Chapter 5

128 2 0
                                    

--Claire’s POV—

            Pumunta ako kay Bea para sabihin kung anong nangyari sakin kagabi.

            “Ano?! Ba’t di mo ko tinext o tumawag?” alala niyang sabi habang pinupunasan ang sugat ko.

            “Aray! Eeh makakalabas ka ba ng cellphone sa gitna ng holdapan?”

            “Kahit na. Hay nanglaban ka pa kasi eh kung binigay mo na lang yang cellphone mo..”

            “Di sana di ko makikilala ang Prince Charming ko.” Lusot ko namang sabi sa gitna ng pagsisigaw niya sakin.

            “Huh? Prince Charming? Sino?” at talagang lumapit siya sakin na halatang gusto malaman kung sino.

            “Di ko kilala eh. Madilim kasi kaya hindi ko nakita mukha niya.”

            “Naman bestfriend? Ba’t di mo inilawan para makita mo mukha nun?”

            “Parang magagawa ko naman yang pinagsasabi mo. Pero pamilyar ang boses niya.” Sabay yakap sa legs ko habang nakaupo.

            “Pamilyar ang boses? Kilala mo ata siya.”

            “Di ko alam Bea pero sa boses niya parang matagal na matagal ko siyang kilala.”

            I sighed. Gusto ko talagang makilala ang Prince Charming ko. Umuwi na ko pagkatapos kong ikwento ang nangyari. Pagkauwing-pagkauwi ko, niyakap ako ng mahigpit na mahigpit ni Zian.

            “H-hoy Zian bitawan mo nga ako. Masusuffocate ako sa yakap mo eh” pilit ko namang kumawala sa yakap niya.

            “Aah s-sorry. Nag-alala kasi ako sayo kagabi. Tinatawagan kita di ka sumasagot.” Halatang worried siya.

            “O-okay lang ako n-noh.” Di ko alam kung maiirita ako o magiguilty sa ginawa ko dahil sa nag-worry siya.

            “Halika sinabihan ko na ang mommy mo na ipagluto ka ng favourite mong food.” At inaalalayan niya ako papasok ng bahay.

            “Dinuguan?!” excited ko namang sabi.

            “Oo. Alam ko kasing favourite food mo yun at alam kong di ka tatanggi dun lalo na kung luto ng mommy mo.” Sabi niya habang nakasmile at kumakamot ng ulo niya.

            Agad naman kami pumasok at kumain. Pagkatapos, inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko at inaalagan na parang bata. He treated my wounds and he stayed right beside me all day long.

“A-aray! Hinay hinay naman oh”

“Aah s-sorry. Masyado kasing malalim ang sugat mo eh. Just stay still.”

Tinignan ko mga mata niya. Grabe ang ganda pala ng mata niya kahit na nakaglasses siya. Kahit ang panget ng mukha niya, makinis naman ang balat parang baby’s skin.

Kilala ko siya for a few years, pero bakit parang kilala ko na siya ng mas matagal? He really knows my likes and dislikes. Kahit na pinagtatabuyan ko siya, hinding-hindi niya ako iniiwan. Ganito ba ako kalahaga sa buhay niya? Ano ba ako sa kanya? Ba’t di ko siya kayang pasayahin? Ano bang meron sa kanya at kaya ko siyang pilit na tinataboy?

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon