance kahit na alam mong mabait ang kalooban ng isang tao, gaya ni Zian.”

            “Mabait si Zian? Kahapon lang yun naging mabait. Previous days, puros gulo ang hanap niya saken.”

            “Kahapon lang yun naging mabait kasi mabait ka rin sa kanya.”

            Pagkasabi niya nun, narealize ko rin na nagiging mabait na ko sa kanya.    Bakit parang feeling ko siya yung lalakeng nagligtas sakin? Ugh imposible yun. Iba naman ang trato ni Zian sakin. Kung si Zian man yun, di sana sinabihan niya ako ng “mahal na prinsesa” nung gabing yun. Pero hindi diba? Kaya imposible yun.

--

            Babalik na sana ako sa room ko, kaso nakita ko ang mga classmates ko na nagsisilabasan ng room.

            “T-teka, president ano ba ang nangyayari at nagsisilabasan kayo?” taka kong tanong.

            “Di mo ba nareceive text ng Joey, PIO natin? Wala na tayong pasok kasi masama ang pakiramdam ng teacher natin kaya maaga tayo dinismiss.”

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon