Chapter 16

85 0 0
                                    

--Claire’s POV—

            Oo may kamukha talaga siya. Pero bakit si Zian ang naging kahawig niya? Di kaya siya at si Zian ay iisa? Hindi! Hindi naman yun mangyayari. Ang layo kaya ni Zian sa kalingkingan nitong gwapong lalaking toh noh.

            “My soon-to-be-husband na nerd…” and I gave a sigh and pouted my lips.

            “Huh? Soon-to-be-husband? Sino naman yang maswerteng lalaki? Hehehe” tapos sumubo ulit siya.

Pero bakit parang kinakabahan siya? O baka ako ang kinakabahan? Ayy wag mo na nga toh pansinin Claire. Di na lang ako nagsalita at binunot yung cellphone ko sa pocket ko. Ipinakita ko na lang sa kanya yung pictures ni Zian. Oopps nagtataka kayo kung bakit may pictures ako ni Zian noh? Di ko kaya toh pinagpapantasyahan gabi-gabi noh. Alam ko kasi na everyday may pictures tong phone ko ni Zian. Minsan ginagawa pa niyang wallpaper. Oh di ba nakakainis? Kaya gabi-gabi akong nagdedelete ng mga pictures niya.

“Ahhh hehehe so nerdy pala tong boyfriend mo? Matalino ba siya?” ibinalik niya ulit sakin yung phone pagkatapos niyang tignan at pagtawanan.

“Hmm oo matalino siya. Siya nga ang top sa klase namin. Isa pa di ko siya boyfriend noh. May arrange marriage lang talaga kami. Nakakainis nga.” Tapos yumuko lang ako.

“Hehehe bakit parang naiinis ka sa boyfriend mo?”

“Hindi ko nga siya boyfriend eh. Kaya ako naiinis sa kanya kasi di ko matagalan ang pagmumukha at ugali niya. Ang mean niya kasi.”

“Ok. Chilax lang. Baka nagpapanggap lang? Tsaka parang gwapo yang lalaking yan. Konting ayos at porma lang at magiging gwapo din yun sigurado ako.”

“Sus yun magpapanggap? Eh matagal na niyang ginagawang impyerno ang buhay ko. Tsaka kahit ganong ayos at porma yun, magiging pangit pa rin yun.” Tapos nagpout lang ako.

“Hay naku. Konting panahon na lang at makikilala mo talaga siya ng lubusan. Malay mo pati yung itsura niya magbago hehehe. Sige alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh. Salamat ulit sa t-shirt ha? Nag-enjoy ako ngayong araw na toh nang dahil sayo.” Nagsmile siya sa akin at tinap niya ang ulo ko. Ano ako aso? Pero parang ang cute ng scene na yun hehe.

Kinilig naman ako dun sa moment na yun. Tinignan ko yung phone ko. Nakalimutan ko pala…

“Zack!” sabi ko bago pa siya umalis. Umiling naman siya.

“Huh? Bakit?”

*CLICK*

            “Pinicturan mo ba ako?” sabi niya habang nakasmile.

            “Hehehe oo. Remembrance ko lang. Para maalala ko yung taong nagligtas ng buhay ko hihi.” Tapos tinago ko ulit yung phone ko.

            “Hehehe sige alis na ako ha?”

            “T-teka lang…”

            “Bakit?” umiling ulit siya.

            “May girlfriend ka na ba?” Ayy chicharon! Bakit ko yun natanong? Ang gaga mo talaga Claire.

            “Wala pa naman. Pero may nililigawan akong babae matagal na. Hanggang ngayon di pa rin niya ako sinasagot. Ang sungit niya kasi sakin. Dahil daw kasi kung minsan ang baduy kong pumorma at ang mean ko daw sa kanya. Pero kahit ganun siya, di pa rin nawawala ang pag-ibig ko sa kanya. Mahal na mahal ko kasi siya kahit na pinagtatabuyan niya ako.” Sa sinabi niyang yun, natahimik lang ako.

Una, dahil alam kong may nililigawan na siya. At pangalawa, parehas kasi siya ni Zian. Ganun na ganun sa sinabi niya si Zian. Di ko alam kung malulungkot ako dahil malapit na siyang maging taken o magiguilty ako dahil sa naalala ko ang mga ginagawa ni Zian sakin.

“Ummm sige Bye!"

“Ba-bye po. Sana magkita ulit tayo.” Hay sana nga.

            Nagwave lang siya at tuluyan nang umalis. Tinignan ko lang siya papalayo sakin hanggang sa nawala na talaga. Ako rin ay nagsimula nang maglakad palabas ng mall hanggang sa pumara ako ng taxi at nakauwi. Dumeretso ako sa kwarto ko at napahiga na lang sa kama. Ang saya talaga ng araw na toh. Nakilala ko at nabilihan ko pa ng t-shirt ang lalaking nagligtas ng buhay ko. Di ko rin pala inaakala na makikita ko ulit yung lalaking yun. Take note: ang gwapo niya infairness. Tinignan ko ulit yun phone ko. Nakita ko yung picture niya. Shiyet ang gwapo niya talaga! Ayyiee kinikilig naman ako hihi.

Hayyy kelan kaya ko ulit siya makikita at makakausap? Dahil sa nasobrahan ako sa kilig nakatulog ako hahaha XD.

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon