Chapter 11

127 3 2
                                    

--Bea’s POV—

            Hay I’m so bored!!! Wala naman ako magawa sa bahay eh. Puros na lang kain-tulog kapag weekends. Mabuti pa kaya gumala ako. Alam kong di pwede gumala ngayon si Claire kasi may tutor pa yun sa pinakamamahal niyang si Zian :P. Pero san naman ako pupunta? Tinignan ko ang wallet ko at may lamang 5k. Hmmm… ano kayang pwede kong gawin sa 5k? Ahh alam ko na magpapaka-immature ako sa Enchanted. Hihihi kahit wala akong kadate ayos lang, at least mag-eenjoy ako sa mga rides dun. Nagbihis na ako at lumabas ng bahay. Naghanap ako ng jeep na masasakayan. Pagkarating ko sa Enchanted, bumili ako ng ride-all-you-can ticket. Hahaha eto na magsisimula na ang aking pagka-immature XD. Syempre inuna ko ang favourite kong ride, ang Space Shuttle. Grabe ang tili ko parang mawawalan ako ng boses. After dun pumunta muna ako sa isang stall para bumili ng maiinom. Habang naglalakad, may nakita akong pamilyar na mukha. Lumapit ako ng konti para tignan kung sino yun. Aba at nakita ko si Zian. May dala-dala siyang slurpees papunta sa isang table. Bumugad naman sakin si Claire. Akala ko ba may tutor class tong dalwang toh? Kinancel ata. Hehe magiging spy ako ngayong araw na toh. This is gonna be interesting.

            Sinuot ko ang sunglasses ko para di ako mabuking. Mga 5-7 people ang layo ko sa kanila. Sinakay ko lahat ng rides na sinasakayan nila. Aba at pumunta sila sa isang horror attraction ha? Makapasok nga. Kitang kita ko si Claire na yakap na yakap kay Zian. Haha matatakuting bata talaga oh. Eto naman si Zian kung makaakbay sa bestfriend ko wagas! Haha masyado naman akong kinikilig sa nangyari. Hanggang sa paglabas nakayakap par rin si Claire ayaw bumitaw kahit na sinabi ni Zian na nasa labas na sila hahaha. Pumunta sila sa malapit na stall at bumili ng tubig. Lalapit na sana ako ng konti kaso may bigla saking bumangga. Ayun at napaupo ako sa sahig.

            “H-hoy ano ka ba ha? Ang laki ng daan namumunggo ka? Sinasadya mo ba yun ha? Di ka man lang nag-sorry!”

Sabi ko habang tumatayo sa pagkaupo. Agad naman umiling ang lalake at tinanggal ang shades niya. OMG!!! Si Fred, ang heartthrob sa school namin na super crush ko. OMG, OMG, OMG. Anong gagawin ko? DX

“Hehe sorry miss ha? Naghahabol kasi ako sa isang chicks na nakita ko kanina.” Huh? Chicks? Nandito naman ako noh. Di mo ba ako nakita?

“So mas importante pa ang chicks na yun kesa sa taong binunggo mo ha?” lumapit ako sa kanya at tinaggal ko ang shades ko. Akala niya porket crush ko siya di ko ipagtatanggol ang sarili ko sa kanya?

“Hehe matapang ang isang toh ha?” sabay ngiti niya sakin. Namumula na ba ako? Gusto ko kasing tumili sa ngiti niya :P

“M-mag-sorry ka na dali bago pa bumago ang isip ko.” Baka dalhin na kita sa bahay ko at dun ikulong hahah XD

“At bakit naman ako mag-sosorry?” bigla naman niyang nilapit mukha niya sakin. Sheyt naman oh. Eto nan gang sinasabi ko eh. Agad ko siyang tinulak baka matunaw pa ako sa ginagawa niya.

“Mag-sorry ka sabi eh. And I want a sincere one!”

“Haha ano ako tanga para mag-sorry?” aba at ang tapang netong lalakeng toh.

“Di ka magsosorry?!” agad ko namang hinila ang kwelyo niya at aakmang suntukin.

“Woah-woah. Wag na wag mong sirain ang mukha ko. Yan ang tanging asset ko sa mga chicks.” At ang kapal talaga ng mukha neto. >.< Inalis niya ang kamay ko sa kwelyo niya at inayos ng konti. Hinawakan niya baba ko para tignan siya at linapit niya mukha niya sakin.

“Alright. I’m sorry ok? I’ll make it up to you soon. I know we will meet again, Beautiful.”

 Sabi niya sakin. Nagsmile siya at lumakad palayo sakin. I was stunted of what he just said. Tulala lang akong nakatayo dun habang tinitignan ko siyang lumalakad na nakapamulsa. After kong magkamalay, namumula na ako at kinikilig sa nangyare. Did he just call me Beautiful? As in Maganda? Napansin ang kagandahan ko ni super crush? Ayiiieee ano ba?? Nababaliw naman ako eh. Tumitili ako habang naglalakad. Di ko kasi maalis sa isipan ko ang sinabi niya.

“I know we will meet again, Beautiful.”

Ano ba? Paulit-ulit na lang oh hahaha grabe ang kilig ko. Tagos hanggang buto. Bigla na lang sumagi sa isip ko sina Claire at Zian. Nakalimutan ko na ang pag eespiya ko sa kanila. Agad ko naman silang hinanap pero wala. Kay laki naman kasi ng Enchanted para mahanap ko sila. Nang di ko na talaga sila makita, umalis na lang ako at umuwi. Agad akong tumakbo sa kwarto ko at tumalon sa kama. Tinakpan ko mukha ko gamit ang unan at nagsimulang tumili. Grabe hanggang ngayon may hang-over pa ako dun sa sinabi ni super crush sakin.

“I know we will meet again, Beautiful.”

Hayy grabe na toh. Ako na ang kinikilig ng sobra. Sino ba naman kasi ang di kikiligin sa sinabi ng crush mo na maganda ka diba? Gusto ko ulit pumunta ng Enchanted para makita ko ulit siya. O di kaya pumasok na ng school para abangan sa gate hihihi. Di na talaga ako mapakali.

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon