Chapter 14

94 1 0
                                    

--Claire’s POV—

            Bumalik na ako sa classroom namin para ma-excuse ko na si Bea. Ayaw ko kasi maging julalay niya sa kanyang precious date hihi. Pagkarating ko sa room, nakita ko na si Sir na nagtuturo. Ayy naku lagot! Strikto pa naman itong Prof namin.

            “MISS SMITH YOU’RE LATE!” pasigaw niyang sabi. Talagang ipapahiya ako netong Prof na toh.

            “Sorry po Sir, kakatapos ko pa lang po kasi magsnack.” Sabi ko habang nakayuko.

            “Oh sya! Maupo ka na dun bilis!” sabay turo sa upuan ko.

Mabilis naman akong naglakad papunta sa upuan ko. Tinatamad naman ako makinig sa klase kaya nagdoodle na lang ako. Eh sa walang magawa :P

            “By the way, where’s miss Santiago?” sabi ni Sir nang nakita niya na walang nakaupo sa upuan ni Bea.

            “Ahh Sir, nasa clinic po kasi siya ngayon. Bigla na lang daw kasing sumakit yung puson niya at nagsuka.” Eto na ngang sinabi ko kay Bea na gagawa na lang ako ng excuse sa kanya.

            “Pano mo nalaman?” at parang nakahalata siya sa aking kasinungalingan.

            “Sir, hinatid ko po siya sa clinic. Pagkatapos nun, nagsnack lang ako dahil sa hindi po ako nag-almusal. Kaya at the same time po, nalate ako sa klase niyo.” Hahaha ang galing ko talaga magsinungaling XD

            “Sige sige. Sabihan mo na lang si Miss Santiago na kailangan ko yung clinic slip niya next meeting.”

            “Ok po Sir.” Hahaha effective ang aking pagsisinungaling.

            Tapos na ang klase. Pumunta muna ako sa mall para mag-aliw aliw. Maaga kasi kaming nadismiss. Di ko na tuloy nakita si Zian pero ayos lang. At least nobody is gonna bother me hehehe. Bumili na lang ako ng ice cream tsaka naglakad-lakad lang sa mall. Dahil sa marami akong nakikitang maganda, bigla na lang ako nakabangga ng tao. Ayan tuloy parehas kaming napaupo sa sahig. Clumsy me :P

            “A-aray ko naman.” Sabi ko habang hinihimas ang bewang ko.

            “S-sorry miss di ko sinasadya.” Sabi ng isang pamilyar na boses.

            “Hindi kasalanan ko naman eh. Di kasi ako tumi…” sabi ko nung nakita ko ang mukha niya. Isang gwapong lalaki. Nakatitig lang ako sa kanya habang inaalalayan niya akong tumayo.

            “Ahhh miss okay ka lang? wala bang masakit sayo?” namalayan ko na lang nang marinig ko ang boses niya.

            “Ahh oo. ayos lang ako. Sorry po!”

            “Hindi ayos lang. ako dapat ang magsorry eh. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.” Sabay kamot niya sa ulo.

            “Hindi ako dapat ang magsorry kasi..”

Sasabihin ko na sana ang dahilan ko kaso nakita ko na pinupunasan niya yung t-shirt niya ng panyo. Ayyy naku lagot ka Claire, natapunan mo ng ice cream itong gwapong lalaking toh >.<

            “Ayy naku.. Sorry po talaga! Natapunan pa kita ng ice cream.” Gwapo pa naman tong natapunan ko. I’m sure galit na toh sakin.

            “Hindi ayos lang. pupunasan ko na lang toh.” Sabi niya habang pinupunasan ang t-shirt niya.

            “Hindi. Halika punta tayo sa mga t-shirt section. Bibilhan kita ng t-shirt. Kasalan ko rin naman eh. Doble pa ata kasalanan ko sayo.”

            “Naku wag na miss… O-oyy teka lang.” hindi ko na siya pinasalita at hinila ko na lang papunta sa bilihan ng t-shirt.

            Ako na nagpili kasi nakakahiya naman kung siya ang pipili. Kinuha ko tong Iron Man na t-shirt. Yung may ilaw lang na bilog sa may chest ang design.

            “Eto oh suotin mo. Alam kong kasya to sayo.” Sabi ko nung binigay ko yung t-shirt sa kanya.

            “Eh miss wag na nakakahiya naman sayo.” Habang hawak-hawak niya yung t-shirt.

            “Ayy naku wag ka nang maarte. Kasalanan ko ang lahat kaya bumabawi ako sayo. Sige na punta na sa changing room. Tignan na lang natin kung kasya.” Sabi ko nung tinutulak ko siya papunta sa changing room.

Hinintay ko na lang siya sa labas para di ako mamboso. Hahaha kahit gustuhin ko di pwede, good girl ako at binabayaran ko lang naman yung kasalanan ko sa kanya. Nakita ko na siyang lumabas ng changing room habang kumakamot sa ulo niya. Ang cute niya, lalo tuloy siya gumwapo nung sinuot niya yung t-shirt. Nagsmile lang ako sa kanya at niyaya papunta sa cashier para bayaran yung t-shirt.

            “Ako na lang ang babayad miss.” Nung bubunutin na niya wallet niya, pinigilan ko.

            “Wag na ako na lang. Diba sabi ko sagot ko na lahat? Again, kasalanan ko kaya nangyari sayo toh.” Kinuha ko na yung wallet ko at inabot yung pera sa cashier.

Pumunta naman kami sa KFC. Siya naman daw ang babawi sa kabaitan ko sa kanya. Ayiiieee… parang magdadate lang kami neto hihi…      

“Umm salamat miss ha? Nakakahiya naman sayo.”

            “Naku okay lang sakin. Ako nga pala si Claire. Ikaw?”

            “Zi… este Zack.”

            “Huh? Hmmm… Well, Nice meeting you Zack.” Sabi ko nung inalok ko ang kamay ko na senyales ng shake hands.

            “Nice meeting you rin miss este Claire.” At nashake hands siya sakin.

Then awkward silence…       

“Alam mo parang pamilyar yung boses mo sakin?” sabi ko para matigil ang silence na toh.

            “Hmmm bakit naman?” sabi niya bago pa siya sumubo.

            “Parang ikaw kasi yung lalaking nagligtas sakin nung papunta ako sa park.” Then sumipsip ako ng ice tea

            “Ahh so ikaw pala yung babaeng muntikan nang irarape hehe.”

            “Oo hehehe. Ikaw pala yung lalaking yun. Salamat ulit sa pagligtas mo sakin ha? Tamang tama pala yung ginawa ko. Nakabawi na ako sayo hehe.”

            “Hehehe sabi ko nga diba magkikita ulit tayo. Tama din ako.”

            “Isa pa parang may kamukha ka…”

            “Huh? Sino naman?”

            “My soon-to-be-husband na nerd…” and I gave a sigh and pouted my lips.

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon