Chapter 7

123 2 0
                                    

--Zian’s POV—

            “Pare bakit bigla na lang naging mabait sayo si Claire?” sabi Fred, ang matinik sa chicks kong bestfriend, bago siya kumagat ng burger.

            “Ewan ko nga pare eh. Pero gusto ko na ang inaasta niya ngayon.” Actually alam ko naman ang nangyari eh ayaw ko lang sabihin baka ikalat pa niya.

            “Eh pano naman yang disguise mo? Di mo parin ba tatanggalin? Alam mo naman na mahirap makipagkaibigan sa isang nerd ang isang tulad ko na matinik sa chicks hahaha XD” sabay batok sa ulo niya.

            “Aray ko naman Zian! Hinaan mo naman ang palo mo. Ayan tuloy nasira ang hairstyle ko.” Sabay ayos ng buhok niya.

            “Wala akong pakealam dyan sa buhok mo. At di ko toh tatanggalin hangga’t hindi pa siya mabait sakin.”

            “Go out with her.” Agad naman akong umiling sa kanya.

            “Huh? Alam mo bang ilang beses ko na yan ginawa? And what do I always get? Rejections!” inis ko namang sabi at sumipsip ng juice.

            “Eh kasi palaging badtrip yang babes mo kaya palaging rejections ang nakukuha mo. Ngayon na good vibes na siya sayo gawin mo na. For sure di siya tatanggi sayo.”  Aba at naging matalino na tong chickboy na to.

            “Hmm. I think you’re right.”

            “Aba. Ako pa? syempre tong gwapo kong toh? Alam ko na ang mga pasikot-sikot ng girls hehe” sabay pogi pose ang bestfriend ko.

            “Hahaha. Ewan ko sayo. Sige mauna na ko. Hanapin ko pa si Claire.” At tumakbo na ko papunta sa music club niya.

            Pagkapasok ko ng club, nakita ko agad si Claire na naglilinis ng kanyang violin.

            “Uhh Claire tapos ka na magpractice?” sana oo… sana oo…

            “Umm di pa eh magsisimula pa lang ako. Kelangan ko kasi magpractice para sa competition ko next month.” Oo nga pala, siya kasi ang bet ng school namin na magcompete sa regionals.

            “Umm.. pwede ka muna tumambay dito at makinig sa practice ko.” Wow! Grabe na toh ha? Ganito itsura namin pagkasabi niya.

(-__-   ) <--- Claire

(O.O)  <----- Ako

            “Uhhh... s-sige ba.” Pumunta na lang ako sa gilid ng room para umupo at makinig sa practice niya.

            “Ano bang tutugtugin mo?”

            “Either Chaconne in G minor by Tomaso Antonio Vitali or Polonaise Brilliante No. 1 Op. 4 by Wieniawski” ngiti niyang sabi.

            “Huh? Pwede pakiulit?” gulo naman nun di ko kasi naintindihan.

            “Hehehe. Ganito na lang dinggin mo tong dalawa tapos sabihin mo sakin kung alin ang mas maganda ok?” Wow she’s asking my suggestion? Sana talaga ganito na lang palagi.

            “S-sige ba.”

            At nagsimula na siyang tumugtog. Tinitignan ko siya habang tumutugtog. Sumusod siya sa bawat tonong tinutugtog niya. Damang-dama talaga niya ang tugtog. Parang ang tugtog, ang violin at siya ay nagkakaisa. Pati facial expression niya sumasabay. Ang galing talaga niya. No wonder na siya ang naging bet ng school. Napapikit na lang ako sa pagtugtog niya dahil dinadamdam ko rin yun. Yung una niyang tinugtog parang kalmado lang na medyo madrama. Yung pangalawa naman medyo mabilis pero fun at enjoy naman. *Links on the side*

            “So, alin ang mas maganda?” napamulat na lang ako sa pagkasabi niya.

            “Ha? Eh para sakin yung pangalawa ang mas maganda. Naenjoy ko kasi yun. Yung una kasi ang kalmado.” Feeling ko expert ako sa pagsuggest haha XD

            “Ah.. yung Polonaise Brilliante No. 1 Op. 4 by Wieniawski. Hehe yun rin yung gusto ko.” Sabay niyang ngiti. Akalain mo yun parehas pa kami ng gusto? Haha :D

            “Ahh, Claire pwede request?”

            “Sige ano yun?”

            “Gusto ko kasing marinig ang Canon in D ni Pachelbel” hiya ko pang sabi.

            “Ahh yun. Yun lang ata ang alam mo sa classical music noh?” tumawa naman siya ng mahina.

            “Ahh hehe oo eh. Dun lang ako nacaptivate. Di naman kasi ako mahilig sa classical music.” Sabay kamot ng ulo at labas ng dila.

            “Sige sisimulan ko na.”

            Tinitignan ko siya habang tumutugtog. Ang ganda niya talaga. Napapangiti talaga ako sa tugtog na yan lalo na kung siya ang tumutugtog. Napakinggan ko na kasi siya dati nung tinutugtog niya yan. Dun ulit ako naturn-on sa kanya. Hehe napanganga pa nga ako nung nakita ko siyang tumutugtog ng violin. Hay ayoko nang matapos tong araw na toh.

            Napamulat na lang ako nang matapos na siyang tumugtog at nililigpit na niya ang violin.

            “Umm ako na ang magdadala niyan.” Kukunin ko na sana yung case kaso pinigilan niya ako.

            “Di wag na. masyado kasing delicate ang violin eh.” Ngiti niyang sabi.

            “Uhh ok.” Ayos wala na ako masabi :X

            “Oo nga pala Zian. Bakit ka pala pumunta sa club?” aww oo. Muntik ko nang makalimutan. Aanyayahan ko sana siyang kumain sa labas kaso madilim na kaya ihahatid ko na lang siya.

            “Ah-eh. Ihahatid sana kita pauwi eh.” Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa malayo.

            “Ahh ganun? Sige.” Di siya naghesitate? Okay.

            Habang naglalakad kami pauwi, kwento ako ng kwento siya naman rinig lang ng rinig. May konting tawanan at asaran naman. Parang close na talaga kami ng sobra eh. Nang makarating na kami sa bahay niya, nagpaalam na ako pero may sinabi siya.

            “Salamat Zian sa paghatid ha?”

            “Sus wala yun! Para sa mahal kong prinsesa gagawin ko yun.” Proud ko naman na sabi.

            “Hehehe” mahinhin niyang tawa tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

            “Sige papasok na ko ha? Umuwi ka na.” sabay niyang kaway at pumasok na ng bahay.

            Ako naman parang istatwa lang na nakatayo sa harapan ng bahay niya habang hawak-hawak ang pisngi at tulala. Hinalikan niya ako? Di ko naman yun hinihingi ha? Pero dahil dun masayang masaya akong umuwi sa bahay namin. Mga magulang ko naman ay natulala at nagtaka kung bakit ako ngiting ngiti habang hawak-hawak ang pisngi ko. Hay ito na ata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko :3

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon