Chapter 12

104 0 1
                                    

--Claire’s POV—

            Ok nandito na kami ngayon sa Enchated, now what??? Bigla na lang akong hinila ni Zian papasok sa Enchanted. Bumili na siya ng all ride ticket. At hinila na naman ako sa unang ride, yung malaking coaster.

            “O-oy teka lang. Ayokong sumakay dyan!” sabay hila ng braso ko.

            “ Eh bakit naman? Maganda kaya dyan sumakay.”

            “Eh kasi….”

            “Kasi ano?”

            “Takot ako sa mga matataas na lugar.”

Mahina kong sabi. Oo takot naman talaga ako sa matataas na lugar. Natrauma ako nung bata pa ako eh. Bigla ko na lang narinig na tumawa siya at hinila ulit ako papasok.

“O-oy diba sabi kong takot ako sa mga matataas na lugar?!” talagang pumipigil akong sumakay ng coaster.

“Ano ka ba? Nandito naman ako eh hindi kita pababayaan I promise.”

“K-kahit na! may phobia ako sa mga ganyan.”

“Ayyy wag ka na mag-inarte dyan. You have to overcome your fear.”

At pinasakay na ako sa coaster. Siya na ang nalagay ng safety belt sakin at bigla niya akong hinawakan sa kamay.

“Hindi kita pababayaan.”

*SWOOOOSH*

Ayun at nagsimula na ngang umandar yung coaster. Hindi ko talaga yun naenjoy. Eh pano kasi the whole time, sigaw lang ako ng sigaw. Si Zian naman sobrang na-enjoy yung ride. Pagkatapos ng ride, humagulgol ako ng sobra sobra. Ikaw kayang hindi matakot dun? Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang takot.

“Oy tahan na oh. Wala na tayo sa ride.” Sabay abot ng panyo niya na agad ko namang kinuha.

“Huhu i-ikaw kasi.. s-sabi ko diba s-sayo na takot a-ako dun. huhu” hikbi ko namang sabi.

“Dapat kasi hinaharap mo yang mga takot sa buhay mo para maging strong ka. Eto oh bumili ako ng tubig namumutla ka na kasi sa kakaiyak mo.”

Oo nga noh? Pero kahit na. Sa tuwing hinaharap ko mga takot ko, naduduwag ako ng sobra.

Pagkatapos ko magdrama, pumunta naman kami sa Horror Attraction. Duwag rin ako dito. Takot ako sa madilim at sa mga mumu. Habang nandun kami sa loob, iyak at tili ang naririnig ni Zian. Yumakap na lang ako sa kanya ng mahigpit dahil una, ayokong mawala dun at pangalawa takot ako >_<

“Oh Claire nandito na tayo sa labas. Pwede ka nang bumitaw.”

“Ayoko… ayoko..”

Para talaga akong bata ayyy ewan. Agad naman siyang bumili ng tubig.

“Dito ka lang ha? Babalik ako agad.”

Tumango na lang ako at nakita kong pumunta si Zian sa isang stand at naglaro. Pagbalik niya, may dala-dalang isang malaking teddy bear.

“Eto oh sayo na si Ziare. Ingatan mo siya ha?”

“T-teka san mo naman nakuha ang pangalan na yon?” takang-taka ko naman na tanong

“Sa pangalan natin, Zian + Claire = Ziare!” sabay ngiti.

“Ang baduy naman ng pangalan iba na lang.”

“Wag na. At least unique ang pangalan niya tsaka siya na ang anak natin.”

“Loko ka rin noh?” tinignan ko yung teddy bear. Ang laki at ang cute. Sarap yakapin. “Hayy sige na nga. From now on Ziare is our baby.”

“Talaga?? Yess daddy na ako haha!” tuwang-tuwa ang mokong na toh. Talon naman siya ng talon.

“H-hoy wag ka ngang sumigaw. Hindi ka pa talagang totoong daddy.”

“Pero soon to be.”

Nagbigla naman ako sa sinabi niya. Di ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. Hay naku Claire mali na naman ang ginawa mo tsk.

“Uhmm.. Zian..”

“Ano yun mahal na prinsesa?” ayan na naman siya sa kanyang prinsesa thing.

“Pwede na ba tayo umuwi? Pagod na kasi ako.” Wala lang talaga akong masabi pagkatapos ko yun marinig na sinabi niya.

“Ahh sige masusunod po mahal na prinsesa.”

Agad naman kami pumunta sa kotse niya at umuwi. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Dumeretso na lang ako sa bahay. Ni hindi ako umiling para magsabi ng thank you o goodnight. Ang awkward kasi sa position ko na nabigla. Hay agad naman ako humiga sa kama habang nakatingin sa dingding.

Napapaisip lang talaga sa nangyari kanina. Magiging kami ba ni Zian o kami na ba? Ang alam ko lang may fixed marriage kami. Pero ano kaya ang iniisip ni Zian? Atsaka bakit siya nagiging mabait sakin? At parang nagbabago siya, hindi sa pag-uugali niya kundi sa itsura niya.

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon