Chapter 22

67 0 0
                                    

--Claire’s POV—

            Nasa higaan lang ako, busy sa pagmememorize netong script.

“Karl… I… love… you… so much…as grasping for her last breath and slowly dies. Hayy naku… Bakit mamamatay ang bida dito? Eh ang ganda naman ng story. Makakapamuhay na sila ng normal, mamamatay pa yung babae… tsk.”

            Nang bigla na lang nagvibrate ang phone ko. Nang tinignan ko, si Zian tumatawag.

            “Uhmm… Hello Zian, bakit?”

            “Ahhh… Claire, libre ka ba bukas?”

            “Hindi ako sigurado eh. Kelangan ko kasi i-memorize tong script ko. Bakit?”

            “Ano ka ba? Eh next month pa tayo magpeperform nyan.”

            “Oo. Pero 1 month lang tayo binigyan para magprepare. Hindi tayo pwede magsayang ng oras… Teka, bakit mo nga tinatanong kanina? Anong meron?”

            “Uhhh… Wala naman, gusto ko sana mag-aliw-aliw bukas. Gusto mo sumama? Hehehe”

            “Ha? Eh… kasi…”

            “Sige, susunduin kita bukas. Ok see you tomorrow. Bye!”

            “Pero Zian…”

            Agad naman binaba ni Zian yung phone. Ano ba yan? Ayaw ko pa naman lumabas bukas. Tinatamad lang kasi ako eh. Wala naman ako magagawa so sasama na lang ako sa kanya bukas.

--Kinabukasan—

            Ok, I’m ready to go. Simple lang ang suot ko. Pink t-shirt na Hello Kitty, pantalon at nakasapatos. Make-up? Psshh… simpleng pulbo lang at lipgloss hehehe. Hindi naman ata engrande ang pupuntahan namin ni Zian eh. Nang bumaba na ako sa kwarto ko, sakto naman na nasa gate na si Zian.

            “Ohh… Andyan ka na pala. Ano tara?” sabi ko nung nasa gate na ako.

            “Ah sige tara na hehe.”

            “Teka san ba tayo pupunta?”

            “Hehe ako bahala :P” tapos nagdrive na lang siya.

            Dinala lang ako ni Zian sa isang park na di ko pa alam. Maganda naman yung park. Konti lang ang dumadalo pero maraming mga lovers na pumupunta dito. Teka, bakit ba ako dinala ni Zian dito? Eh hindi naman kami in a relationship ha? Bigla na lang ako hinawakan ni Zian sa kamay at kinaladkad malapit sa fountain.

            “Oh anong gagawin natin dito?” Binigyan na lang ako ni Zian ng piso.

            “Alam mo naman ata kung anong gagawin natin sa piso at sa fountain noh?” Tumango na lang ako.

            Tinignan ko na lang yung piso at humiling. Hiling ko na sana ang una kong makita ay ang true love ko. Matupad lang tong hiling ko, ako na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Tinapon ko na ang piso at ang una kong nakita ay si Zian na binigyan ng ice cream yung isang bata. Ang bait naman niya. Teka, una kong nakita si Zian?! o.O NOOOOOoooo!!!! Hindi toh pwede! Hindi pwede na si Zian ang true love ko. Kahit arranged pa kami, ayoko pa din T^T. Teka yung bata ata ang una kong nakita? Pero hindi pwede, ang bata pa nya. Ano ba yan Claire? Pati ba naman yung bata papatulan mo? Baliw ka na talaga.

            “Oh, bakit ka nagdradrama dyan? May masakit ba sayo?” tanong sakin ni Zian habang nakaupo lang ako sa tabi ng fountain na super depress.

            “Uhhh… Huh? Ah… Eh… W-wala…. Hahaha.” Eh panong hindi ako magdradrama dito eh ang natupad na agad yung hiling ko, and worse ikaw pa yun tsk.

            “Sus wag ka na dyan magdrama. Halika may ipapakita ako sayo.”

            “Ha? Ano naman yan?”

            “Wag ka na magtanong. Sumama ka na lang sakin. Dali.” at talagang hinihila niya ako sa braso. Hoy hindi ako aso >__<. Agad ko naman inalis ang mga kamay niya.

            “T-teka lang ha? San mo ba kasi ako dadalhin ha? At parang atat na atat kang puntahan yun?”

            “Wag ka na kasing makulit ok? Ganito na lang, asan yung hanky mo?”

            “Ha? Umm… eto oh.”

            “Good. Akin na.” Agad naman kinuha ni Zian yung hanky ko. Bilis naman ng kamay neto.

            “H-hoy teka lang. Blinfolded? Bakit?” agad naman nyang tinakpan ang mata ko gamit ang hanky ko. Ano ba toh?

            “Basta. Maganda tong pupuntahan natin promise.” For somewhat, gusto kong maniwala sa kanya.

            “Wag mo akong iwanan dito ha?” Agad ko naman hinawakan ang mga kamay niya.

            Teka, bakit parang may spark nung hinawakan ko ang kamay niya? Si Zian ba talaga ang nahawakan ko ng kamay? Alam kong kamay toh ni Zian. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Naku naman, anong nangyayari sakin? Bakit ba ako nagkakaganito? At bakit ngayon lang? hindi kaya nagsisimula na akong ma-fall kay Zian? Waaaaaaahhh!

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon