Chapter 17

73 1 0
                                    

--Zian’s POV—

            Hayy salamat nakalusot na rin sa nangyari kagabi. Nasa room ako ngayon. Ako lang solo. Nagre-reminisce ako sa nangyari kagabi. Kagabi pa ako nag-iisip nun. Every time na naaalala ko yun, natatawa ako. Hayyy sana di na lang ako nagdisguise noh? Di sana ngayon girlfriend ko na si Claire. Di ko naman kasi alam na siya pala yung magiging soon-to-be-wife ko eh.

            “GOOD MORNING EVERYONE!” napatingin lang ako sa pinto at nakita ko si Claire na tuwang-tuwa. Bakit kaya? Baka sa nangyari kagabi hehehe.

            “Ako pa lang ang tao dito oh.” Nung nakita niya ang loob, saka lang niya narealize.

            “Ayyy hehehe sorry na oh.” Sabay labas ng dila niya.

            “Hehehe. Bakit pala parang ang saya ng mood mo ngayon?” nagtanong ka pa alam mo naman ang sagot. Agad naman siyang lumapit sakin.

            “Nakita ko lang kasi yung lalaking nagligtas ng buhay ko nung isang araw.”

            “Huh? Sino naman yun?”

            “Si Zack lang naman. Ang gwapong lalaking nakadate ko kagabi.” Ayy kinilig siya? Eh ako lang naman yung kadate niya kagabi eh. Yung totoong ako yun noh.

            “Sino siya? Baka mas gwapo pa ako dun?”

            Nagsmirk lang siya at kinuha yung phone niya. Pinakita sakin yung picture ko. I mean the real me.

            “Ohh? Tingin mo mas gwapo ka pa dyan ha?”

            “Isus tong lalaking toh? Eh lamang lang toh ng isang paligo lang eh.” Bigla na lang ako pinalo ni Claire sa braso ng mahina sabay tawa.

            “Ayan ka na naman eh. Ang laki ng tiwala mo sa sarili. Hahahaha!”

            “Ganyan lang talaga ang Prince Charming mo. Hahahaha!”

            Nagtawanan lang kami at ikinwento niya ang nangyari kagabi. Medyo naiinis nga ako kasi yung totoong ako ang gusto niya hindi yung nerd look ko. Dapat mafall din siya dito sa disguise ko. Kapag nangyari yun, pwede ko nang sabihin ang totoo sa kanya.

--Claire’s POV—

            Hindi pa ako nakunteto sa pagkwento ko kay Zian. Kaya pumunta ako sa bahay ni Bea at ikwento sa kanya ang nangyari.

            “Huwat?! Nakita mo na si Prince Charming number 2?” agad ko namang tinapi si Bea sa braso.

            “Ano ka ba? Hindi siya si Prince Charming number 2. Siya si Zack. Alam mo ba na nakadate ko siya kagabi?”

            “Sus. Gwapo ba toh? Mabait? Matalino? Prince Charming ba talaga ang dating niya?”

            “Ito naman ang daming tanong. Ito na lang ipakita ko sayo yung picture niya.”

            Binigay ko na lang ang phone ko sa kanya at siya na ang naghanap ng picture ni Zack.

            “Ito ba yun?”

            “Ahh oo yan nga.”

            “O-M-G!! Golly Wow!! Ang gwapo niya! Ang cute niya! Ang sarap kurutin ang pisngi. Ayiiee.” At talagang mas nakilig pa siya kesa sakin.

            “Ohh tama na Bea. Kalma lang ang puso mo. Hahaha.” Natatawa lang ako sa reaksyon niya.

            “Eh bestfriend sa gwapong toh, sinong babae ang di titili at kikiligin ng sobra?! Teka lang pano mo pala siya nakilala ha? Kwento mo sakin dali! Dali!”

            “Oh-oh teka lang. Ito na nga eh. Kaya nga ako ditto pumunta diba?”

            Agad ko namang kinwento kay Bea ang nangyari. The whole time, tutok sakin si Bea. Talagang nakikinig siya ng mabuti. Interested masyado? Hehehe. Kilig at tili ang nangyari samin habang ikinikwento ko sa kanya. Para na nga kami dun mga baliw sa mga nangyayari.

            “Hay naku bestfriend. Dapat tinawagan mo ako para nakapunta ako agad. Gusto ko rin kaya siya makita.”

            “Eh sa sobrang gwapo niya nakalimutan ko na ang paligid ko. Iniisip ko na lang kasi kaming dalawa lang. Hahaha”

            “Bestfriend naman eh. Bakit mo ba ako kinakalimutan?” at nagpout siya ng lips niya.

            “Eh sorry na. talagang nadala lang ako sa pangyayari. Hihihi. Anyways, ano pala ang nangyari sa date niyo ni Fred? Gusto ko rin yun malaman noh.”

            “Ayy wag na bestfriend. Baka kasi mahimatay ka sa sobrang kilig na nangyari sakin. Hahahaha XD”

            “Isus naman si bestfriend. Ikwento mo na kasi dali!”

            “Ayaw ko! Hahaha”

            “Ahhh talagang gusto mong pilitin ha?”

            At tinapunan ko siya ng unan. Siya rin. At nagsimula na kaming magpillow fight. Para kaming mga bata. Tapon dito, tapon doon. Tapos kulitan pa. Kaya ayun napilit ko rin siyang ikwento ang nangyari sa kanila ni Fred.

            “Ito kasi ang nangyari…”

I'm gonna marry a NERD?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon