Chapter 9

105 2 0
                                    

--Claire’s POV—

            Pagkauwi ko galing sa park, agad akong pumunta sa kwarto ko at nakahandusay sa likod ng pinto. Bakit ba ako nagmamadaling pumasok sa kwarto ko? Tapos pumunta ako sa banyo para magpalit at maghilamos. Wala na akong ganang kumain kahit na pagod ako galing sa park. Agad naman akong humiga sa kama at napaisip.

            “Bakit bigla na lang bumait si Zian sakin?” tanong ko habang nakahinga at yakap-yakap sa unan habang nakatingin sa kisame.

--Saturday—

            8am na pala. Agad naman akong bumangon at bumaba ng kwarto para mag-almusal. Nakita ko lang ang si manang na naghahanda na ng pagkain. Ang parents ko still sa travel business pa. Hayyy miss ko na tuloy sila. Pagkatapos kong kumain, dumeretso na ako sa kwarto ko at humiga ulit. Still thinking of what happened to Zian. Biglaan naman kasi siya nagbago eh. Di ako sanay at komportable. Pero tama naman yun diba? At least di na siya nagpapasaway sakin.

            Bigla na lang may narinig akong doorbell. For sure si Zian yun, tutor na naman kasi namin ngayon. Agad naman akong bumaba papunta sa mini-library room para dun ako maghintay sa kanya.

            “Good morning my princess!” masiglang bati niya sakin.

            “Morning.” Tamlay ko namang sabi habang nagbabasa ng anatomy book. Lumapit siya at hinigit ako papuntang kwarto ko.

            “H-hoy ano ba na naman toh?” gulat kong sabi habang kinakaladkad niya ako. Again with the higit thing? Bigla niya akong tinulak sa sa kama at nagsimulang humalungkat sa closet ko. Agad naman akong tumayo at tinulak siya palayo.

            “Ano ba Zian? Anong ginagawa mo sa mga damit ko? Susuotin mo ba? Alam mo naman siguro na walang magkakasya sayo dyan?” agad ko namang sinarhan ang closet ko. Baka may makita pa siyang iba.

            “Tsk. Mag-ayos at magbihis ka. Gusto ko magsuot ka ng dress, yung parang floral. Gagala tayo.” Sabi niya habang nakasandal sa gilid ng closet ko.

            “Aba at sinasabihan mo pa ako kung anong susuotin ko. Bakit ba? Akala ko ba may magtututor ka ha?” sabi ko habang nakacross arms.

            “I-cancel na natin. Lalabas tayo kaya magsimula ka nang magbihis at mag-ayos.”

            “Habang nandito ka sa loob ng kwarto ko?”

            “Bakit di ka ba makakabihis habang nandito ako?” sabi niya nung nilapit niya mukha niya sakin. Bigla ko na lang napansin na nawala na yung mga pimples at freckles sa mukha niya. Naalala ko na lang bigla yung mga sinabi niya.

            “Ugh Pervert!!!” agad ko siyang tinulak at pinilit ko siyang ilabas sa kwarto ko.

            Agad naman akong nag-ayos at nagbihis, baka pumasok ulit siya. Suot ko yung floral dress na tube & flowy na knee-high lang ang haba at wedge shoes na beige. Ginawa kong curly ang buhok ko at konting powder sa mukha at  light lipstick lang yung di masyadong halata. Pagkababa ko ng kwarto, agad umiling sakin si Zian. Napanganga naman si Zian nung nakita niya ako.

(-//__//-  ) --- Ako

(O__O) --- Zian

            “Ano ba? Wag mo nga akong tignan ng ganyan baka matunaw ako noh. Tsaka pakisarhan mo bibig mo, baka may pumasok na langaw.” Wala akong ibang maisip na alibi para wag siyang tumigil siya sa ganung expression.

            “A-ahh sorry. Jaw dropping kasi itsura mo ngayon hehe.” Sabi niya habang kinakamot ang ulo niya.

            “Tara?”

            Agad naman akong inalalayan ni Zian palabas ng bahay. Laking gulat ko na lang na may nakaparadang kotse sa harapan ng gate namin.

            “Oh ano? Di ka pa papasok?” sabi niya nung sumilip sa window beside sa driver’s seat.

            “A-ah oo eto na” agad naman akong sumakay. Kasi di ko alam na nagdri-drive siya.

            Nagstart na ang engine at nagsimulang umandar. Ang tahimik sa loob ng kotse. Di kasi siya nagpapatugtog. Di rin naman kami umiimik. Nakatingin ako sa gilid ng window at siya naman tutok sa kalsada. Ang awkward talaga. Nakakabingi ang sobrang katahimikan. Cellphone ba kami at nakasilent mode? Ako na ang mag-iingay para matapos na ang katahimikan na to.

            “Z-zi..”

            “Andito na tayo.” Anak ng.. magsasalita n asana ako bigla ka namang sisingit. Agad naman ako umiling sa labas at nakita ko na lang na nasa enchanted kingdom na kami.

            “Dito tayo gagala?” nagsmile lang siya at sabay lumabas. Ok.. ang weird -_-

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon